Nine

3.2K 78 4
                                    

"Hi Misha!" Napatingin din ako sa binati ni Mori.Ooof she's so cute!

"Hi Mori!Na-miss kita!Angel!" Niyakap niya din si Angel pagkatapos niya kay Mori.

"Misha si Zoelle nga pala.Isn't she pretty?Mas pretty pa kay Diana?" Di ko na narinig yung huling sinabi ni Mori kasi binulong niya na kay Misha yon pero ngumiti pa din ako.

"Yas Mori!Ang ganda niya sobra!Hi Zoelle!I'm Misha." Nakangiti niyang bati sa akin tsaka niya ako niyakap.Kasing tinis ng boses ni Mori yung boses ni Misha.Sakit sa tenga!

"H-hi Misha.Ang cute mo." Nahihiya kong sabi lalo na sa huli kong sinabi.

"Hihi thankyou!"

"Ingay naman." Biglang sumulpot sa tabi ko si Ophelia, ang fairy ko.Bawal nga pala ang mga fairies sa loob ng classroom habang nagkaklase.

"Bakit Ophelia?" Tanong ko since di naman siya papasok sa classroom kung wala siyang sasabihin.

"Uhmm nothing?I just want to say goodluck for your first class!Enjoy!" Tumango ako tsaka ngumiti.

"Thankyou." Mahina kong sabi tsaka umalis si Ophelia.Yung mga unang subjects are the normal ones.

"Zoelle tara na nandiyan na si Mr. Theo." Hinila ako ni Angel tsaka kami umupo sa may bandang likuran.

"Welcome new students to Eupraxia Academy.As for the old students you may know me as Mr. Theo, your Math teacher." Napatingin ako kay Angel at halos mapunit na yung labi niya sa laki ng ngiti niya.I see~

Di na ko magtataka kasi gwapo si Mr. Theo.Nakasalamin siya tapos light brown yung mata niya and his hair is black.Kita pa yung muscles niya na halos di na kinakaya ng uniform niya.Mukha siyang bata pero di naman siguro.

"Zoelle, crush ni Angel si Mr. Theo kaya ganyan." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Mori dahil halata naman.

"I know." Bulong ko kay Mori tsaka niya ako kinindatan.

"So for the new students, you dont have to introduce yourself anymore except for Ms. Zoelle." Napatingin naman ako kay Mori.Bakit ako lang?

"Sige na Zoelle go.Goodluck!" Nag-aalangan ako na tumayo sa harapan.I don't like this, introducing myself to a sea of people.

"H-hi.I'm Zoelle." Tipid kong sabi tsaka ako tumingin kay Mr. Theo signaling him that I'm done introducing myself.

"Oh that's all?Alright, you may go back to your seat now.Thankyou." Nag-bow naman ako kay Mr. Theo tsaka ako nakatungong bumalik sa upuan ko.

"Okay ka lang Zoelle?" Tanong sa akin ni Misha kaya napatango naman ako.Masyado lang ako kinabahan.

"So if you think that this is an easy and a simple subject, you're wrong.We are going to learn a more complex math because all of you will need this on some future experiments." Nakangiting sabi ni Mr. Theo pero natatakot ako.Ayoko ng mag-aral.Kung sa mundo nga ng mga tao, napakahirap na ng math dito pa kaya?Tsaka gagamitin yon on some future experiments?

Lumipas ang ilang minuto ng pag-discuss ni Mr. Theo about sa mga ituturo niya.Di pa naman ngayon magtuturo lahat ng mga teachers.Nagpaalam na din si Mr. Theo at pumasok ang isang matandang babae na teacher.

"Goodmorning class.I am Ms. Agathe and I will be the one who will teach you the history of Olympias and Eupraxia academy." Malumanay ang boses niya pero hindi nakakaantok.

"She's one of the best teacher dito sa Eupraxia academy.Di ka aantukin sa boses niya and that is one of her side skills." Bulong sa akin ni Angel at napatango na lang ako.That's cool.

Sunod naman is our Science teacher.Babae din siya pero mukhang nasa mga mid-20's pa lang siya.Brown yung kulot at medyo mahaba niyang buhok,her eyes are shimmering green and she's simply beautiful.

"Hi class.You may call me as Ms. Kassandra, your science teacher.To old students ako ang bago niyong science teacher since Mr. Gregore decided to teach shape shifting." Oh si Mr. Gregore pala ay isang science teacher and now he's going to teach how to change identity or form.Pero ang weird pa din sakin nung nakita ko siya na isang babae.


"Zoelle tara na.Breaktime." Aya sa akin ni Angel kaya nag-ayos na din ako ng gamit tsaka sabay kaming lumabas kasama sina Mori at Misha.

"Oh my makikita pala natin lahat ng students sa Pancras division!" Excited na sabi ni Misha.Kaya lahat ng estudyanteng kasabay namin sa paglalakad ay napalingon sa kanya.Nagsimula na din yung mga pag-uusap nila.

"Sana nga makasalubong natin sila!" Si Mori.

Nakaabot na kami sa may cafeteria at as expected madami ng students ang nandito.

"Bilisan natin para makakain agad tayo!" Sigaw ni Mori dahil di siya maririnig kung hindi.Sa dami ba naman ng tao dito sa cafeteria eh.

Tumakbo kami para makapila agad ng may mabangga si Misha at tumapon sa kanya yung tray ng pagkain na hawak nung isang babae siyempre pati yung babae na nabangga niya, natapunan din.Tinulungan agad namin si Misha na makatayo.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon