41 X

11.1K 400 32
                                    

Neri POV

It was a painting auction that I saw him again. In his arms is the same blonde-colored hair girl and him looking so handsome in his gray suit. They look perfect together that all I wanted to do is spash them with the wine on my hand, but instead I drank it straight and it almost shattered when I hardly put it down on the table.

Anong ginagawa ng lalaking ito sa ganitong event?! At talagang nagdala pa ng babae niya ang damuhong lalaking ito?!

"Whoa! Easy Ners!" Ani Arjo ng bigla kong inabot at ininom din ang alak niya na nakapatong sa lamesa.

"Kilala mo ba siya?" Anas muli ni Arjo ng mapansin niya marahil ang paninitig ko kila Seth.

"I knew him from way back." Matigas na sagot ko na ikinataas ng sulok ng labi ni Arjo. His mischievous eyes hinting something else.

"Ex mo?" He bluntly asked. Doon na ako nagbawi ng tingin sa nakakasakit na tanawin at tinaasan ng kilay si Arjo.

"Ang nosy mo!" Aniko sa kanya ng bigla nawala ang pilyong ngisi niya at namutla. Natataranta siyang nagtago sa likod ko na akala mo'y may nakitang multo.

"Tangina! Hanggang dito ba naman sinusundan niya ako?!" Ani Arjo sabay silip malapit sa balikat ko. Nagtatakang nilingon ko ang likod ko at nakita roon ang babaeng maikli ang buhok. She looks like a rockstar-classy chic with her model-like pisque, a stubborn chin and sporting a bob-cut hair. She's wearing a white suit that shows small but perky cleavage line.

"Ex mo?!" Balik tanong ko kay Arjo na ikinatingin niya ng masama sa akin.

"Worst! Soon to be fiancée ko iyan!" Sagot niya na ikinatawa ko ng malakas, hindi kasi si Arjo ang tipo ng lalaki na ipinapakasal at malayong-malayo din ang itsura ng babaeng pinagtataguan niya sa mga gustong-gusto na katangian ni Arjo. At nakakatawang isipin na iyon pa ang mapapangasawa ng lalaki. Arjo likes his women angelic-looking but a slut in bed, girly like a schoolgirl but naughty as hell. I made a quick look at the woman he's about to get married to and I can say she is the complete opposite.

"And the worst of the worst is... she's a lesbian! Tangina!" Parang pinagsukluban ng langit ang itsura ni Arjo ng sabihin niya iyon pero imbis na maawa ay napahagikgik pa ako. She is like a walking curse to a manwhore like Arjo. Napapukpok pa ako sa lamesa kakatawa.

Arjo and I became friends when he tried hooking up with me when we were younger at dahil supalpal siya sa akin ay naging magkaibigan kami ng hindi namin namamalayan. We enjoy each other's company and we choose to be with each other in social gatherings like this rather than anyone else not until he find someone he can fvck, then he leaves me alone to myself.

"She's your karma, Arjo! Why dont we say hi to your fiancée!?" Pang-aasar ko na ikinahilamos niya ng mukha.

"Bully! C'mon! Before she sees us." Ani Arjo sabay hatak sa akin papunta sa kumpol kumpol na tao na nasa ballroom stage. Mabilis din niya akong pinihit ng makita namin ang mama ni Arjo na makakasalubong din namin hanggang sa umakyat na lang kami sa balcony. Nagpatangay naman ako para lang mawala din sa paningin ko ang tanawing gusto ko ring takasan.

Gusto kong batukan si Arjo ng magtago siya sa madilim na upper balcony habang hinahagilap ang pinagtataguan niya sa baba.

"Ano ba Arjo! Para naman tayong magnanakaw nito." Reklamo ko sa kanya dahil nakatago pa kami sa pinakadulo na natatakpan ng makapal na kurtina.

"Shhh... Nasa paligid lang si mama at ayokong bigyan sila ng pagkakataon na pagsamahin kami ni Andrea! Paniguradong pipilitin nila akong isayaw ang tomboy na iyon." Pabulong na ani Arjo.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now