Thirty Eight

1.7K 36 5
                                    

Ilang araw na din ang lumipas and finally nakalabas na din ako doon sa boring na kwarto na yon.Tuloy ang training ko with Tyrone at dahil nga madami na din kaming araw na na-miss sa training ay mas hinirapan pa namin ang pag-eensayo.

"Shit!" Mura nito ng nadaplisan ko siya ng dagger sa pisngi, malapit sa kanang mata niya.

"Argh!" Sigaw ko ng bigla akong nahilo at parang pinipiga ang ulo ko.Wala akong nagawa kundi ang mapaupo habang sapo ko ang ulo ko.

"I love you but I need to do this." Hindi ko na marinig kung anong sinasabi ni Tyrone dahil mas nangingibabaw ang sigaw ko dahil sa sakit.

"Arghhhhhh!" Alam kong nagulat si Tyrone ng nakatayo ako at nagawa kong hawakan siya sa kamay.Hinayaan ko naman ang kapangyarihan ko na kumuha ng enerhiya mula sa katawan niya palipat sa akin.

Dahil sa nangyari ay unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko na gawa ni Tyrone at siya naman ngayon ang nanghihina.

Bago pa man mawala ang lahat ng lakas na mayroon si Tyrone ay saktong tumunog ang bell na nandito sa room, hudyat na natapos na namin ang oras ng training.

Nanatiling nakahiga si Tyrone kaya nilapitan ko ito.Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ko pinadaloy ang nakuha kong lakas mula sa kanya.Akmang bibitawan ko na siya ng bigla niyang hinawakan muli ang kamay ko.

"Try to struck me with that energy." Napakunot naman ako sa sinabi niya.

"Ano?" Tanong ko dito.Nanatili lang itong nakahiga habang nakapaikit.

"You can make a lightning with that." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Tyrone.

"N-no!Tapos na ang training natin!" Pilit kong hinihigit ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.Bago pa man siya makatayo mula sa pagkakahiga, lumabas na agad ako tsaka nagmadaling umalis.

Seriously?!Ako pa ang magiging dahilan kung bakit siya mangingisay!I will never do that!

"Zoelle!Holy cow!Dalian mo!" Malapit na ako sa dorm namin ng makita ko si Mori na nakalabas ang ulo sa pinto habang sinisigawan ako ng bilisan ko ang takbo.

Agad naman nilang isinara ang pinto pagkapasok ko.I'm still gasping for air dahil napagod din ako sa pagtakbo.

"Ano bang meron?" Tanong ko sa kanila.Inalalayan muna nila akong makaupo tsaka binigyan ng tubig.

"There's an announcement kanina kaya natigil lahat ng battle training.They are coming,Zoelle.Seven days na lang at sasakupin na nila ang Olympias." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Angel.

"Bakit hindi namin alam ni Tyrone?Kung tumigil lahat ng battle training, bakit yung sa amin hindi?" Maging sila ay napakunot din sa tinanong ko.Malalim kaming nag-isip ng dahilan pero walang makasagot kung bakit.

"Maybe...someone did it." Napagawi ang tingin namin kay Angel.

"Anong sinasabi mo, Angel?" Tanong ni Mori sa kanya tsaka kami tinignan ng seryoso ni Angel.

"Someone na alagad ng forbidden gods?" I asked at tinanguan ako ni Angel bilang sagot.Who could it be?Sa dami ng tao dito sa Eupraxia, saan kami magsisimula?

"Isa talaga sa inyo ang pakay niya." Naiinis na turan ni Angel.Alam kong nag-aalala sa amin si Angel.

"Teka.I have a question.Paano nalaman na seven days na lang ang nalalabi bago dumating ang forbidden gods?" I asked.

"Sabi daw ng isang estudyante dito.Someone who have bizarre dreams."






Antebellum.That is her name.Siya ang nanaginip sa araw na darating ang pitong diyos at diyosa.Kahit man na binalaan na kami na wag ng masyadong lumabas ng dorm eh napilit ko silang dalawa na puntahan si Antebellum para makausap.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now