Fourty Three

1.2K 24 3
                                    

Third Person's POV
Flashback

Wala talaga silang konsensya sa nangyayari.Binuhat ni Eleutherios ang walang buhay na si Zoelle papunta sa isang kwarto kasama si Artemisia.Ito ang nagbibigay pag-asa sa kanila upang mabaligtad ang mundo.

Ang puso ni Zoelle kapalit ng paghahari ng mga demonyo habang buhay.Magmimistulang nasa daigdig ang impyerno at nasa pinakailalim na lupa ang langit.Ang mga kaluluwang nakakulong ay makakalaya at ang mga panginoong malaya ay makukulong.

"Hindi pa ba natin to gagawin?" Tanong ni Eleutherios sa kapatid na si Artemisia.Siya ang naging kanang kamay ng nakakatandang kapatid simula ng maghasik sila ng lagim.

"Hindi pa.Kailangan nating hintayin ang pagbabalik niya." Nakangising sabi ni Artemisia.Ang kanyang pinaghigantihang kapatid ang kanyang tinutukoy, Aine.

"Kung makakabalik siya.Nagbunga na siguro ang dugo niya." Mapait na sabi ni Eleutherios habang nakatitig sa maamong mukha ni Zoelle.

"Napakaswerteng bata...ngunit huli na ang lahat." Hinaplos ni Artemisia ang pisngi nito.Hindi nakaligtas ang isang butil ng luha na pumatak sa mata nito.

"Umiiyak ka ba?" Hahawakan na sana ni Eleutherios ang mukha ng kapatid para makita ang mata nito ngunit agad itong hinampas ni Artemisia palayo.

"Huwag mo akong mahawak-hawakan Eleutherios.Mapapatay kita." Mabilis na pinunasan ni Artemisia ang mata tsaka mabilis na umalis sa kwarto.

Gulong-gulo si Eleutherios sa nasaksihan kaya ito lumapit kay Zoelle at tinitigan mabuti.Hindi niya mapigilang mabighani sa ganda nito.Kaya siguro napaluha si Artemisia dahil sa kakaibang ganda nito na tila nagniningning.

"Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit ka pinaglaanan ng luha ng kapatid ko.Naalala niya siguro si Aine sa iyo." Wala sa sariling sambit ni Eleutherios bago lumabas sa silid at balikan ang mga nakakulong na bihag.





Nakahiga pa din ang walang buhay na si Zoelle ngunit ang sugat sa kanyang puso ay unti-unting naghihilom.Mabuti na lamang at hindi pa ito tuluyang magaling ng pumasok ang dalawang doktor na animo'y takot na takot sa presensya ni Artemisia.

"Treat her wounds." Utos nito sa dalawa.Nakaupo lamang ito habang pinagmamasadan ang bawat galaw ng dalawang doktor.Isang pagkakamali ay paniguradong mauuna sila sa impyerno.

"Hindi ba't patay na siya?" Nanginginig na tanong ng isa.Pinagtaasan ito ni Artemisia ng kilay at unti-unting naging pula ang kulay ng mata nito.

"Kinukwestyon mo ba ang utos ko?" Malamig ang tono ng boses niya kasalungat ng nagbabagang kulay apoy na mata niya.

"H-hindi na-man.Gagawin na lang n-namin ang p-pinag-uutos niyo." Tumatango-tangong sabi ng doktor habang ang isa ay nananahimik lamang habang nakatungo.Lumapit silang pareho sa katawan ni Zoelle at hinubad ang damit nito.Tila gulat ang dalawa ng makita nilang halos papagaling na ang sugat nito.

Nagkatinginan na lamang ang dalawang doktor at nag-aktong nililinis ang sugat nito.Alam nilang buhay pa ang babaeng malayang nakahiga ngayon.

"Wag na wag kayong gagawa ng ano mang kapalpakan.Wag na wag niyo din subukang lumabas at tumakas dahil may mga bantay ako diyan sa labas." Walang paalam na lumabas si Artemisia ng kwarto.Hindi na sinubukan ng dalawang doktor pa na lumabas dahil alam nilang nagsasabi ito ng totoo at hindi panakot lamang.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon