Fourty Four

1.2K 40 5
                                    

Third Person's POV

Masyado ng pagod si Mori para lumaban pa at halos sugatan na ang buong katawan ni Angel dahil sa pakikipaglaban.Sinubukan nilang dalawa na patumbahin lahat ng kalaban na nakaharang sa daanan nila.

"M-malapit n-na." Mahinang sambit ni Mori na halos hirap ng maglakad at medyo nahihilo na.

Malapit na sila sa kwarto kung nasaan si Zoelle at mas lalo lang silang nagkakaroon ng lakas ng loob para lumaban.Para kina Angel at Mori, pantay lang ang pamilya sa kaibigan kaya gagawin nila kahit ano para kay Zoelle.

"Zoelle!" Halos masira ang pinto ng buksan ito ni Angel.

"Oh my god." Napatakip ng bibig si Mori ng makita niya ang hindi inaasahang pangyayari.

Halos nakakasilaw ang liwanag na bumabalot sa buong katawan ni Zoelle.Para itong mga kuryenteng halos tumatagos sa loob ng katawan ni Zoelle.

"She's killing everyone." Agad na napalingon sina Angel at Mori ng bigla nilang marinig ang boses ni Artemisia.Kasama nito si Melucine at Eleutherios.

"Don't you fucking dare touch her!" Matapang na sabi ni Mori at inihanda ang sarili sa anumang karahasan ang magaganap.Alam niya sa sariling hindi niya matatalo ang mga ito pero pinangako niya sa sarili niya na hangga't hindi siya namamatay, hindi siya titigil sa pakikipaglaban para iligtas ang mga mahal niya.

"Hindi na namin kailangan pang lumapit.Kaya naming patayin yang kaibigan mo ng walang kahirap-hirap." Mayabang na sabi ni Eleutherios.Natulungan siya ni Artemisia na makawala sa kontrol ni Tyrone.

"Anong sinasabi mo?!" Galit si Mori at halos magdilim ang paningin niya ng marinig na papatayin na naman nila si Zoelle.Gusto na niyang matapos to.Gusto na niyang matapos ang paghihirap ni Zoelle.

"Bakit hindi mo tanungin yang kaibigan mo?" Ngayon ay si Melucine naman ang nagsalita.Itinuro nito ang direksyon sa likod ni Mori.

Bago pa man maisaksak ni Angel ang kutsilyo na mayroong lason sa mismong puso ni Zoelle ay agad na siyang napigilan ng umiiyak na Mori.

"Anong ginagawa mo?!" Marahas na itinulak ni Mori si Angel.Hindi niya inakalang may sasakit pa pala sa sitwasyon ngayon ni Zoelle.

"Papatay." Malamig ang boses ni Angel.Hindi siya ang kilalang kaibigan ni Mori.Sa isang iglap ay nag-iba ang ugali nito.

Demonyo.

"Sa ngalan ng pagpatay ko kay Zoelle, magkakaroon ako ng silbi sa mundong ito.Mas lalakas ako dahil magkakaroon ako ng abilidad na ipagtanggol ang sarili ko ng walang kahirap-hirap.Yun lang naman ang gusto ko.Ipagdadamot mo pa ba yon?Ha?Mori?!" Pilit na hinahanap ni Mori ang bakas ng kaibigan niya sa mga mata nito ngunit halos nababalutan na ito ng sariling kagustuhan.

"Pero sasaya ka ba na mawalan ng kaibigang itinuring kang pamilya?Ganyan ka na ba?Makasarili?" Walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa mata ni Mori.Nahihirapan na siya.Naiipit siya sa sitwasyong sumisira ngayon sa sarili niya.Hindi niya alam kung paano maaayos itong lahat kung siya mismo ay sira na din.

"KAYO!KAYO ANG MAKASARILI!Dahil ba may abilidad kayong ganyan?Yung nakakaya niyong ipagtanggol ang sarili niyo?!Paano naman ako?!Tagapagpagaling niyo?Ni sarili ko nga di ko mapagaling eh!Ngayon sino ang makasarili?" Umiling-iling si Mori sa mga natatanggap niyang salita mula kay Angel.

"Sa tingin mo ba bibigyan ka talaga ng kapangyarihan ng mga demonyong yan?Baka nga patayin ka pa nila." Walang emosyon na sabi ni Mori.Gusto niyang yakapin si Angel.Gusto niyang magmakaawa na itigil ng lahat ng kahibangan niyang ito.

"Bakit?Kaya din ba ako bigyan ng mga diyos ng kapangyrihan?" Napangisi si Mori sa nasabi ni Angel.

"Hindi ka kayang bigyan ng mga diyos ng kapangyarihan kaya alam mo na din na hindi ka din nila kayang bigyan ng kapangyarihan.Wag kang tanga Angel.Gamitin mo ang utak mo lalo na kung alam mong di ka kayang iligtas ng abilidad mo." Mapait na sabi ni Mori.Isang malaking sampal ito kay Angel na halos walang lumabas na salita mula dito.

Nanlulumo si Mori.Pilit na lang niyang tinatatagan ang sarili kahit alam niyang hindi na kaya ng puso niyang tumanggap pa ng kahit anong sakit.

"Ngayon kung suko ka na kasi tingin mo wala kang kwenta, lubayan mo na lang si Zoelle.Baka ako pa ang makapatay sayo." Malamig ang boses ni Mori.Hindi siya pwedeng magpakita ng kung anong kahinaan sa ngayon.Kailangan niyang maging matatag.Hindi man para sa kanilang tatlo pero para sa kanya at kay Zoelle.Sa kanila lang dalawa.

"Kayo!Mga demonyong ulol!Lubayan niyo na kami!Patayin niyo na lang ang isa't-isa pwede ba?Tigilan niyo na ang pagbibigay ng delubyo sa mundong ito dahil hinding-hindi kayo babagay dito!Sa ilalim lang kayo ng lupa!Doon lang!" Matapang at taas noong sabi ni Mori.Tinawanan lamang siya ni Eleutherios habang nakangisi si Melucine at walang emosyon naman si Artemisia na nakatingin lang kay Zoelle na patuloy pa din ang pagdaloy ng kuryente sa katawan nito.

"Gustong-gusto kitang patayin." Nakangiting sabi ni Eleutherios kay Mori.Hindi naman nagpatinag si Mori at pinagtaasan lang ito ng kilay.

"Pag ako pinatay mo, magkikita na naman tayo sa impyerno.Isipin mong mabuti kung gusto mo ba talaga akong patayin." Nakangising sindak ni Mori.

"MANAHIMIK!" Malakas na sigaw na sinundan ng nakakabinging katahimikan.Isang salita mula kay Artemisia ang nagpatigil sa lahat.

"Z-zoelle." Mahinang sambit ni Angel ng makita nito si Zoelle na unti-unting nagmulat ng mata.

"Zoelle!" Gusto man yakapin ni Mori si Zoelle ay hindi niya magawa.Natatakot itong makuryente bigla.

"Pambihira." Hindi makapaniwalang sambit ni Eleutherios sa nakikita niya.

Tuluyan ng nakatayo si Zoelle at unang dumapo ang tingin nito kay Artemisia.Walang takot niya itong itinuro at pinagmasdan.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo, aking ina?" Rumehistro kaagad ang gulat sa mukha ni Artemisia ng marinig niya iyon mula dito.

"P-paanong?" Hindi makapaniwala si Artemisia na pagkagising nito ay alam na ang bagay na ito.

"Anong kahibangan to?!" Naguguluhan si Eleutherios sa nangyayari lalo na at narinig niya na ang kapatid niya ay may anak na.

"Kung ayaw mong magkwento.Ako ang magkwekwento." Nakangiting sabi ni Zoelle.Nanlilisik ang mga mata ni Artemisia habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha dito.

"Nahulog ka sa lalaki sa ordinaryong mundo hindi ba?Nagpakalayo-layo muna kayo para iwas sa mata ng mga kapatid mo.Alam mong magagalit sila dahil sa ginawa mo.Pinatay mo ang kapatid mong si Aine dahil tutol ka sa pag-iibigan ng diyos at mortal pero ikaw mismo, ginawa mo ulit yon.Nagtaksil ka din, ina.Sana hindi mo ako patayin katulad ng ginawa mo noon."

Walang masabi si Artemisia ngunit luha na mismo ang nagsasabi na pinagsisisihan niya lahat ng bagay na ito.Ngunit alam niyang naging walang kwenta siyang ina.Na sa matagal na panahon, hindi niya inaasahang may pag-asa pa palang magbago ang puso.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang