Thirteen

2.8K 76 4
                                    

"Angel from Aspasia Division, gusto mo na bang makilala kung sino ang makakalaban mo?" Di sumagot si Angel.Wala talaga siya sa mood.Tumawa ng pilit yung speaker.

"Silence means 'YES' hahaha.Hmmmmm....oooohhh you're going to battle with someone from a higher division!Ask from Apphia division!" Nagpalakpakan naman yung mga estudyante dito especially yung mga babae.Napatingin ako sa lalaking tumatakbo pababa.

Mapapatanong ka nga talaga kung bakit ang gwapo niya———no, hindi 'gwapo' ang tamang term dapat... 'demi god'.

"Let's clap our hands and let the battle——— begins..."

Napatingin ako kay Angel at parang pinag-aaralan niya si Ask.Habang si Ask naman ay nakangiti lang kay Angel.I can see na kinakabahan si Angel pero hindi niya ito pinapahalata.Kanina pa nagsisimula ang timer pero wala pa din naghahasik sa kanila na lumaban.Mukhang pareho pa silang hindi ready.

"Zoelle.Nakikita mo ba yung kamay ni Angel?" Napatingin naman ako sa kamay ni Angel dahil sa sinabi ni Mori.May parang halaman na tumutubo sa kamay ni Angel.

Agad naman na nagsigawan lahat ng estudyante ng biglang pakawalan ni Angel yung vines ng halaman na tumubo sa kanya.Agad na pumulupot ito sa buong katawan ni Ask.

Ngunit nakangiti pa din si Ask at biglang napangiwi si Angel.Ano bang kayang gawin ni Ask at parang nasaktan niya si Angel?

"Fire." Sambit ni Mori tsaka ko nakita na parang nasusunog yung vines na nakapulupot sa katawan ni Ask.

"Arghhhhg!" Sigaw ni Angel sabay ng pagtilapon ni Ask sa ere.Nawala yung ginawang vines ni Angel at bumalik sa kanya.Nakita ko yung kamay niya na may sugat.

"Mori bakit hindi niya ginagamot sarili niya?" Bulong ko kay Mori.

"That's the problem, Zoelle.Kaya niyang magpagaling ng ibang tao pero hindi niya kayang gamutin ang sarili niya." Napabaling ulit ang tingin ko kay Angel.Kaya pala kailangan pa niyang pumunta sa clinic para lang gamutin yung sugat niya sa braso.

Muling ngumisi si Ask tsaka niya pinalibutan yung sarili niya ng apoy.Tsaka siya naglakad papalapit kay Angel.Si Angel naman ay nakatayo lang.Bakit hindi siya tumatakbo?

Nagulat lahat ng biglang nawasak yung sahig at lumabas yung mga vines na mas malaki pa kaysa ng kanina.Nawalan ng balanse si Ask kaya nawala din yung apoy na nakapalibot sa kanya.Agad na bumulusok papunta kay Ask yung mga vines na ginawa ni Angel at saka siya pinuluputan hanggang nahimatay na si Ask.

"WOOOOHHHH BESTFRIEND KO YAN!" Sigaw ni Mori kaya pati ako napatayo tsaka pumalakpak hanggang maging yung ibang estudyante din ay ganun yubg ginagawa.

"THAT WAS AN INTENSE BATTLE!Wooooh!And also Angel this is your first time winning a battle hindi ba?" Tumango naman si Angel habang hinahabol pa din niya yung paghinga niya.

"Well if that is the case, let's clap our hands for Angel!" Nakangiti naman na nag-bow si Angel habang malakas na nagpapalakpakan at nagsisigawan ang mga tao.

Nagkaroon ng saglit na break para sa aming mga estudyante.Aayusin daw muna yung nasira sa loob.

"Angellll!!!!!" Sigaw ni Mori.Tumakbo kami papunta kay Angel tsaka namin siya niyakap.

"That's a good and an intense battle, Angel!" Masaya kong sabi sa kanya.

"Kakapagod nga lang.Tsaka nakita niyo ba yung mukha nung Ask na yon?Nakakainis.Kaya super nainis talaga ako sa kanya kaya yan nangyari." Natawa kami sa sinabi ni Angel.Mukha nga siyang nainis ng sobra kay Ask kaya sobra lang din yubg pag-atake niya dito.

"Ang mahalaga, natalo mo siya andddd ito yung first win mo!Nag-iimprove ka na ha!" Sabi ni Mori habang masayang pumapalakpak.

"Kaya nga eh.I'm so proud of myself!" Agad naman siyang binatukan ni Mori.

"Wag ka nga.Baka masyadong lumaki yang ulo mo!" Sabi ni Mori na inirapan lang ni Angel.Natawa naman ako sa kanila.Pero di ko maitago yung kaba ko.Alam kong pinakahuli pa ako pero nakakatakot pa din.

"Ayos ka lang ba Zoelle?Kinakabahan ka ano?" Sabi ni Angel kaya tumango ako.

"Don't worry, Zoelle!Cheer ka namin!Yay!" Napangiti ako sa sinabi ni Mori tsaka ako nagpasalamat sa kanila.

"Thankyou talaga.Siguro kung hindi ko kayo kasama ngayon baka sobrang panghinaan na ako ng loob."

"Sus!" Nagulat ako ng bigla nila akong niyakap.Napangiti na lang ako sa sobrang saya ko na kasama ko sila.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora