Six

3.6K 104 7
                                    

"Oh my gosh!I love your name!" Masayang sabi ni Mori.Napangiti naman si Angel at nag-'ok' sign siya.

"Ah Mori, Angel alam niyo ba kung saan ko mahahanap si Mr. Gregore?"

"Yep.I-tour ka muna namin dito sa academy then we can go to Mr. Gregore's office after." Napatango na lang ako and we decided to eat muna bago kami lumabas.Since marunong kaming tatlo magluto,naisipan namin na sa every week palitan kami ng turns sa pagluluto. Si Angel sa first week,ako naman sa second week and si Mori sa third week and so on.

"Ah Zoelle ano nga palang power mo?" Napatigil ako ng tanungin ako ni Mori.Should I tell them about what happened sa office ni Ms. Helen?Wala naman sinabi si Ms. Helen na bawal kong sabihin.

"Can you promise me something muna?Keep this as a secret." I asked.I feel like I should keep it as a secret.Since hindi ko pa alam kung totoo ba na iyon talaga ang kapangyarihan ko.

"Ha?Bakit naman?" Tanong ni Angel na abalang nagluluto.

"I just feel like...I have to.But can you both keep it as a secret?" Alam kong malalaman at malalaman to ng iba naming kaklase but I just want to prove myself first bago ko ipagsabi kung anong kaya kong gawin.

"Of course!Pero alam mo naman na we can't keep it as a secret for so long diba?Since we have a battle training once every two weeks."

"Battle training?" Napatango naman si Mori.

"Yup!Kailangan master mo na yung power mo once you undergo sa battle training or else patay ka." Natakot ako sa sinabi ni Mori.Patay agad?Seryoso ba siya?

"Don't worry Zoelle!Di ka naman totally mamamatay well...sort of.Pero once na mamatay ka the healing department will turn you back into life." What the f?So ano to reincarnation kind of thing?

Pero bulaklak nga nabuhay mo Zoelle eh.So I think so.

"So did you guys experienced na ermmm———mamatay?" Nagkaroon ng saglit katahimikan na napalitan ng tawa nilang dalawa.

"Siyempre naman!Binibilang nga namin kung ilang beses kami namamatay sa isang buwan eh." Natatawang sabi ni Angel.Di ko alam kung matatawa ba ako o matatakot.I think di na sila takot mamatay.

"Last school year halos 20 times kaming namatay." I can't believe it.Halos masaya pa tong dalawa and they seem so proud...

"Ah haha.So how's the experience———s?" Awkward kong tanong.

"Well siyempre nakakatakot nung una.Di pa kasi naglalaban pero kung makatingin yung kalaban namin parang gusto na kaming balatan ng buhay.Pero after that nasanay na naman kami and mas tumapang kami." Napatango naman ako sa sinabi ni Mori.

"Buti naman na tumapang kayo makipaglaban para sa next na battle training may malaking chance kayo na manalo." Nakangiti kong sabi.Siguro ganun din ako na sa una lang ako matatakot.

"Hahahahahaha!That's not what I meant to say.I want to tell you na mas tumapang kami mamatay!Parang wala na kaya samin yung every training battle namamatay kami, it feels like we're sleeping na lang." Then Mori winked at me.

"Let's eat!" Tawag ni Angel.Tumayo naman agad ako at mabilis na pumunta sa dining table.

"I guess nalalaman mo na ang tunay na ugali ni Mori.She's crazy." Natatawang bulong sa akin ni Angel.

"Na-miss ko kumain!" Natutuwang sigaw ni Mori sabay kain niya.Well okay na to kesa sa mga nakakabaliw na masasamang titig ng mga tao sa ordinaryong mundo.


Kasama nina Angel at Mori yung mga fairies nila na sina Nyxie at Calix.Ang cute lang nila tignan habang naghahabulan sila sa hangin.

"Hey Zoelle, dito yung mga rooms for the ordinary subjects.Math,science and history classes.Of course yung history is about sa mundo natin and about kay Aine." Napatango naman ako at sinilip ko yung ibang rooms.It's just an ordinary classroom but with high-technology na mga gamit.

"Uhmm ilang sections every grade level?" Tanong ko sa kanila at sabay naman sila umiling kasabay ng mga fairies nila.

"Ang sections dito ay based sa kung gaano ka kalakas and kung gaano mo ka-master yung power mo." Sabi ni Mori.

"Nahahati ang sections ng mga students sa apat.The first section is called Aspasia wherein new students and also the 'weak' students like us belongs.The second section is the Apphia kung saan dun nabibilang yung mga students na nag-improve and kaya na nilang ma-control yung powers nila.Third is the Tassos,this is where the students who are now ready to fight in smaller battles belongs to.Lastly is the Pancras also known as the 'All Powerful' students here sa Eupraxia acedemy."

Buti na lang at nag-sink in sa akin lahat ng sinabi ni Angel at agad ko naalala yung mga sections.But curious ako kung anong ginagawa ng mga Pancras.

"So anong gagawin ng mga students na nabibilang sa Prancas?" I asked.

"Hmmmm di pa namin alam eh.All we know is nag-aaral pa din sila but mas focused sila sa trainings.Parang mas madami pa ngang ginagawa yung mga students na part ng Tassos eh." Napatango naman ako sa sinabi ni Angel.I wonder why.

"Kokonti pa lang kasi sila doon.I guess naghihintay pa sila ng ilan pang students na makakaabot doon." Dagdag ni Mori.

"Ilan pa lang ba sila?" Tanong ko ulit at natigilan naman si Angel na parang nagbibilang.

"Mga 7?Oo tama, pito lang sila doon." 7?!Sa dinami-rami ng estudyante dito sa academy sila pa lang nakakaabot doon?!

"Gusto ko ngang makaabot doon eh.Feeling ko di ko na maeexperience na mamatay muli." Out of nowhere na sabi ni Mori.Natawa na lang kami ni Angel kahit alam naming seryoso si Mori.

"Ah by the way Zoelle, have you heard Stavros?They are the students who are given a chance to be crowned as gods and goddesses.Once na maging part ka ng Pancras, asahan mo na mapapabilang ka sa mga Stavros."

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now