Twenty Eight

2.5K 75 5
                                    

"Haisssst!" Naghikab pa si Mori habang nakataas ang dalawa niyang kamay para maiunat.Kakagising lang nilang lahat habang si Tyrone nmana ay napilit kong umidlip muna pero di rin nagtagal dahil sabi niya ay hindi siya gaanong nakakaramdam ng pagod.

It's actually 5:24 am and hanggang ngayon ay nandito pa din kami sa loob.We're not sure kung nakaalis na ba yung mga witches kasi di naman sila ganon nag-ingay kung nakaalis man sila.

"I'll be the one to check.Stay here." Mahinang sabi sa amin ni Miya.Afraid that she will be heard by the witches outside the cave.Maingat naman siyang lumipad palabas at halos hindi mo talaga siya mahahalata, not only she's small but she's really good at being one with nature na pwede siyang mag-ninja kung hindi lang siya fairy.

Pigil ang aming paghinga lahat dahil buong pag-aalala namin kay Miya na baka bigla na lang siya makita ng mga bruhang yon at tuluyan siyang kunin at kainin.Malaki ang naitulong niya sa buong paglalakbay namin at hindi namin gusto na mapahamak siya dahil sa amin.

"Guys!" Sigaw ni Miya na ikinagulat naming lahat.

"What?!" Sigaw na patanong din ni Mori.

"Cleared!" Masayang sabi ni Miya.Nakahinga naman kami ng maluwag dahil doon at naisipan na din naming lumabas.Pasalamat na lang kami at hindi kami napahamak sa mga witch na yon at maging sa sinasabi nilang Black Astrum.

Muli kaming bumalik sa labas ng palasyo at pinagmasdan ang kabuoan nito.Kung rinig lang namin ang naiisip ng isa't-isa ay mangingibabaw ang tanong na 'paano kami makakapasok sa loob?'.Napabuntong hininga na lang ako dahil sa totoo lang ay gusto ko na talaga matapos itong misyon na ito.Halos ubos na din kasi ang mga pagkaing inihanda namin.

"Where's the box?" Biglang tanong ni Tyrone.Pinaningkitan ko siya ng mata kahit hindi  siya nakatingin sa akin.Ano kaya naiisp nitong solusyon para makapasok kami?

"Nasa akin nga diba?" Naiinis na sabi ni Angel dahil siguro ay frustrated na siya sa mga nangyayari.Gustong-gusto na din niya makalabas sa magical forest na ito at bumalik na ng tuluyan sa Eupraxia.

"Give that to Zoelle." Napabaling naman agad ang tingin ko kay Tyrone sa tinuran niya.Ano at bakit sa akin ibibigay at ipapahawak ang kahon na hindi ko alam kung anong laman?

"What?" Litong tanong ko sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang binibigay na paliwanag kung bakit.Nakakatakot pa naman umako ng responsibilidad.

"Ikaw lang ang may kayang pumasok at makalusot sa barrier na yan." Casual na pagkakasabi niya na para bang hindi ko ibubuwis ang buhay ko sa naisip niyang solusyon.

"Ano?!Papatayin mo ba si Zoelle?!" Sighal ni Mori kay Tyrone ngunit nanatili ang poker face nito.Hindi ko din malaman kung bakit ako.Mukhang malaki talaga ang poot at galit niya sa buong existence ko at ako ang naisipang ialay.

"We're peculiars and we have certain powers and if you know how to think and evaluate,Zoelle's ability to absorb energy is more suitable to undergo within this barrier." Nalaglag naman ang panga namin sa sinabi ni Tyrone.Pero no!We're still not sure kung suitable ba talaga o joke lang yon lahat ni Tyrone at goal niya talaga ay ang patayin ako?!

"No!" I firmly said at binalingan naman ako ni Tyrone at matalim akong tinignan.OO!Inaamin ko nanlambot ang mga tuhod ko dahil nakakatakot ang tingin niya!Parang papatay talaga!

"Stop thinking about preposterous, nonsense shits." Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya.Para niya akong sinampal at minura sa sinabi niya.Sakit oh!

"Ooooh hot!" Mahinang bulong sa akin ni Angel kaya siniko ko siya para manahimik at tumigil sa mga ganyang bagay.

"I know you're thinking that I want to kill you but stop it.I really don't have any plans in killing you, Zoelle." Natuod naman ako sa kinakatayuan ko.Bakit ba ganon?Halos lahat ng binibitawan niyang salita ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.I'm like...under his spell.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now