Ten

3.1K 83 2
                                    

"O-okay ka lang ba Diana?" Napatingin ako sa nagtanong.Violet yung kulay ng buhok niya at yung mata niya kulay brown.She seems scared,bakit?

"SA TINGIN MO BA OKAY AKO?!" Oh okay,okay.Now I know kung bakit parang takot siya.Yung nakabangga namin, nakakatakot.

"S-sorry." Sabi nung babae.

"YOU!BULAG KA BA?!" Napaatras naman si Misha pati si Mori.Habang kami ni Angel...wala kaming emosyon.Mukhang sanay na kaming masigawan.

"Sorry Diana.S-sorry." Si Misha.Nakatungo lang siya.

"Sorry?SORRY?!WALA AKONG PAKI SA SORRY MO!" Nakita ko siyang kinuha yung baso ng juice sa tray nung babae at itatapon niya sana yon kay Misha.

"Stop." I said.Hawak-hawak ko yung kamay niya na.

"H-HOW DARE YOU!" Oh come on.Magalit ka pa, it's my pleasure.

"Mori, ilayo mo na dito si Misha." Naiwan kami ni Angel dito.

"Bitawan mo ko kung ayaw mong maging yelo." Tumango na lang ako pero di ko pa din binibitawan yung kamay niya.Sama ng ugali.

"Let's go Zoelle.Hayaan mo na." Hinila na ako ni Angel.Makakalabas na sana kami ng may maramdaman ako sa likod ko.Sabay kaming lumingon ni Angel pero mas mabilis siya at nahawakan niya agad yung kamay ni Diana.

"She said STOP kanina pa!TANGA KA BA?!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Angel. Nakakatakot.Di na ako nakapagsalita ng hinila ako ni Angel palayo.Halos tumakbo na kami pero tumigil din kami sa tapat ng dorm namin.

Nagkatinginan kami ni Angel tsaka kami natawa pareho.Oo, mukha talaga kaming baliw.

"Master na kita!Ngayon ko lang nalabanan ng ganon si Diana kahit dati gustong-gusto ko pang sirain pagmumukha non.Kung hindi mo pinagtanggol si Misha siguro mananahimik na lang din ako." Sabi sakin ni Angel habang natatawa.

"Okay lang ba kayo?" Napatingin kami kay Mori na binuksan yung pinto ng dorm namin.Pumasok naman kami ni Angel.

"Yup okay lang kami.Nasaan si Misha?" Tanong ni Angel.Tinuro naman ni Mori yung banyo.

"Nagpapalit ng damit.Pianahiram ko muna siya ng uniform kasi malayo pa yung dorm niya sa cafeteria." Napatango naman kami ni Angel tsaka tumawa kami ulit.

"Angel, stop sakit na ng tiyan ko kakatawa." Saway ko kay Angel.

"Zoelle, nakita mo ba yung mukha niya nung sinabi mong 'STOP'?Takot siya eh!BWAHAHAHAHAHA!"

"Uhmmm guys anong nangyayari?" Tapos na si Misha magpalit ng damit.

"Nababaliw na ata sila Misha." Sabi ni Mori kaya napatigil kami sa pagtawa ni Angel.

"Tignan niyo na lang sa Eupraxia News." Sabay kindat ni Angel.May ganon pala dito.



Bumalik na din kami sa klase, di na kami kumain since di naman kami talaga gutom tsaka ayaw na namin bumalik ulit sa cafeteria.Baka mapaaway na naman kami.

"Goodmorning class.Alam kong kilala niyo na ako but to be formal I am Mr. Gregore your teacher on shape shifting.So why?The academy decided to teach students a new skill which is shape shifting.And I,who is a skilled shapeshifter is the only one willing to teach in that field.So bear with me." Mahabang panimula ni Mr. Gregore.

May mga pinakita siya sa amin na mga pictures and theories about his subject.Halos lahat naman kami ay nakatutok sa tinuturo niya pero may mga ilan pa din na natutulog.Natapos ang ilang minuto niyang pag-discuss tsaka siya nagpaalam.

"Goodbye for now class.See you all tomorrow!" Masigla niyang paalam tsaka siya lumabas.

"Class, good afternoon." Ms. Altheia?This means siya ang magtuturo sa amin about healing.Napatingin naman ako kay Angel at nakita ko yung admiration sa mukha niya.

Sunod na dumating si Mr. Alexandros.Siya ang magtuturo sa amin kung paano lumaban kasama na doon ang battle training.



Finally tapos na!Sabay-sabay ulit kaming lumabas.Nagpaalam na din si Misha sa amin at mukha siyang nagmamadali.

"Ah Zoelle, Mori.Pwede bang mauna na lang kayo sa dorm?Pupunta lang akong library." Napatango na lang kami kay Angel.Patakbo siyang umalis, napatingin naman ako kay Mori na halatang nagtataka.

"Sundan natin siya.Never yun pumuntang library.As in never!" Di na ako nakasagot dahil hinila na agad ako ni Mori para sundan si Angel.

Sobrang nakakapagod tong ginagawa namin dahil tumatakbo kami tapos bigla akong hihilahin ni Mori para magtago.Nagpapahila na lang ako kay Mori dahil pagod na ako.

"Mori ikaw na lang kaya ang sumunod?Pagod na ako." Reklamo ko kay Mori.

"Malayo na tayo sa dorm, Zoelle.Tiisin mo na lang yang pagod mo.Okay?" Tumango na lang ako.Hinila ulit ako ni Mori pero bakit prang hindi naman ata kami sa library papunta?Isang beses pa lang akong napupunta sa library pero alam ko na ang papunta dito.Biglang tumigil si Mori kaya napatigil din ako.

Nasa harap kami ngayon ng clinic.Akala ko ba sa library pupunta si Angel?

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon