Three

4.2K 110 3
                                    

"Uy Angel!Bili muna tayong ice cream!" Hinila ni Mori si Angel papunta sa isang ice cream stall.

Habang hinihintay ko sila ay napaupo ako malapit sa fountain tapos pinagmasdan ko yung mga tao kasama yung mga fairies.Ang gandang tignan...makulay,malinis tapos payapa.Halos lahat ng tao nagkakasundo yung tipong nagbabatian sila ng "goodmorning" sa umaga kaya napakasigla dito.Hindi ko na nanaisin pang bumalik sa mundo ng mga ordinaryong tao kung nandito na ang lahat ng gusto ko.

"Hey Isabella, here.Di namin alam yung favorite flavor mo so binilhan ka na lang namin ng magical ice cream." Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba yung ice cream o hindi.Anong magical ice cream?Malalason ba ako dito?

"Don't worry!Tinawag lang tong magical ice cream since yung lasa nito is aayon sa gusto mong flavor." Napa-ohhh naman ako nung malaman ko yon.Ang galing!

Agad kong kinuha yung ice cream na kanina pa inaabot sa akin ni Angel at agad ko yun tinikman.Napalaki naman yung mata ko sa tuwa at sa mangha.

"Hahahaha!Ganyan din yung naging expression namin nung una namin natikman yan." Napangiti na lang ako kay Mori.Ito na ata yung pinaka the best na ice cream na natikman ko sa buong buhay ko!

"Wag na tayo mag-aksaya pa ng oras.Kailangan mong maging familiar na dito sa lugar para di ka maligaw."

Natapos namin libutin ang sentro ng Olympias or Land of Aine.Tinatawag din pala ang sentro na ito bilang Alcestis.

"This is the Sea of Poseidon.Hindi mo gugustuhin mahulog dito." I see kaya naman pala may glass na nakaharang dito para pagbawalan ang mga tao na pumunta dito.

"But why?" Tanong ko.

"Mermaids." Napakunot naman ako.Hindi ba mababait ang mga mermaids?I mean si Ariel?Isn't she nice?

"Hindi lahat ng nababasa mo sa mga fairytale books ay totoo.Dito ang mga mermaids, di ka na nila hahayaan na bumalik pa sa lupa.They'll drown you." Agad akong napalayo kahit may harang.Baka mamaya bigla na lang akong hilahin ng mga mermaids ano.

"Don't worry di sila nanghihila or what." Napatango naman ako.

"What if aksidente yung pagkakahulog?" Natingin naman sa akin si Mori ng masama.

"Kita mo ba tong harang?Halos kasing taas ko na.And never yun mangyayari." Napangiti na lang ako na parang nahihiya.Sorry naman.Bago pa lang ako dito eh.

"This is the magical forest.Where mostly abandoned fairies are living." Kahit umaga pa lang, kita mo na yung ilaw dito.I guess madami ng abandonado na fairies.

"Then...hindi na sila pwedeng magkaroon ng bagong owner?" Napailing naman si Angel sa tanong ko pero si Mori ang sumagot.

"Pwede pa din.But mostly ang mga fairies na naninirahan diyan, pinili nila na mamuhay na lang ng mag-isa.Kung gusto mo magkaroon ng fairy, it's either hihingi ka sa academy or you'll take the risk at dito ka kukuha." After Mori said that, mas na-curious ako lalo.

"Bakit?Delikado ba diyan?" Nagtatako kong tanong.

"Hindi naman pero mahirap kasi mapapayag yung mga fairies diyan.Loyal sila sa mga dati nilang owner kaya pinili nilang diyan na lang manirahan."

Nagulat ako ng biglang may tumigil na kotse sa harap namin.Pero sandali lang...walang gulong yung kotse.

"S-sure ba kayo na dito tayo sasakay?" Nakangiti naman sina Mori at Angel tsaka nila ako tinulak papasok sa loob ng nakalutang na kotse.

"You're going to enjoy this ride." Nagsimula ng umandar yung kotse and what the---

"AHHHHHHHHHHH!"


"Akala ko mamamatay na ako." Sabi ko pagkatapos namin makababa dun sa kotse.Sobrang bilis ng takbo kaya naman pala walang gulong.

"See?Sabi sayo mag-eenjoy ka!"

"By the way nandito na tayo sa academy." Napatingin naman ako sa mala-kastilyong paaralan.Katulad ng kanina ay binubuo ito ng glass.

"Seryoso ba kayo?Paaralan talaga to?"

"Yup.Di ka makapaniwala ano?Pero seryoso ito talaga yon."

Mukhang bawal pang pumasok ang kahit na sino dito hangga't hindi pa nagsisimula ang pasukan.Walang kahit anong pwedeng pasukan dito at sabi din nina Angel na may protective barrier daw na nakapalibot dito na pipigil sa sinumang magtatangkang pumasok sa loob.Tanging ang mga guro lamang at mga namamahala sa paaralan ang nasa loob nito.

"Sandali...pwede bang lakarin na lang natin pabalik?Ayoko ng sumakay doon sa kotse!" Singhal ko sa kanila.Ayoko na ulit maranasan yon!

"Nakakapagod maglakad.Sakay na lang ulit tayo please?Masasanay ka din." Kinindatan pa ako ni Mori.Sabagay masasanay talaga ako.

Agad naman na may dumating na kotse at nag-aalinlangan pa ako kung sasakay ba ako ulit o hindi.Pero huli na ng hinila ako ni Angel papasok.Ang bagal ko daw.Pero mukhang medyo okay na,medyo nasasanay na ako sa nakakasukang bilis ng kotse dito.Kaya pala halos wala akong makitang kotse sa mga daan dahil sa bilis ng takbo.

"Ah nakakapagod maglibot!" Pabagsak na humiga si Mori habang si Angel naman ay kumuha ng isang baso ng tubig at agad niyang ininom.Mukhang pagod nga tong dalawa pero mas pagod ako.

Sigaw ba naman ako ng sigaw sa loob ng kotse kanina dahil sa bilis ng takbo.Kaya naisipan ko na humiga na lang din at agad akong pumikit.Ipagpapabukas ko na lang lahat dahil bukas na din naman magsisimula ang pasukan.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon