Fifty

1K 28 11
                                    

Katulad ng ginawa ko noon ay ganun din ang ginawa ko ngayon.Naramdaman ko ang buhay na dumaloy mula sa katawan ko hanggang sa mga kamay ko.Nakita ko ang maliliit na parang kidlat na dumadaloy sa katawan ni Laela.

"Oh god,she's alive." Napaatras ako ng biglang nagmulat ng mata si Laela.Tumingin siya sa akin ng walang emosyon.

"Thankyou." Nagulat ako ng magpasalamat siya sa akin.Akala ko ay galit siya at kinamumuhian niya ako dahil sa nagawa ko sa kanya.

"H-ha?" Wala sa sarili kong tanong.

"Milady don't be stupid please." Napabuntong hininga ako at di ko na lang pinatulan ang sinabi ni Zelus.Nakita kong papalapit si Tyrone kay Laela.

"No.Don't touch her.Baka...baka makuryente ka." Napaayos ako ng tayo ng akbayan ako ni Zelus at dahan-dahan akong tinapik sa balikat.

"Milady chill~.Don't be jealous to someone you just brought back to life." Sinamaan ko ng tingin si Zelus at binulungan ko.

"Kanina ka pa ha.Sasamain ka na talaga sakin." Ngumisi naman siya at kinindatan ako.Ang lakas talaga ng loob nitong lalaki na to.

"Oh oh!Chill bro!Chill!" Di ko napansin na papalapit na pala sa amin si Tyrone.Inis niyang inalis yung kamay ni Tyrone sa balikat ko at pinaghiwalay kami.

"Tss.Bagay nga talaga kayo." Masama pa din ang tingin ni Tyrone kay Zelus kaya nilayuan ko sila at nilapitan si Laela.

"Don't touch me." Inilayo ko ang kamay ko na dapat ihahawak ko sa kanya.

"Why?Gusto ko lang naman i-check kung okay ka." Pinagtaasan niya ako ng kilay at nakita kong tumingin siya kay Tyrone.

"Baka makuryente ka." Parang namula ang buong mukha ko sa sinabi niya.I heard Zelus chuckled at the back habang nasamid ata si Tyrone sa sarili niyang laway dahil napaubo ito bigla.

"W-well...I'm just uhm...uhh———concerned!Yes!Concerned ako kay Tyrone.Di ko kasi alam yung mangyayari kapag hinawakan agad yung taong binalik ko sa pagkakabuhay.....that's why." Nginitian ko si Laela pero bakit parang nanginginig ata labi ko?

"Wag mo pilitin ngumiti.Tss."

"Okay, sabi mo eh." Agad nawala ang ngiti sa labi ko at walang emosyon kong tinignan si Laela.

"Ano?Will you still check up on me or not?" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko and because of my reflexes ay nakuryente ko siya.

"Oh god!Sorry Laela!Sorry!Sorry!" Agad kong binawi ang kamay ko kay Laela at lumayo ako ng kaunti sa kanya.Shit ang lakas ng impact ng nagawa ko sa kanya.

"She's dead again?" Casual na tanong ni Zelus.Nilapitan ko siya agad at hinampas.

"H-hindi ah!" Tinawanan niya pa ako!Di ko naman maikakaila na kinakabahan ako.

"But you're stuttering,Milady!So there's a possibility that you killed Laela!" Nakangisi pang sabi nito.Kanina pa ako nagtitimpi dito kay Zelus eh.So I came up with a plan and that is to give him a little shock,para naman magtigil na kakaasar sa akin!My index finger slowly made its way towards his sides.

He's still laughing.Hindi niya alam kung anong sorpresa ang nag-aabang sa kanya.And in a split second he'll be flying out for sure.

"Surprise jerk!" Kasabay ng pagkasabi ko non ay ang paglapat ng daliri ko sa tagiliran niya.Hindi nga ako nagkamali dahil mabilis siyang lumipad palabas ng kwarto.

Natatawa naman ako sa kalokohan na ginawa ko.Well pasalamat siya dahil parang kagat lang yon ng isang langgam.

Okay!Okay!Hindi lang parang isang kagat ng langgam yon.The electric shock that I gave him was like being bit by a shark.Pero that's better than what I did to Laela, I'm glad that she survived my demon side.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now