Fourty Five

1.2K 35 7
                                    

Zoelle's POV

"Hangal!" Isang malakas na sampal ang natanggap ni Artemisia mula sa kapatid niyang si Eleutherios.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nanggaling ako mula sa isang taong kinasusuklaman ko.Nagtaksil siya sa kanyang mga kapatid at hindi niya pinanindigan at inako ang responsibilidad niya bilang ina.

"Totoo ba talaga yon?" Hindi ba talaga sila makapaniwala sa ginawang kataksilan ni Artemisia?

"SUMAGOT KA!" Hinarap ni Eleutherios si Artemisia na nahihirapang tumingin ng diretso sa kanya.

"Manahimik ka Eleutherios." Bakit hirap na hirap siyang sabihin ang totoo?Hindi ba't ginusto niya ito?Pinatay niya ang kapatid niya na wala naman talagang kasalanan at nalinlang din siya ng pagmamahal at inulit niya ang kasalanan ng kanyang ama.Bakit hindi niya matanggap na nagkamali siya?

"Ikaw!Paano mo nalaman?" Gusto ko siyang makasama noon...nung hindi ko pa siya kilala.Nung hindi ko pa alam na mayroon akong ina.Inasam ko dati na magkaroon ng isang normal na pamilya, ang magkaroon ng isang mabait na ina.Ngayon...parang ayoko na.

"Binuhay niya ako.Iminulat niya ang aking mga mata sa katotohanang isang demonyo,taksil at mamamatay tao ang aking ina.Mas naging mabuting ina pa siya sa akin kahit sa sandaling panahon lang kaysa sayo, Artemisia na piniling patayin ang sariling anak niya.Ginusto mo ito hindi ba?" Alam kong masama ang mga salitang binibitawan ko ngayon laban kay Artemisia pero hindi nila ako masisisi.Mas masakit pa ang pinagdaanan ko simula nung lumaki akong hindi ko kilala ang tunay kong mga magulang.

"Tama nga ako!Hanggang ngayon mas angat ka pa din sa akin, Aine!Bakit kahit patay ka na, inaagawan mo pa din ako?!Ha?!" Malaki ang poot sa damdamin ni Artemisia ngayon.Galit niyang itinuturo ang langit.Lagi na lang kontrabida sa buhay niya si Aine.Bakit hindi niya tignan ang sarili niya?

"Huwag mo kaming linlangin!Ituloy ang laban!" Gamit ang kuryente ay ipinatama ko ito kay Elutherios at para itong tali na pumulupot sa katawan niya.Itinaas ko ang kamay ko at kasabay nito ang pag-angat ng katawan ni Eleutherios sa lupa.Ang kabilang kamay ko naman ay itinapat ko kay Melucine at nakita ko ang itim na ilaw na lumalabas sa katawan nito, nakukuha ko ang kapangyarihan niya kahit malayo siya.

"ARGHHHHHH!" Nakita ko ang paghihina ng katawan ni Melucine at unti-unti siyang napapaluhod habang si Eleutherios naman ay hindi masyadong makagalaw dahil konting galaw niya lang ay makukuryente siya.

"Zoelle!" Itinigil ko ang pagkuha sa kapangyarihan ni Melucine at itinutok ang kamay ko kay Angel na akmang sasaksakin ako.Unti-unting lumalabas ang puting ilaw sa katawan niya palipat sa kamay ko.Kung gusto niya ng mas malakas na kapangyarihan, sana lumapit siya sa akin.

"Hibang ka na ba?!" Nginisian ko ito.

"Ikaw ang hibang, Angel.Papatayin mo ang kaibigan mo para sa kapangyarihan?" Nakita ko ang pag-fade ng ilaw na lumalabas sa katawan niya,hudyat na malapit ng mawala lahat ng kapangyarihan na mayroon siya.

"Fuck!" Narinig kong sigaw ni Eleutherios.Mukhang malakas na kuryente ang pumitik sa katawan niya dahil sa malaking pag galaw niya.

"Tama na yan, anak." Parang napantig ang tenga ko sa tinawag sa akin ni Artemisia.Kung ginawa niya iyon para itigil ko ang ginagawa ko sa kapatid niyang si Eleutherios ay hindi ako tinatablan.

"Wag mo akong tawagin na anak kung napipilitan ka lang." Walang emosyon ang mukha ko ngayon at kasing lamig ng yelo ang boses ko.Pagdating sa kanya,nagiging demonyo din ako katulad niya.

"Arcenia.Yan ang totoong pangalan mo.Patay na ang tatay mo,matagal na.Nung nalaman niya kung sino talaga ako ay natakot siya at itinakas ka niya." Nakita ko ang paghihirap ni Eleutherios sa kuryente.

"Itinakas ka niya at hindi na kita nakita.Siguro iniisip mo kung bakit hindi kita hinanap.Hindi nga kita hinanap dahil alam kong mas maganda kung mabubuhay ka sa mundo ng mga normal at hindi aabot sa ganito na kailangan mo akong makaharap at makalaban." Naramdaman ko ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.Hindi pwede.

"Stop.Ayokong marinig ang paliwanag mo." Hindi ko kailangan ng paliwanag niya.Alam ko namang nagsisinungaling din siya.Para saan pa hindi ba?

"What do you want?Anong kailangan mo para mapatawad mo ako?" Parang basura na itinapon ko si Eleutherios sa kung saan.Tinignan ko si Artemisia.

"Gusto kong matapos na lahat ng gulo na ginawa niyo dito....ayaw ko na rin na makita ka." Sa isang iglap ay tumahimik ang lahat.Wala ng tunog ng gulo at kamatayan,kundi tunog na lamang ng pagtatapos.

"Hindi ko na hihilingin sayo na ituring mo ako bilang ina pero masaya na ako sa kapatawaran mo,anak."

"You will be missing your mother, Zoelle.Don't make decisions when you're angry."

"TYRONE!"

Gusto ko siyang makita!Alam kong pagod na siya sa pakikipaglaban at paniguradong puno ng sugat ang buo niyang katawan.Gusto ko siyang makausap ng harapan,it's been awhile.

"Zoelle,learn to forgive."

I looked at Artemisia.Alam kong hindi niya gustong umalis at makasama pa ako ng matagal pero hindi ko alam.Puno pa ng poot ang puso ko.Nasanay na sigurong wala siya.

"I want to...pero ang hirap,Tyrone."

Ang hirap magpatawad lalo na kung may posibilidad na ulitin muli nila ang kasalanan na ginawa nila.Sinira ni Angel ang tiwala ko at sobra naman ang sakit na ibinigay sa akin ni Artemisia.Forgiving will never be that easy.

"ARGHHHHHHHH!" My body's paralyzed.Nakita ko ang paparating na atake ni Eleutherios.Nakita ko sa mata niya kung gaano niya ako gustong patayin.I tried to move every part of my body but nothing,hindi ko alam kung anong ginawa ni Eleutherios pero nawalan ako ng kakayahan na makagalaw.

"Don't you fucking dare,my dear brother.Don't you dare hurt my daughter." Nagulat ako ng magtalsikan sa akin ang dugo ni Eleutherios.Hindi ko alam kung saan nanggaling ang katana ni Artemisia na ginamit niya sa pagpugot ng ulo ng kanyang kapatid.

"Shit!Naalala ko na nandito pala talaga ako!Akala ko ay nanonood lang ako ng palabas sa tv!" Kasama din si Mori sa mga natalsikan ng dugo ni Eleutherios.Kadiri.

"Ayos lang ba——yuck!Dugo ba yan?!" Nandito na pala sila.Lumapat ang tingin ko kay Tyrone na nakatingin din sa akin.We're obviously longing for each other.Siya na ang lumapit sa akin at mahigpit niya akong niyakap.

"Tyrone may dugo ni Eleutherios sa balat ko.Huwag mo akong yakapin." Pero hindi siya nakinig kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.

"EWWWWW!MAY PUGOT NA ULO!" Bakit ba ang arte nitong si Aedin?For sure, kanina pa sila nakikipagpatayan at kanina pa sila nakakakita ng karahasan.

"A-aedin." Naalala ko si Angel.Walang dapat na lumapit sa kanya hanggang di siya sumusuko sa kagustuhan niya.

"Angel!Ok——" Akmang lalapit na si Aedin ng pigilan siya ni Mori.Nakahandusay ngayon si Angel dahil nga tinanggal ko pansamantala ang lakas at kapangyarihan niya.

"Wag niyo siyang lalapitan.She tried to kill me and baka kayo din ay patayin niya." Napatingin sa akin si Aedin na parang hindi makapaniwala na kayang gawin yon ni Angel.

"Hindi yan totoo!" Sigaw nito.Pinilit niya ang sarili niyang makatayo at akmang susugurin ako ng patulugin ito ni Mori.

"She's crazy." Nagkatinginan na lang kami ni Mori.We both felt the same pain,betrayed and hurt by her.

Angel,why?

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now