Eight

3.1K 96 1
                                    

"Oh wow Zoelle!Finally you're here!" Niyakap ako ni Mori.

"Uhmm Mori?" Nakayakap pa din siya sa akin.

"Yes?" Ang cute ni Mori but I can't breathe.

"Nawala lang ako saglit and I can't breathe." Agad naman inalis ni Mori yung yakap niya sa akin at nakahinga din ako ng ayos.

"Ahhhhh can we like...eat first?Gutom na ako." Napatingin ako kay Angel na ready ng kumain.Hinila ako ni Mori kaya kumain agad kami.

"Soooooo galing kang library diba?Nagbasa ka ba talaga?" Tanong sa akin ni Angel kaya napatigil ako sa pagkain.

"Yep.Actually nope....well almost."

"What do you mean?" Angel.

"Kasiiiii I was trying to find a random book ng mapunta ako sa————"

"Forbidden section of the library which is exclusively for Pancras' students." Pairap na sagot ni Angel.

"Yeah and I met this guy———"

"Who have blonde hair and a blue eyes with a permanent grin on his ugly face."

"Sadly no." Napatingin naman sa akin si Angel at halatang gulat.

"What?!Buti na lang di siya nakilala mo.That guy is a total jerk!" Napatingin ako kay Mori.Wala siyang alam sa nangyayari.

"Believe me, Angel di mo din gugustuhin na makilala yon."

"Uhmmm guys?Pupunta din akong library ha." Sabi ni Mori kaya nagkatinginan kami ni Angel.

"Mori." Sabay namin sabi ni Angel.

"Joke lang hehe." Natatawang sabi ni Mori.



"Hayyyyyyyy!Goodmorningggg!"

"Goodmorning Mori!" Bati ko kay Mori na kakagising lang.

"Tulog pa si Angel?" Tumango naman ako habang sinusuklay yung buhok ko.

"Maligo ka na.Gigisingin ko na lang si Angel."

"Sure ka?" Tumango ulit ako.Pagkatapos ko magsuklay,ginising ko na din si Angel.

"Angel." Bakit parang puyat ata to?Eh sabay naman kami natulog kagabi.

"Hmmm."

"Angel oy baka ma-late tayo." Tinapik ko na siya sa pisngi.Ayaw magising eh.

"Hmmm." Ngayon niyuyugyog ko na siya.

"Angel!Hoy!"

"Aww!Aray!Masakit, Zoelle." Finally bumangon si Angel pero di ko naman masyadong diniinan yung braso niya ah.

"Mag-ready ka na baka tapos na si Mori maligo tapos kain na tayo.Ako na lang muna magluluto." First day of class pa naman ngayon and bawal na bawal kaming ma-late.

"Ah s-sige." Nakita ko siyang nasaktan sa ginawa niyang paghawak sa braso niya.

"Ano bang nangyari sa braso mo?Patingin ako." Sabi ko sa kanya pero di niya ako pinansin at agad siyang tumayo.

"Okay lang ako, Zoelle!Don't worry." Nginitian pa niya ako at tsaka siya lumabas ng kwarto.Sumunod na lang din ako at nakita ko si Mori na tapos na nga maligo.

"Ikaw ba magluluto?" Tanong niya sa akin ng nakangiti kaya tumango ako.

"Yup." Napapalakpak naman si Mori kaya natawa ako mahina.

"Gusto ko na din kasi makatikim ng bagong luto since magkasama kami ni Angel ng ilang taon na din." Masayang sabi ni Mori kaya napangiti din ako.

Nagsimula na din ako magluto para pagkatapos ni Angel na maligo,tapos na din akong magluto.Pero di ko pa din maiwasan na mag-alala kay Angel.Okay lang ba talaga siya?

"Kakain na ba tayo?" Natapos na din ako sa niluluto ko pagkatapos ng ilang minuto.Tapos na din si Angel na maligo kaya sakto lang.

"Wow!Chicken curry!Angel bilisan mo dito!" Ang ingay ni Mori pero natatawa na lang ako.Excited na siyang kumain ng niluto ko.

"Oo na.Ito na." Pagkaupo ni Angel,nagdasal muna kami tsaka kami nagsimulang kumain.

"Uy Zoelle ikaw na lang kaya magluto araw-araw?" Tanong sa akin ni Mori habang kumakain pa din.

"Ayaw mo na ba sa luto ko ha Mori?"

"Tigilan mo nga ko Angel.Sawang-sawa na ako!"

"Paano pa kaya ako?Sawang-sawa na din ako sa mukha mo!"

"Oh talaga?Ako din eh."

"Uy baka ma-late pa tayo bilisan niyo ng kumain." Awat ko sa kanila at sumunod naman sila agad.Good, good.



"Zoelle ready ka na ba sa first class mo?" Napatango naman ako.Ang saya naming tatlo kasi magkakasama kami sa isang section under ng Aspasia Division.

"Let's go!" Masayang sabi ni Mori at naglakad na kami papunta sa room namin.

"Hi Zoelle!" Napatalon naman ako sa gulat ng may nagsalita sa harap ko.

"Fairy!" Sigaw ko.Is this my fairy?

"Yes!I am Ophelia,your personal fairy.Hihi!" I extended my palm para mahawakan ko siya.Agad naman siyang pumunta sa kamay ko tsaka siya umupo.

"Pagod ata si Ophelia, Zoelle." Bulong sakin ni Calix, ang male fairy ni Mori.

"Yep pagod nga ata siya kakahanap sakin." Mahina kong sabi.

"Ang ganda ng fairy mo Zoelle." Nakangiting sabi ni Angel kaya napatango naman ako habang nakangiti.Finally may fairy na ako!

"Oo nga Zoelle.I wonder kung anong purpose niya sayo since lahat ng fairies ay may sari-sariling purpose sa atin."

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon