Fourty

1.5K 35 2
                                    

One day left.Wala pang nangyayari pero feeling ko patay na ako.Halos mawalan na ako ng kaluluwa sa takot.Tinipon lahat ng estudyante sa pholeos.Mukhang maghahanda na kami para sa paparating na delubyo.

"Goodmorning students of Eupraxia.We only have one day.One day to prepare our spirits, our minds and our hearts for the battle.We may not be excited for this battle since this is not that simple battle training and instead, we are filled with fear but we should learn how to be the strongest knowing that we have each other.Come on!Wag kayong panghinaan ng loob!Matatalo natin———" Hindi na naituloy pa ni Ms. Helen ang sinasabi niya ng biglang nagkaroon ng malakas na pagyanig sa pholeos at halos lahat ng estudyante ay natumba sa kani-kanilang mga upuan.

Napuno ng sigawan at tulakan ang loob ng pholeos sa walang tigil na pagyanig ng lupa.Nagkatinginan kami nina Mori at Angel at isa lang ang nasa isip namin.Ang tumakbo hanggang makarating kami sa dorm namin.

"Shit!" Bulalas ni Angel ng may nahulog na estudyante mula sa itaas namin dahil sa isang malaking dome ito kaya kung naranasan mo ng makapasok sa loob ng isang arena then congrats!Alam mo na ang structure ng pholeos at kung paano ito unti-unting masisira.

"Run faster!" I shouted.Pero nagmistulang bulong ito ng mahaluan ito ng iba pang mga sigaw.Kahit man sumigaw ako dito ng napakalakas, hindi pa din ako maririnig nina Angel at Mori.Ako ang pinakahuli habang nasa unahan naman si Angel.

Malapit na sana kaming makalabas kung hindi lang ako nadapa.Ibang klase yung sakit ng maapakan ako ng mga nagtatakbuhang estudyante.Wala akong nagawa kung hindi ang mapamura at mapainda sa sakit.Hindi ko magawang makatayo dahil sa dami ng estudyanteng tumatakbo at umaapak sa likuran ko.

"Zoelle!" Isang boses ang namagiting pagkatapos ay inilahad nito ang kamay niya sa akin.

"Angel!" Sigaw ko pagkatapos ay tinanggap ko ang nakalahad na kamay nito.Nakita ko naman si Mori na abalang hinahawi ang mga estudyante para hindi na ako maapakan pa.

"Holy crap!B-blood." Gulat na gulat na sabi ni Mori habang nakaturo sa bibig ko.Napahawak naman ako at pinahid ang ibabang parte ng bibig ko.Napuno ng dugo ang kamay ko dahil sa ginawa ko.

"Okay lang ako!" Sigaw ko sa kanila kahit alam kong patuloy ang pagsuka ko ng dugo.Ngayon wala na akong paki kung sobrang sakit na ng katawan ko, basta makarating kami sa dorm ng ligtas at magkakasama.

"Z-zoelle..." Napatingin ako kay Mori na awang-awa sa akin pero sinuklian ko lang ito ng matamis na ngiti.

"Let's just go.Wag na tayong mag-aksaya pa ng oras." Determinado kong sabi sa kanila.Namangha ako sa tapang na ipinapakita ko ngayon na para bang ang takot na itinatago ko noon eh biglang nawala.

Wala na silang nagawa pa kung hindi ang tumakbo dahil sa tulakan ng mga estudyante.Pasuray-suray man ang takbo ko ay nagawa ko naman na makahabol kina Angel at Mori.

"SURPRISE ATTACK AMPUTA!" Rinig kong sigaw ng isang sugatan na estudyante. Mukhang nakuha pa nitong magbiro sa gitna ng delubyo.

"Shit finally!" Angel exclaimed.Nakadating na nga kami sa dorm at agad kaming pumasok.Tumambad sa amin ang magulong dorm kasama na ang basag na mga figurines at vases.

"Oh my god!" Napatakip si Mori sa bibig niya habang bakas ang gulat sa mga mata.

"Let's just gather all the things that we can use for protection." Agad na kaming kumilos at naghanap ng mga bagay na maaaring makapagsalba sa amin.

Pumunta ako sa kwarto ko and I opened my drawer.Doon ko nakita ang iba't-ibang klase ng damit na mayroon ako.Kinuha ko ang itim kong leather jacket at isinuot yon.Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon