Twenty Seven

2.7K 69 2
                                    

"Move." Tyrone.

Pagkasabi non ni Tyrone ay automatic na gumalaw ang buong katawan ko.Napabagsak din ako sa lupa tsaka ako nakahinga ng maluwag.Sinamaan ko ng tingin si Tyrone pero sadyang wala siyang konsensya at hindi pa ako tinulungang tumayo.Bigla ko naman naalala yung paa ko pero ang weird kasi di na siya masakit.Hinawakan ko ito and I added pressure to check kung talagang hindi na siya masakit.Nagulat ako hindi dahil masakit, kundi dahil parang walang nangyari.

"I healed it!" Nakangiting sabi ni Miya.Siya pala ang may gawa kung bakit magaling na magaling na tong paa ko na kanina ay halos iyakan ko na sa sobrang sakit.Ginantihan ko din siya ng ngiti.

"Thankyou." Pasasalamat ko dito.Kaya pala ang lakas ng loob kong tumakbo kanina.Tsk!

"I guess di na kita kailangang buhatin." Nagulat ako sa sinabi ni Tyrone pero mukhang ako lang ang nakarinig sa sobrang hina nito.Alam kong hindi ito through telepathy since nakita ko ang paggalaw ng labi nito.

Tinignan ko lang siya na parang gulat na gulat ako sa sinabi niya.Bakit nga ba?Hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya iyon.Siguro ay feeling niya ay obligado siya kanina na buhatin ako dahil siya ang inatasan ni Ms. Helen na parang leader sa amin and as a leader siya ang bahalang gumabay at tumulong sa amin sa lahat ng pagkakataon.

"Tch!Kanina pa kayo ha!Di ba kayo marunong makiramdam ha?!Single kami!Single!At nasasaktan rin tapos bitter pa ako!Hmp!" Nalipat ang tingin ko kay Angel ngayon na parang nagtatampo.Well ano bang ginawa namin at mukhang galit ito sa aming dalawa ni Tyrone?Kung makatingin tong si Angel kala mo ninakawan namin!

"What?" Tanong ko sa kanya at imbes na sagot ang marinig ko sa kanya ay inirapan lang ako nito.

"She's basically jealous since you're too sweet together." Turan ni Miya.Ah!Di ko naman kasi namalayan na matagal na pala kaming magkatitigan ni Tyrone kanina kahit di kami nag-uusap.Abala naman nitong ginagamot ang sariling pakpak.Masyado lang siyang napagod kanina kaya ngayon lang niyang nagawang gamutin ang pakpak niya tapos ay inuna pa ako bago ang sarili niya.

"Correct!" Sabi ni Mori while she crossed her arms.Mukhang si Mori ay nagtatampo din.

"Eh wala naman kami———" Sabi ko pero agad itong pinutol ni Angel.

"So anong tawag don?!Landian?!Fling?!" Nagulat naman ako sa bigla nitong pagsigaw.Habang si Miya at Mori ay nagpipigil ng tawa at si Tyrone naman...di ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon pero blangko ang mukha nito.

"Teka nga!Bakit ka ba nagkakaganyan?Tell me!Anong ginawa sayo nung library guy ha?!Did he dumped you or what?" I asked.Huli na ng ma-realize ko ang sinabi ko.

"So nandun ka nga talaga!" Bulalas ni Angel.Napangiti na lang ako ng pilit.Ano ba yan!Dapat pala di na ako nag-react!

"Yeah,sorry!Naaliw lang akong panoorin kayong dalawa.You look good together naman eh!" Sabi ko.Napaatras ako ng biglang umaktong parang nasusuka si Angel.

"That Aedin?!No freakin' way!Yuck!Tsaka bakit ba sa akin nalipat ang usapan?!" Nandidiring sabi ni Angel at halos makikita mo na yon sa mukha niya.Di ko naman mapigilan ang matawa ng kaunti.

"Ah so Aedin huh?Then you are that lucky girl whom he's referring to us that he really likes." Biglang sabay ni Tyrone na ikinagulat naming dalawa ni Angel.Nagulat ako kasi OMG MY SHIP IS SAILING!

"Impossible!" Hindi makapaniwalang sabi ni Angel.

"Teka nga guys!Nag-aaksaya ba tayo ng oras dito?" Napatigil kami saglit gawa ng pagsigaw ni Mori.

Oh yeah she's right.We wasted a lot of time for this talk!Great!

"Then mas kailangan nating bilisan ang pagkilos!" Angel.Agad akong napatingin kay Miya and tsaka niya ako tinanguan.Alam niya siguro kung anong pakay namin dito.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon