29 Buwan

12.5K 436 32
                                    

Neri POV

Tanghali na ng matapos kami maglangoy ni Seth. Naglalakad na kami pauwi sa bahay ni Seth na kahit malayo ay kontentong nilalakad lang namin ng magkahawak kamay. Pinipisil ni Seth ang kamay ko sabay himas sa aking likod at iba ang hatid ng mga haplos na iyon ni Seth. Nakakapang-init. Nagulat pa ako ng bigla niya akong binulungan gamit ang nakakakiliting boses niya.

"Malapit na tayo sa bahay. May kama na doon... Ipagpatuloy natin..." His voice almost made me wet my panties.

"Gusto ko kasi ikaw naman ang sisirin ko." Napapikit na ako sa sinabi niyang iyon. I can now feel the cream that pooled down and wet my undies. I took a deep breath and release it harshly just to calm my excitement his dirty talking brought. I already felt so damn hot all over and the need to touch him and feel him is making me dizzy. Inangkla ko ang braso ko sa leeg ni Seth at mabini siyang nginitian kahit hinihingal na ako sa sobrang antisipasyon.

"Yes! I would love that Seth." Mapang-akit din na sagot ko. I heard Seth growled and groaned in arousal with my answer. He suddenly kiss my lips but before I can kiss him back he quickly push me away. Nagtatakang napatitig ako kay Seth na lagpas sa akin ang tanaw at sa likod ko nakatingin. Napatingin ako sa direksyon na tinitignan niya. May isang matandang babae na nakatayo sa pintuan ng bahay ni Seth na marahil dahilan ng binata para itigil ang paghahalikan namin. Bumitaw si Seth sa kamay ko at nilapitan ang matanda na ikinasunod ko na lang sa kanyang likod.

"Tiya Luding..." ani Seth sabay yakap ng mahigpit sa matanda.

"Kamusta ka na 'nak? Sinabi ni Lisa na narito ka. Bakit hindi ka man lang dumalaw?" Halos maiyak iyak ng bati ng matanda kay Seth habang gumaganti ng mahigpit na yakap sa binata.

"Pasensiya na po Tiya." Wika lang ni Seth sa matanda.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at tinitigan ako ng matandanng babae sabay ngiti ng malapad na ginatihan ko na din ng ngiti.

"Aba'y palagay ko'y kasintahan mo na ang dalagang ito base sa kilos ninyo kanina?" Ani Tiya Luding sabay ngumiti muli ng malapad sa akin. Namula si Seth sabay nahihiyang tumango.

"Tiya si Neri ho, girlfriend ko po." Ani Seth sabay baling sa akin. "Neri, si Tiya Luding, tiyahin ko sa pinsan." Pakilala niya sa akin sa matanda na agad naman akong niyakap na ikinagulat ko pa.

"Sa wakas at may nakabihag na ng puso ng mahiyain naming si Seth! Gwapo at mabait naman ang pamangkin kong ito eh at kaganda mo... Bagay kayo! Akala ko nga hindi na magkakanobya ito kasi sabi niya malas ang hatid ng babae sa kanya kaya ilag iyan sa babae, baka nga may pagkatorpe lang eh!" Nagtatawang ani Tiya Luding na mahina kong ikinatawa sa sinabi ng matanda.

"Tiya!" Nahihiyang saway ni Seth na hindi naman pinansin ng matanda. Hinawakan pa nito ang dalawang kamay ko at pinakatitigan ako.

"Maige at narito ka 'nak! May kaunti kaming handa dahil piyesta sa barangay namin. Aayain ko sana itong si Seth, mabuti at mahahatak din kita!" Nakangiting ani ni Tiya Luding sa akin at mahina akong hinatak. Napatingin ako kay Seth na nagkakamot lang sa kanyang batok. Mukhang nalugi ang itsura ni Seth. Halata sa itsura niya ang panghihinayang, napangiti na lang ako sa kanya na ikinabuntong hininga naman niya, ngumiti si Seth sa akin sabay sumunod na din siya sa amin.

Sumakay kami sa kotse ni Seth at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa nayon. Nakakatuwa na pinakilala ako ni Tiya Luding bilang girlfriend ni Seth sa pamilya niya at hinainan kami ng masaganang pagkain sa hapag kainan. Sa buong tanghalian ay hindi nawala ang pula sa pisngi ni Seth na naging tampulan ng tukso ng kamag anak niya. Kakaiba ang tuwa na lumukob sa akin ng malamang ngayon lang nagkaroon na babae na naugnay sa binata at kakaiba ang dating nuon sa puso ko. Nakakataba. Nakakakilig. Pwede ko siguro i-assume na ako ang first love niya at first girlfriend.

Sinner Seth (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora