Five

3.4K 100 2
                                    

Walang tigil na naghiyawan ang mga estudyante ng biglang palibutan ng isang magical sphere ang isang bagong estudyante.Bigla itong naging kulay asul.

"Ah~ water manipulation.You are now known as Phoibe." Nag-cheer naman sa kanya ang mga tao.

I guess ang kulay na lalabas doon sa magical sphere ay base sa kung saan nabibilang yung isang tao.As for example is water manipulation na nirerepresent ng color blue.

Sunod-sunod ang nangyari hanggang sa malapit na ang turn ko.Hindi ko maiwasang maisip kung anong kaya kong gawin at kung ano ang pangalan ko.Isang estudyante na lang at ako na ang sunod.

"Mr. Gregore sandali lamang." Isang babaeng nakasalamin ang biglang nagpunta sa harapan.I think she is one of the professors here.

"Ah Isabella?Is there a new student named Isabella?" Ako ba ang tinutukoy niya?

"I-I'm Isabella." Nagtaas ako ng kamay.Naguguluhan ako...may nagawa ba akong mali?Ipapatalsik na ba nila ako dito sa academy at dito sa Olympias?

"Sumama ka sa akin." Sumunod agad ako sa kanya.I guess she's in her mid-30's kahit mukhang bata pa siya.She have a shiny brown shoulder-length hair at sobrang dark ng mga asul niyang mata.

Dumating kami sa harap ng isang silid.I guess this is the principal's office.First time kong makakapasok dito kahit nung nasa ordinaryong mundo pa ako ay never akong nakapasok sa principal's office.Binuksan niya yung pinto at agad siyang pumasok, leaving the door open for me.

"She's here." Sabi niya.Pumasok naman ako at isinarado ko yung pinto.Nakakahiya kung iiwan kong nakabukas ang pinto at hindi ako papasok.

"Thankyou Ms. Roxane." Napatingin naman siya sa akin.She's a goddess.Ang surreal ng beauty niya parang nagliliwanag siya sa ganda.

"Isabella?" Tumango naman ako.

"Umupo ka dito."

Kinakabahan talaga ako.Did I do something wrong?Baka ibalik na nila ako sa normal na mundo pero ilang araw pa lang ako dito!

"M-may nagawa po ba akong m-masama?"

"Don't worry wala kang nagawang masama.By the I am Helen, nice to meet you.And siguradong nagtataka ka kung bakit kita pinatawag dito." Napatango naman ako.

"Your real name is Zoelle and kailangan kitang makausap personally because you're holding a great power to control the world.Di kakayanin ng kapangyarihan ni Mr. Gregore na malaman ang kapangyarihan mo and besides I want to be the first one to welcome you here in the academy as your Principal." Pagpapatuloy ni Ms. Helen pero di ko maiwasan na magtanong.

"You mean I can control the whole world?Baka nagkakamali po kayo."

"Zoelle...anak ka ng isang god at goddess,katulad nila ay may malakas na kakayahan ang mayroon ka.Siguradong alam nila na may ganyan kang kalakas na kapangyarihan that's why they tried to protect you by giving you a normal life sa ordinaryong mundo...pero katulad ng iba ay babalik ka pa din dito sa mundo kung san ka nababagay."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot.Buhay ang mga magulang ko at may chance pa ako na makita ko sila pero natatakot ako sa sarili ko.Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad ko ay magkakaron ng ganitong klase ng kapangyarihan.

"By any chance...do you know my parents' names?" Nakita ko na napangiti si Ms. Helen.So alam niya?

"Sorry but no." Napakunot naman yung noo ko.How come?Alam niyang isang god at goddess ang mga magulang ko meaning kilala sila dito and anyone living in here will know their names.

"But why?Diba gods and goddesses should be praised and known here?" Muling napangiti si Ms. Helen.

"Not really.Everyone here are treated fairly.Nagtataka ka kung paano ko nalaman?Your eyes shows that your a child of a god and a goddess."

"Paano ko sila mahahanap?" Mukhang nabigla sa tanong ko si Ms. Helen but I badly want to know.

"That's—impossible.Considering the fact na hindi masyadong nagpapakita ang mga gods and goddesses unless may nangyayari dito sa sa Olympias na kinakailangan ang presensya nila."

"Then how———"

"I guess tapos na tayong mag-usap, Zoelle.Just look for Mr. Gregore about your fairy." Kahit gusto ko pang magtanong, parang may nag-command sa katawan ko na umalis na dito.Napatingin ako kay Ms. Helen at alam kong siya ang gumagawa non.

Pagkalabas ko sa principal's office ay agad akong inalalayan nung babaeng nakasalamin and bigla na lang nawala yung control sa akin ni Ms. Helen.I wonder kung anong kaya niyang gawin.I was about to thank her ng maalala ko na di ko alam ang pangalan niya kaya ngumiti na lang ako.

"My name's Altheia.I have the ability to heal." Napangiti naman ako pero pilit.Then her ability to heal is exceptional.

"Thankyou Ms. Altheia." Tipid kong sabi.Agad akong umalis at nagtanong ako for my room number.Mabuti na lang at kasama ko pa din sina Angel at Mori.


"Isabella!Thank goodness!Akala namin aalis ka na dito sa academy!" Sabay akong niyakap nina Angel at Mori.

"Zoelle." Sambit ko.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Angel.

"W-wala naman tayong kasamang...m-multo diba?" Napatingin naman ako kay Mori tsaka ko napangiti.

"Zoelle is my real name."

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon