4 Sin

13.5K 403 7
                                    

Seth POV

Malademonyong halakhak ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa opisina ng boss ko. Nakikipagkamay ito sa bisita nitong lalaki at halata sa bakas ng kaligayahan sa mukha niya na may kademonyohan nanaman itong napagtagumpyan.

"Goryo." Bati ko sa binatang may suot na sunglass at nakauniporme ng asul na polo. Tinapik ko ang balikat nito na ikinalingon niya sa akin. Lumingon ang binata at tumango sa akin.

"Mayamaya Seth. Busy pa si boss." Balik bulong nya sa akin na ikinatango ko lang din at tumabi sa binata. Halata ang pagiging alerto ng head of security na si Goryo. Minamasdan ang lahat ng nasa paligid nito kahit na nasa maliit na espayo lamang ang opisina ng boss nya.

"Sino iyon?" Aniko ng matapuana ng tingin ang lalaking kausap ng boss ko.

"Big time ang lalaking iyan. Parang gumagawa sila ng kasunduan pero hindi ko din maintindihan kung ano." sagot ni Goryo na ikinatango ko na lang.

Nagpaalam na ang lalaki na bisiti ni boss. Halatang mayaman iyon base sa suot nitong suit. Nasundan ko pa iyong ng tingin dahil pamilyar ang lalaki sa akin. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita pero alam ko nakita ko na ang matangkad na binatang iyon.

Napabalik ang tingin ko kay boss ng tawagin niya ako para lumapit ako sa kanya. Naglakad ako palapit hanggang sa nasa tapat na ako ng lamesa niya.

"Nagawa mo? Ano ang lagay niya? Napakaganda niya, diba Seth?! Hindi na ako makapaghintay na mapasa akin siya! Alam kong ako ang magiging una! I'm sure Cervantes will die instantly when I tell him how I plunder her sweet daughter's innocence!" Hayok na hayok na anito na pilit kong isantabi. Alam kong ang lalaking nasa harapan ko ngayon ang pinakahalang ang kaluluwa sa lahat ng nakilala kong nilalang pero heto ako at tauhan niyang sumusunod, sa ngalan ng pera. Isa na rin ako sa mga halang ang kaluluwang kinamumuhian ko noon.

"Nasa resthouse mo na siya. Nangangatog sa takot." Sagot ko na ikinahalakhak ng lalaki. Halakhak na animoy galing sa impyerno. Kulang na lang talaga ay sungay, buntot, pulang balat at trident at mukhang demonyo na talaga ang nasa harapan ko.

Nagbukas ito ng drawer niya at inilapag sa lamesa ang bungkos ng pera na libo-hin. Napasunod ang mata ko doon.

"Kunin mo na ang parte mo." Anito sabay lahad sa perang nasa lamesa. Mabilis na kinuha ko iyon at binilang.

Singkwenta mil!

"Singkwenta lang ito boss..." nag aalinlangang aniko.

"Ang kalahati ay ibibigay ko sa isang linggo, bantayan mo muna ang babae ko. Kailangang palamigin ko muna ang sitwasyon, paniguradong mainit si Cervantes sa lahat ng tao sa paligid niya. Ayokong mahalata niya na ako ang nangidnap ng anak niya." Aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Pero usapan natin na ibibigay mo ngayon din mismo. Kailangan ko ng malaking halaga ngayon." Halata ang pag init ng ulo ko sa lalaki at bahagyang tumaas ang tono ko sa inis. Hindi ko iyon napigilan.

"Putangina! Sinisigawan mo ba ako Seth?! Ipapaalala ko lang sa'yo, ikaw ang lumapit sa akin para sa trabaho!" Ani ng binata na aalmahan ko sana kung hindi lang kailangan kong magtimpi. Kailangan ko ng pera niya.

"Kailangan ko na iyon boss... Usapan natin ay dadalhin ko lang sa resthouse mo ang babae, nagawa ko na! Kailangan ko na ng kabayaran ko sa serbisyong nagampanan ko." Pilit na huminahon na sagot ko muli sa kanya.

"Mukha ka talagang pera Seth! Umalis ka na kung hindi ka makapaghintay! Sa iba ko ipababantay ang babae!" Galit na anito sabay sandal sa swivel chair niya. Namuo ang kamao ko sa sinabi ng lalaki pero dahan dahan ko rin iyong inunat dahil kailangan ko ang trabahong ito, kailangan ko ang kalahating kabayaran ko. Ayokong mapunta sa iba ang pinagtrabahuhan ko.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now