Fifty One

1.2K 20 3
                                    

"Zoelle!" I heard Tyrone shouting my name.I saw him crying and I want to run towards him and wipe his tears away pero something is stopping me from doing it.

"Zoelle!Zoelle!No!Not her!Please!Please!" Then I heard Angel and Mori wailing.

"Not my daughter you evil b*tch!Zoelle you can do this!" Mother...

"AHHHHHHH!" I felt a deadly pain on my body.I can feel that she is so much stronger than me.

"ZOELLE!LOVE!NOOOO!"

"ZOELLEEEEEE!PLEASEEEEEE NOT HERRRR!"

"ANAK!MAHAL KA NAMIN!DON'T GIVE UP!"

This is a nightmare.

They are all crying for me.

"ZOELLEEEEEEEEEEEEE!"

Agad akong nagising at napaupo sa higaan ko.Halos naliligo na ako sa sarili kong pawis.Nanginginig pa ang katawan ko at hindi pa nagp-proseso ng maayos ang utak ko.

"Okay ka lang,anak?" Napatango ako kay ina.Tinignan ko kung anong oras na ngayon at alas-tres palang pala ng umaga.Mabuti na lang at sinamahan ako ni ina na matulog dito.

"Just a nightmare mother.Tulog na ulit tayo?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti para makita niya na totoong ayos na ako kahit hindi ako totally ayos dahil binabagabag pa rin ako ng panaginip na iyon.Hindi ko alam kung isang pangitain ba yon o isang masamang panaginip lang.

"Sige matulog na ulit tayo." Nginitian naman ako ni ina at hinaplos niya ang pisngi ko bago ako humiga muli.Ilang minuto ang lumipas bago ako makatulog ulit.



Umaga na at mabuti na lang ay hindi ko na napanaginipan ulit iyon.Kung ano man ang nangyari sa panaginip na yon,gusto ko na kalimutan.Mas magagambala lang ako at hindi ako makakapag-isip ng ayos.Mas mabuti na lang kung ibang bagay na lang ang isipin ko.

"Zoelle!Sumama ka sa akin!Bilisan mo!" Nakita ko ang nagmamadali at hindi mapakali na si Angel.Anong nangyari?

Nauna siyang lumakad habang naiwan ako dito na nakatunganga.Siguro ay naramdaman niya na hindi ako sumusunod sa kanya kaya lumingon siya at tinignan ako ng masama.

"Ano?Gusto mo bang kaladkarin pa kita?!" Kahit naguguluhan pa rin ako ay sumunod na lang ako.Nalaman ko na tinatahahak namin ang daan papunta sa clinic.Kung ganon....Laela.

"AHHHHHHHHH!AHHHHHHHH!BITAWAN NIYO AKO!BITAWAN NIYO AKO!KAILANGAN KONG UMALIS!BITAW!" Napatulala ako ng makita ko si Laela na hawak nina Tyrone.Sobrang nagwawala siya ngayon at hindi ko alam kung bakit.Lumapit ako kay Laela at nung nakita niya ako ay napatigil siya sa pagsigaw.

"Ikaw!Babalik siya para sayo.Magkakaroon na naman ng delubyo dahil sayo!Hindi ka niya lulubayan hangga't di ka niya nakukuha.Kung ako sayo papatayin ko na lang ang sarili ko!PAKAWALAN NIYO NA AKO!" Tinignan nila akong lahat.Napatingin ako kay Laela na nakatingin sa akin ng masama.

"Hindi kita papakawalan.I will surely kill your sister.Just wait and see." Malamig na sabi ko sa kanya.Ayokong pakawalan siya dahil alam ko ay kahit papaano,minahal siya ng kapatid niya.

Tinignan ko sina Tyrone at ang ibang mga kasama niya at sinabi ko na bantayan ng maigi si Laela.Hindi siya pwedeng makatakas.Bago pa man ako umalis ay pinalalim ko ang pagtulog ni Laela,ayaw niyang manahimik kaya ako na ang gumawa ng paraan.

"Angel and Mori please pakisabi sa mga nandito ang papalapit na delubyo.Ihanda niyo na ang kailangan gamitin.Salamat." Naramdaman ko na gusto nilang akong yakapin pero pinili na lang nila na lumayo dahil alam nilang sa sitwasyon ko na ganito ay delikado.Maaari ko silang makuryente kahit hindi ko gusto.

Pinuntahan ko si ina.Kailangan niyang malaman at makapaghanda siya.Nakakatawa lang isipin na gawa sa delubyo kaya ako nagkaroon at nakilala ko ang aking ina.Ngayon ay sabay na kaming lalaban pero sa mas malaking kalaban.

"I know.I know, Zoelle." Nagulat naman ako nung nalaman ko na alam na niya ang balita.Sino ang nagsabi sa kanya.

"Ha?Paano mo nalaman ina?Kanino mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Sa halip na sagutin ako agad ay nakuha pa niyang tawanan ako.May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Pasensya na at hindi ko sinabi sayo agad.Nung nakausap ko si Aine ay sinabi niya sa akin ang isa pang delubyo na paparating.Hindi ko muna sinabi sayo kasi may karapatan kang sumaya kahit sa sandaling panahon,anak.Gusto ko na hindi ka muna ma-stress sa mga bagay nung nagkamalay ako kasi alam ko na sobra-sobra na ang sakit na sinalo mo.Kaya sana maintindihan mo kung bakit hindi ko agad sinabi sa iyo." Imbis na magalit ako ay niyakap ko si ina.

"Salamat." Tipid na sagot ko.Alam ko naman na sobra ang pag-aalala niya sa akin kaya hindi niya sinabi iyon,naiintindihan ko kasi kung ako ang nasa posisyon niya ay gagawin ko din iyon.

Nginitian niya ako at hinaplos ang buhok ko.Tinignan ko siya at hinangaan ko ang aking ina.She also sacrificed a lot of things and I still blamed her nung nakilala ko siya.Binuhay niya pa din ako kahit na mali at ngayon ay tinanggap niya ulit ako sa buhay niya at sobrang pagmamahal ang ibinibigay niya sa akin.

Kung sakali man na mamatay ako sa paparating na delubyo ay mamamatay ako nang masaya dahil alam kong madaming nagmamahal sa akin at sapat na yon para sa akin.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now