25 Big J

12.6K 427 33
                                    

Neri POV

Nag-aagaw ang kamalayan at pagkahimbing ko ng makaramdam ng animoy mainit na humahaplos sa aking tagiliran. Paakyat hanggang sa sumapo iyon sa isa kong mayamang dibdib. Parang erotikong panaginip na nagpapainit sa katawan ko sa bawat dinadaanan ng malikot na kamay ng pangahas.

"Hmmm." Ungol ko ng makaramdam ng pagpisil sa mayaman kong dibdib na sanhi para makuryente ang katawan ko sa sarap.

"Neri..." anas ng paos na boses malapit sa tenga ko habang nagbibitaw ng basa at magagaang halik sa leeg ko. Tuluyan na akong napadilat at bumaba ang tingin ko sa higanteng kamay ni Seth na nakadakma sa dibdib ko at humihimas. Dali dali ko iyong tinanggal at napausog palayo sa katawan ng binatang nakadikit din pala sa akin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Asik ko sa lalaki na animoy nagulat din sa paglayo ko.

"Bakit?! Diba gusto mo naman?" Naguguluhang anito sa akin.

"Hindi! A-Ayoko na! Bakit hindi mo halikan iyong babae na kausap mo kanina?!" Iritang aniko sabay talikod muli sa binata.

"Si Lisa?! Bakit ko naman hahalikan si Lisa?! Hindi na kita maintindihan Neri! Hinalikan mo ako tapos ngayong ako itong hahalik sa'yo ayaw mo na?! Ang gulo mo!" Iritang ani Seth.

"Mas magulo ka!" Sagot ko sa kanya sabay tatayo na sana pero mabilis na hinatak niya ako sa braso at pinaharap sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo sa akin?! Pinaglalaruan mo ba ako?! Inuuto?! Nagiging tuso ka nanaman ba?! Anong balak mo?!" Bakas ang galit sa mukha nito na ginantihan ko din ng galit na ekspresyon ko.

"Hindi ako tuso at hindi kita inuuto! Baka ako ang pinaglalaruan mo! May girlfriend ka na tapos nanghahalik ka!" Ganting sagot ko sa kanya ng biglang nawala ang galit sa mukha ni Seth.

"Si Lisa?! Hindi ko siya girlfriend!" Natatawang paglilinaw nito sa akin na ikinalaki ng mata ko.

"Hindi mo siya girlfriend?! Pero bakit kanina... lumayo pa kayo para mag-usap at itsurang nagpapaliwang ka eh! Siya ang pinaglalaanan mo ng pera mo diba?!" Sita ko sa kanya.

"Wala iyon. Hindi kita hahalikan kung may girlfriend na ako Neri! Ano ka ba naman!" Anito sabay iling na animoy ako na ang pinakaignoranteng taong nakausap niya.

"Eh sino iyong babaeng 'yon sa buhay mo?!" Pasinghal na aniko sa binata.

"Teka... Nagseselos ka ba?" Nakangising anito na ikinalaki ng mata ko.

Oh my God! I really sounded like a jealous nagging girlfriend!

"H-Hindi ah! Bakit naman ako magseselos?! Bakit tayo ba?!" Pasinghal na aniko sa lalaki na ikinatawa nito ng mahina.

"Nagseselos ka eh!" Anito habang hindi mawala ang ngiti niya. Dati rati ay gusto kong makita ang ngiti niyang iyon na madalang lumabas pero ngayon gusto kong lamukusin ang mukha niya dahil sa dahilan ng ngiti niya. Tuwang tuwa pa siyang niloloko ako.

"Hindi nga!" Iritang aniko.

"Nagseselos ka nga!" Siguradong anito sabay may kasama pang pagtango tango ng ulo niya. Inirapan ko siya at tinalikuran na ikinatawa ng mahina ni Seth. Napakagat labi ako ng dumikit ang katawan ng binata sa akin at animoy nanunukso siya ng isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at doon suminghot singhot.

"Huwag ka ng magselos 'don, kapitbahay natin si Lisa, kababata ko siya at kaibigan." Ani ng binata sabay halik sa aking leeg na nagpapikit na sa akin sa kuryenteng ikinakilabot ng katawan ko.

At yung sinabi niyang 'natin' na para bang sa amin ang tirahan na ito at parang mag-asawa kaming naninirahan. Kinilig ako sa isiping iyon.

"Itutuloy mo pa ba?" Nanunuksong ani Seth na ikinamulat kong muli.

"Ang alin?" Nagtatakang aniko.

"Ang pang-aakit sa akin. Itutuloy mo pa ba?" Husky na anito na naghahatid ng kiliti sa aking katawan. Napangiti ako sabay tihaya at tingin ng deretso kay Seth na nakatagilid paharap sa akin.

"Inaakit ba kita?" Mapaglarong sakay ko.


"Hindi ba? Hinalikan mo ako. Dalawang beses na." Deretsong anito na ikinapula ng pisngi ko.

I've never been the aggressive type pero ewan ko, tuwing nalalapit ako sa binata ay parang hindi ko matiis na halikan ito at panggigilan. Ako nga ata ang akit na akit sa binata. Seth gave out a chuckle when I cant form a reply to his question. Pulang pula lang ako habang nahihiyang nakatingin sa kanya.

"Huwag kang nangaakit Neri... baka hindi mo kayang ituloy..." Malalim na anito na ikinalunok ko ng laway.

"Bakit?! Effective ba? Naakit ka ba sa akin?!" Lakas loob kong tanong. Ewan ko, pero gusto ko talagang malaman kung pareho lang kami ng nararamdaman ng binata. Kung pareho kaming animoy may magnetikong humihila sa aming dalawa palapit.

Instant attraction?
Chemistry?
Sparks?
Sexual tension?

Kahit ano pang pwedeng itawag sa nararamdaman kong ito sa binata pero masasabi kong lahat ng iyon ay meron, lahat ng iyon ay nararamdaman ko para sa kanya.

Mapaghamon ko din siyang tinitigan. He gave me a lopsided grin and he looked more dangerous now with the way he lazily look at me.


"Hinahamon mo ba ako, Neri?" Malalim ang tono ng binata na nagpapanginig lalo sa katawan ko pero sigurado kong hindi iyon dahil sa takot.

"Bakit? Kaya mo?!" Balik tanong ko naman sa kanya. Naging mas maitim ang itim ng mata ng binata at napatili pa ako ng bigla niya akong dag-anan. Ramdam ko ang maumbok na pagkalalaki niya sa aking tiyan. Mas idiniin iyon ng lalaki na animoy iyon ang tugon niya sa tanong ko.

"Ikaw? Kaya mo?" Anito malapit sa tenga ko na naghatid ng kakaibang nginig sa buo kong katawan. Nag iinit ako at alam kong ang binata lang ang makakagawa nito sa akin.

Holy! Kanina pa ko handa!

"Seth..." tawag ko sa pangalan niya. Umungol ang binata habang humihinga siya ng malalim sa aking leeg. Magkadikit lang ang aming katawan pero pareho kaming hinihingal na animoy marami na kaming ginawa.

Inangat ni Seth ang ulo niya at nagkahulihan kami ng tingin. His lust filled eyes are gazing at me and I know I mirrored that same heated stare. Wala ng pagpapanggap sa mga binibigay na tingin ni Seth. Alam ko na nararamdaman din niya kung ano ang nararamdaman ko.

"Neri... pigilan mo ako." Mabigat ang bawat bagsak ng salita ni Seth na animoy naghihirap siya at nagpipigil. Napakagat labi ako sa sinabi niya at sinundan ng tingin ni Seth ang ginawa ko. Nagbuga siya ng hangin sa bibig na animoy hirap na hirap.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now