Two

5.5K 125 5
                                    

"Bago muna pala yon, I am Angel.I can heal someone." Bagay sa kanya yung pangalan niya.Sobrang itim ng buhok niya at sobrang haba pa.Kulay asul naman ang kanyang mga mata.

"And I am Mori.I can make you unconscious by my touch." Napatingin naman ako sa kanya.Her blonde hair is short na aabot lang sa leeg niya.Gray naman yung mata niya which I find so weird.Ang galing.

"So gusto mo na ba malaman ang history ng Aine's Land?" Napaisip muna ako bago sumagot.

"Kailangan ko munang malaman kung paano ako nakapunta dito." Sabi ko sa kanila.

"Mukhang tinanggap mo ang kapalaran mo mula sa langit kaya naman napunta ka dito.Ang mga tulad natin na nasa ordinaryong mundo ay kailangan mamuhay ng puno ng pangungutya at pananakit mula sa mga tao." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya ngunut di na ako nagsalita.

"Dahil ang mga katulad natin na nasa normal na mundo ay ang mga peculiars na itinakas ng mga kanilang magulang mula dito.Siguro natakot ang mga magulang mo na mapahamak ka at gusto ka nilang mamuhay ng normal kahit alam nilang mabubuhay kang hindi tanggap ng mga tao sa ibabaw.Yung nakita mong liwanag, isa iyong portal papunta dito.Ikaw mismo ang nagbukas noon.Ikaw na mismo ang tumanggap at dahil natuklasan mo na din naman ang kaya mong gawin at masyadong delikado pa kung mananatili ka sa ordinaryong mundo ay dinala mo ang sarili mo dito." Para akong bata na manghang-mangha na nakikinig sa parang isang storya na mula sa fairytale.

"Kung ganoon may chance bang buhay pa ang mga magulang ko?" Tumango naman silang dalawa na ikinatuwa ko.

"There is a chance na buhay pa nga ang mga magulang mo at mas madali mo silang mahahanap kung kabilang sila sa mga nakakataas."

Sana nga.Sana buhay pa ang mga magulang ko.

"Siguro naman pwede na kami mag-start about sa history nito hindi ba?" Tumango naman ako.

"So isa itong mundo kung saan ang pwede lamang makapasok ay ang mga hindi pangkaraniwang tao.Binuo ito ni Aine, she is the queen of the fairies.This is where the gods and goddesses helps the peculiars to master their powers in order to save the world from darkness.Tinawag niya itong Olympias but we prefer to call it her land.Halos katulad ito ng normal na mundo kung saan ka dati nabubuhay pero ang kaibihan lang dito ay ang mga tao.Bawat isa na nandito ay may sari-sariling powers na maaari nilang magamit ngunit hindi para manakit kundi para manligtas."

Tumango-tango naman ako kahit hindi masyadong nagpoproseso yung sinasabi ni Angel sa akin.

"This is the school kung saan pag-aaralan mo ang sarili mong kakayahan pero don't worry dahil may mga lessons din naman na kagaya din sa normal na mundo dahil kinakailangan." Napatingin ako kay Mori ng sinabi niya yon.

"Ah I forgot!Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ni Mori.

"Isabella." Tipid kong sagot.

"Oh pero dahil galing ka sa normal na mundo, hindi yan ang tunay mong pangalan." Nagulat naman ako sa sinabi ni Angel.

"Eh paano ko malalaman yung totoo kong pangalan?"

"Bukas.Since bukas din mag-start yung pasukan." I nodded.Mukhang bukas na officially magsisimula ang panibago kong buhay sa bagong mundo.

"Pero sa ngayon.I-tour ka muna namin sa buong academy!" Excited na sabi ni Mori.

Nagpalit muna ako ng damit na pinahiram nila sa akin at paglabas ko ay naghihintay na sa akin sina Angel at Mori.Agad nila akong hinila at tuluyan na kaming lumabas sa kwarto namin.Napanganga ako ng makita ko kung anong itsura nitong academy.Gawa sa glass ang wall nito at halos lahat ng nadadaanan namin ay may kulay gold na carpet.Punong-puno din dito ng mga chandeliers.

"Ang ganda.Sobra." Yun na lamang ang nasabi ko sa sobrang ganda ng lugar na ito.

"Wala pa yan sa ten percent na dapat mong makita." Nakangiting sabi sa akin ni Angel ng tumigil kami sa isang malaking pinto.

"Ready ka na bang makita ang mundo namin?" Agad naman akong tumango.Para akong nananaginip sa mundo kung nasaan ako ngayon.

Binuksan naman ni Angel at Mori yung malaking pinto at bumungad sa akin ang napakadaming peculiars at totoo ba itong nakikita ko?

"Mga fairies ba yon?" Tanong ko sa kanila at sabay silang tumango.Ang ganda dahil ang daming maliliit na ilaw ang lumilipad sa himpapawid ngayon at mas gumanda pa dahil iba't-ibang ilaw ang mayroon sila.

"Ito ang pinaka sentro ng buong academy.Dito mo mararamdaman na nasa normal na mundo ka pa."

May mga malls dito,restaurants,buildings and siyempre di ko akalain na may forest at dagat din dito.Nakakatuwa dahil parang nasa ordinaryong mundo nga ako.Mukhang hindi ako masyadong maninibago.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon