Fourty Eight

1.2K 26 6
                                    

"You're reincarnated."

"What do you mean?!" Nakita ko ang sarili ko na napahawak sa ulo ko.

"What if you're Aine?"

"NO!I'M NOT!" Napaupo ako bigla sa higaan ko.Nagising ako ng tumatagaktak ang pawis sa mukha ko.Wala na akong maalala sa panaginip kong iyon,yan na lang.

Ayoko ng bumalik sa tulog kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

"I'm not.Hindi ako si Aine." Pinipilit kong tanggalin sa isip ko ang napanaginipan ko kanina.Hindi yon posible.

"You are.It is true.Ikaw si Aine." Muntikan ko ng ibato ang baso na hawak ko.Madilim at hindi ko makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Sino ka?" I need to be aware.Mamaya bigla niya akong atakihin.

"I tried to kill you multiple times.Masyado ka nga lang maswerte dahil hindi kita mapatay-patay.Pati ata mga kaibigan mo hinawaan mo na din ng kaswertehan.Nanay mo nga lang ang hindi." Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit.She's the one who killed my mother.Malakas ang loob niya at nagawa pa niyang tumayo sa harapan ko ngayon.

"How does it feel to kill somebody?Does it feel nice at all?Does it satisfy you in any way?Is it something that gives you happiness and pleasure?" I heard her laugh.Nakakainis ang tawa niya,I want to slit her throat so bad.

"Yes.It is indeed a pleasure of mine.I love it when I see someone dying.Lalo na nung nakita ko yung nanay mo?It satisfied my whole week of craving for deaths." Mabilis na kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya.Lumabas sa kaliwang kamay ko ang kuryente na hugis latigo at ipinulupot ko ito sa leeg niya.She started choking and yelping.

Malakas na hinampas ko ang babasagin na baso sa may counter at nakagawa ito ng malakas na tunog.Natira ang isang malaking piraso ng bubog na pwedeng maging dahilan sa pagkamatay mamaya nitong tao na to.

Mas lumakas ang daloy ng kuryente sa kamay ko papunta sa leeg niya.Nangingisay na ang buong katawan niya,hudyat na nanghihina na siya at di na niya kinakaya ang ibinibigay kong sakit sa kanya.Hinatak ko siya ng buong pwersa,dahilan ng pagkatama ng buong katawan niya sa pader at pagdugo ng noo niya.Napahiga naman siya gawa sa ginawa ko at doon ko siya nilapitan.

"I know you." Sambit ko ng makita ko ang mukha niya.Hindi ako makapaniwala.

"H-hindi ako n-nabala-laan ni A-al-altheia tungkol s-sa kakayahan m-mo." Napakunoot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"You're not Ms. Altheia?Pero kamukha mo siya." Punong-puno na ng katanungan ang utak ko ngayon.

"Obvious ba?Malamang kakambal ko yung demonyong yon." Napaubo naman siya ng dugo at natalsikan pa ako sa mukha.Ugh kadiri.

"Bakit mo ako gustong patayin?Bakit mo pinatay si Artemisia?!" Dahil sa galit ko ay nawalan ako ng kontrol sa kapangyarihan ko.Dahilan ng pagdaloy ng malakas na kuryente sa katawan niya kaya halos malapnos na ang balat niya.

"D-dahil g-gusto kong ma-mala-laman k-kung i-ikaw ba t-talag-talaga si A-aine.Fuck!Stop electrocuting me for fuck sake!" Isang malakas na sampal ang natanggap niya muka sa akin.

"Dahil lang doon?!Anong kinalaman ng pagpatay mo kay Artemisia at sa posibilidad na ako nga si Aine?!" Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na tuluyan siyang patayin.Alam kong hindi pa ito ang oras para tapusin siya.

"Sabi nila...kung sino ang pumatay sayo,siya din ang bubuhay sayo." Natigilan ako sa sinabi niya.Pilit na pumapasok sa isipan ko ang sinabi niya pero inalis ko ito dahil ayokong maniwala.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon