Thirty Seven

1.8K 39 2
                                    

This Chapter is dedicated to @Joson04 (Desirie Joson).Wish granted! :)
___________________________

"Isabella." I murmured.That name that was left in such memory.I don't hate it but I'm not longing for it as well.That name that I used for years, living in the normal world and even compared to my ugly face.

"Ang ganda ng pangalan mo pero ang pangit pangit mo!Hahahahahahaha!" How I wish that I have the courage to raise all of my middle fingers to those haters.

"Uyyyy ang ganda oh!Ganda ng sahig!" Sige tawa pa.Kukulamin ko kayo mamaya!

"Ms. Isabella?Can you please bring these to the principal's office?" Halos irapan ko na ang teacher ko na nag-uutos sa akin ngayon ngunit ngiti ang ibinalik ko dito.

"Sorry ma'am pero may gagawin pa po ako." Nakita ko naman ang pag-irap nito sabay tingin sa akin ng masama.

"Ang pangit na nga, ang tamad-tamad pa!" Akala ko naman ay ibubulong niya lang ito pero halos mapantig na ang tenga ko sa malakas na sigaw nito.Hindi ko napigilan ang sarili kong sumagot pabalik.

"Nagsalita ang matabang tamad!" Bawi ko dito.Agad naman akong naglakad palayo.Naririnig ko pa ang matinis na boses nito na nag-echo sa buong hallway.Napangiti ako ng matamis sa nagawa kong kasamaan.Gusto ko tuloy gawin araw-araw.

Pabato kong inilapag ang gamit ko sa kama at tsaka inilagay ang lumang earphones ko sa tenga tsaka ko pinatugtog ang mga paborito kong kanta.Wala pang sampung minuto ng makarinig ako ng malakas na katok sa pinto ko.

"Ito na naman siya." Buntong-hininga kong sabi.Alam ko naman kung sino ang nasa labas.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita ko ang matandang may-ari nitong bahay na tinutuluyan ko ngayon.Asawa siya ng kumupkop sa akin.

"Hoy.Nasaan ang pera?" Lasing na lasing ito ngayon at halos hindi makatayo ng ayos.Napailing na lang ako sa sitwasyon niya ngayon.Nakakalungkot isipin na simula ng mamatay si Nanay Ludie ay naging palainom na siya, mapaumaga man o gabi,

"Ano pong pera?" Kahit na ganyan siya ay malaki pa din ang respetong ipinapakita ko sa kanya dahil iyon ang turo sa akin ni Nanay Ludie.Kahit masama man ang tao sayo ay matuto ka pa din rumespeto...

PERO HEP!WAIT LANG!May hangganan pa din naman ang respeto.Kapag alam mo ng sumosobra na eh matuto ka pa din dapat lumaban.Katulad na lamang ng ginawa ko doon sa tamad at masama kong teacher.

"Yung pera!Pera ko!Nasaan?Kinuha mo ba?Ha?!" Pinipilit niyang buksan ang pinto ko para malaya siyang makapaghalungkat ng pera sa kwarto ko pero hindi pwede.Hindi niya pwede makita kung anong nasa loob ng kwarto ko.

"Hindi po!Hindi ko alam kung nasaan ang pera niyo!Tsaka ano po bang hinahanap niyo eh wala naman kayong pera?!" Paliwanag ko dito.Buti na lang at lasing ito kaya hindi makatayo ng ayos kaya nalalabanan ko ang lakas nito.

"Sinungaling!Hindi ka ganyan pinalaki ng asawa ko!" There.It hit me.Nanay Ludie taught me a lot, mostly how to treat a person with kindness.Nanahimik ako habang nakaharang pa din sa pinto.

"Hindi ka din po nagustuhan ni Nanay Ludie dahil sa ugali mong yan!Nagustuhan at pinakasalan ka ni Nanay Ludie dahil mabait ka at alam niyang kaya mo siyang mahalin hanggang wakas!Bakit ba kayo nagkakaganyan?!" Sigaw ko habang pilit na isinasara ang pinto.

"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!Wag mong gawing dahilan ang asawa ko!Pahirap ka lang naman dito!" Buong pwersa kong itinulak ang pinto kaya nasara ito at mabilis ko din itong ni-lock.

"Wag mo din gawing dahilan si Nanay Ludie kung bakit ka nagkakaganyan!Wag kang mag-alala, aalis din ako dito!" Gustuhin ko man magpakawala ng isang malakas na sigaw ay hindi ko kaya.Pakiramdam ko ay hinang-hina na kao sa mga nangyayari.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now