34 Mastermind

10.5K 359 33
                                    

Neri POV

Mabilis na nagpunta ako sa likod na bahagi ng kotse at isiniksik ang sarili ko sa pinakadulo. Rinig ko ang pagbukas ng pinto at ang sunod sunod na umalingawngaw na putok ng baril. Nagpaputok ang mga bodyguards ko at napasigaw ako ng gumanti din ng putok ang mga lalaking nakasuot ng itim na bonnet. Marami sila at alam kong walang laban ang apat na bodyguards ko. Kitang kita ko ng isa isang tumalsik ang katawan ng mga bodyguards ko at bumagsak sa tama ng baril. Duguan at wala ng buhay. Napasigaw ako ng malakas ng may humablot sa aking braso at malakas na hinatak ako palabas ng sasakyan.

Kinaladkad ako ng may hawak sa akin hanggang sa pasalampak akong tinulak sa loob ng itim na van. Nayakap ko ang sarili ko ng isa isa din silang sumakay sa van at mabilis na pinasibad ang sasakyan.

"Bakit niyo ba ito ginagawa?!" Aniko na binabalot ng takot nanaman ang buong pagkatao ko. Walang umimik sa kanila. Halata sa mga kilos nila na mas trained sila sa kilos, hindi gaya ng mga tauhan ni Rodrigo. Mas kalkulado ang mga galaw at nag-uusap sa pamamagitan ng senyas.

"Patay na ang boss niyo! Hanggang kelan niyo ba gagawin ito?!" Galit na galit na sigaw ko sa kanila pero tahimik lang sila habang pinapaikutan ng tali ang kamay ko na isinenyas ng isang lalaki. Napakunot ang noo ko sa lalaking nagtatali ng kamay ko. Pamilyar sa akin ang mga mata niyang tanging nakikita ko sa nakabonnet niyang mukha. I know I have seen him before pero hindi ko lang masabi kung saan at kailan.

Mabilis din siyang tumalikod ng mahalata niya na pamilyar siya sa akin. Halos sampo silang puro armado ng mahahabang baril at halatang handang handa sa pagkuha sa akin. Planado at pinag-aralan. Propesyunal silang gumalaw.

Tumigil ang sasakyan sa isang malaking mansyon. Hindi ko iyon inaasahan kaya nakatayo lang ako sanhi para itulak ako ng isa sa mga naka-bonnet na lalaki para lumakad.

Marahang naglakad ako hanggang sa makapasok kami sa sala. Nakatayo lang ako doon habang nakapalibot ang mga armadong lalaki sa likod ko. Nagulat pa ako ng may tumayo sa isang malaking sandalan na couch na nakatalikod sa akin. Pagkaharap ng lalaki ay napatulala ako sa nakita. Kilalang kilala ko siya.

"Ikaw?!!" Sigaw ko sa pagkagulat sa nakikitang lalaki.

"Oo. Ako nga Neri." Malademonyo ang ngising anito na animoy mas lalo pang inangat ang dibdib sa pagmamalaki.

"Bakit mo ito ginagawa?! Magkasabwat ba kayo ni Rodrigo?!" Sigaw ko sa lalaki na muli lang akong nginisian. Ngising nakakatakot makita sa gwapong mukha nito. Lumapit siya sa akin na nagpaatras sa akin sa takot pero mas lalo pa niyang dinikit ang sarili niya hanggang sa masuko na ako sa pader at tiniis ang pagkakalapit namin ng binata. Pilit kong inalalayo ang sarili ko pero mas lalo lang siyang lumapit sa akin.

"Si Rodrigo?!" Mapang-uyam na aniya sabay malakas siyang humalakhak. Iyong halakhak na para lamang sa mga kampon ni Satanas.

"Nagkakamali ka kung inaakala mong si Rodrigo ang utak ng lahat ng ito! Ang bobong si Rodrigo ay isa lang palpak na tauhan ko kaya pinapatay ko na ang walang silbing gagong iyon! Sinamantala ko ang pagkahayok ng inutil na iyon sa'yo para siya mismo ang kumilos pero wala siyang kwenta! Walang utak! Hindi kagaya ko!" Tinignan niya ako mula paa hanggang tumaas iyon sa aking dibdib. Napaakap ako sa sarili ko sa kilabot na bumalot sa buong pagkatao ko.

"Pero naiintindihan ko si Rodrigo sa pagkahayok sa'yo Neri, iba ang alindog mo na kahit ako ay gusto kong matikman ka!" Nakangising ani ng lalaki. Nalukot ang mukha ko sa sakit ng malakas na hinatak niya ang buhok ko at dinala iyon sa ilong niya. Animoy nababaliw na sininghot iyon ng binata habang takot na takot naman akong nakatingin sa kanya.

Sinner Seth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon