9 Hard truth

11.8K 385 35
                                    


Neri POV


Matulin na ang takbo ng binata habang bitbit bitbit niya ako at wala akong nagawa kundi kumapit ng mahigpit sa balikat at leeg niya. Halos payakap na ang ginagawa ko sa binata pero wala na akong pakielam. Tanging nasa isip ko na lang ay ligtas ako sa binata at alam kong ginagawa niya ito para makalayo kami sa masasamang taong paniguradong tinutugis na kami.

Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg ng binata at halos mapaungol ako sa amoy ng natural na bango niya. Halatang hindi ito nagpapabango pero hindi ko maintindihan kung bakit napakasarap ng amoy niya sa ilong ko. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko, nasa panganib na nga kami pero heto ako at nag-eenjoy sa pagkarga at pag-amoy sa binata. Nababaliw na yata ako.

Nakarinig ako ng mahinang mura sa binata pero animoy ungol din ang dating noon sa aking pandinig. Mas binilisan pa ng binata ang pagtakbo niya na animoy pilit niyang winawaglit sa isip niya na nakapasan ako sa likod niya. Kahit papaano ay alam kong hindi ako nag-iisa na nakakaramdam ng kakaibang tensyon sa katawan. I know we had it. Sparks? Chemistry? Sexual tension? Attraction? Kahit ano pang itawag ko, basta alam kong may something.

Ilang oras pa ang itinakbo ni Seth at halata kong pagod na pagod na siya base sa pagbagal ng pagkilos niya at paglalim ng paghinga niya.

Tumigil sya sa isang mabatong bahagi ng kagubatan. At binitawan niya ang hita ko sanhi para magpadausdos ako pababa sa kanyang likod. Ramdam ko din ang maumbok niyang pang-upo na nadaanan ng katawan ko. Mabilis akong pinamulahan, mabuti na lang at hindi ako nililingon ng binata. Napakadilim ng paligid at tanging ang buwan lang na hindi ganoon kaliwanag ang nagsisilbing ilaw namin sa kagubatan.

"Magpahinga muna tayo dito." Hinihingal na ani ng lalaki, habang hapong hapo siyang nakasandal sa isang malaking bato. Nakapikit siya at bigla naman akong naawa sa nakikita kong panlalambot niya. Ilang minuto siyang nagpahinga habang nakatunghay lang ako sa kanya. Pagmulat niya ng mata ay parang napahiya pa ako ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Winahi ng binata ang mga baging na nakaharang sa batuhan na sinandalan niya kanina at naaninag ko ang kweba sa loob na kinukubli ng mga baging.

"Hintayin mo ako dyan." Ani Seth at nilabas niya mula sa bulsa niya ang lumang luma at maliit niyang cellphone. Pinailaw niya iyon at pumasok siya sa kweba. Kiniskis ko ang kamay ko sa magkabilang braso ko. Nakakakilabot ang kadiliman ng paligid ngayong nag iisa na lang ako. Nanunuot sa balat ko ang lamig ng gabi at hindi ko napigilan ang pangangatog. Ilang minuto ang nagdaan at nagsisimula na akong mag-panic ng hindi pa rin lumalabas ng kweba si Seth. I started calling his name, pero walang sumasagot. Kinabahan na ako kaya napahakbang ako papunta sa kweba.

Pero halos mapatalon ako ng biglang sumulpot na siya sa harapan ko, may dala siya sa kamay niya na ikinababa ng tingin  ko doon.

"Ano iyan?!" Aniko na tukoy ang hawak niya sa kamay na animoy mga baging din.

"Ahas. Marami ng nanirahang ahas sa kweba simula ng hindi ko na ito napupuntahan." Balewalang anito na ikinalaglag naman ng panga ko. Sinipat kong mabuti ang dala niya at hindi nga baging iyon kundi mga ahas na mahahaba at base sa lupaypay nitong itsura ay nasisigurado kong wala na itong buhay, mga anim o pito yata ang bitbit niya.

Ibinato iyon ni Seth palayo sa amin at pagkatapos ay kumilos siya para kumuha ng mga malalaking dahon para itakip sa bukana ng kweba at ang iba ay pinasok niya sa loob.

Napalingon siya sa tulala kong itsura habang nakatingin sa kanya.

"Pumasok ka na sa loob." Anito na ang tinutukoy ay sa loob ng kweba.

"No. I dont want to! Paano kung may ahas pa dyan!" Kinikilabutang sagot ko sa kanya. Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Bulag ka ba?! Di mo ba nakitang pinatay ko na nga?!" Iritang sagot niya na ikinairap ko sa lalaki.

Sinner Seth (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora