42 The grandmotha

11.5K 409 29
                                    

Neri POV

Matapos akong pumayag na makipag-usap sa lola ni Seth ay isinama niya ako sa malapalasyong mansyon na halos wala sa kalingkingan ang mansyon ni daddy. May kalat at naglalakihang mga villas pa ang mansyon nito na para bang may pabahay na pwede ang isang barangay. Nagkalat ang sandamungkal na ilaw na dinaig pa ang Christmas Village. Mahal siguro ng kuryente nila buwan-buwan.

Alam kong kilala at mayamang pamilya ang mga Romualdez pero hindi ko akalain na ganito pala sila kayaman. Ang loob ng mansyon ng mga Romualdez ay akala mo'y isang larawan sa magazine sa sobrang engrande at moderno. Bawat madaanan ng aking mata ay kaigaigayang tignan, mapa-painting na mukhang mamahalin hanggang sa decor nila na palagay ko'y kulang ang talent fee ko ng isang taon para lang mabili. Giniya ako ng mga bodyguards niya sa bakuran ng mga Romualdez kung saan punong puno ng mga bulaklak na maingat na ini-lanscape na napapaligiran din ng mga outdoor lights. Lavender foliage surrounds a small open villa where the Vice President told me to sit. The pleasing scent of flowes wafted my nose and the cold night breeze somehow relaxes my nervous nerves. May maliit na made-up falls at may malinaw na pond kung saan naglalangoy ang mga koi na ibat ibang kulay sa tabi ng open villa kaya doon ko muna tinuon ang tingin ko.

"What refreshment do you want?" Anas ng matanda na ikinatingin ko sa kanya.

"Huwag na po. Okay lang po ako." Sagot ko.

"Bring us some lavender tea." Anas niya na ikinayukod ng isa sa mga bodyguard niya at tumalima para kumuha. Pinagsalikop ko ang kamay ko habang matamang nakatitig sa akin ang aristokratang pangalawang pinuno ng bansa na animoy winawari ang buong pagkatao ko sa mga tingin niya.

Kung pagbabasehan sa itsura ay hinding hindi kamukha ni Seth ang lola niya. Makinis ang malaporselanang balat nito na mukhang alagang alaga ng matanda. May pagka-pangahan ang mukha at singkit ang mata niya na may kaliitan ang taas, pero kahit na ganoon ay naghuhumiyaw ang kapangyarihan sa buong pagkatao nito. Everything about her speaks of power and money, so unlike Seth.

Dumating ang naka-unipormeng katulong na naglapag ng teapot sa harapan namin. Ito na rin ang nagbuhos sa maliit na tea cup na para sa aming dalawa ng Bise. Uminom muna ang bise presidente ng kanyang tsaa bago muli niya akong binalingan.

"I wont beat around the bush Miss Cervantes. I know everything about you and my grandson, and I know what he did to you, and for that I am sorry. But your father imprisoned my grandson and because of that I am doing everything in my power for your father to lose the next election. Politics is a dirty world Miss Cervantes and I am telling you now, your father doesn't even stand a chance." Matigas ang bawat pagbitaw nito ng salita at hindi ko ipagkakailang nabigla ako sa mga sinabi niya. Kumakandidato si daddy bilang Senador at isa siyang independent candidate. Ito na siguro ang downside ng pagiging politiko, masyadong madumi.

"Pinapunta niyo po ba ako dito para sabihing gumaganti po kayo sa amin? Ano pong kailangan niyo sa akin?" Matigas ding sagot ko sa Bise Presidente. I feel like being attacked by her and I am not someone who do not retaliate. Tumaas ang kilay ng bise presidente, mukhang nabigla siya sa pagiging prangka ko.

"Blunt. I like you already. Miss Cervantes, I invited you here so that we can meet to an agreement. I want you to know who I am and what I am capable of, so you better think wisely on your answer to my proposal." Muling anito na nagpasingkit ng mata ko sa bumabangong inis sa matanda. Tama nga si Seth sa naging kwento niya sa akin. Masyadong mapagmataas ang lola niya. But I am my father's daughter and the law applies to all of us, may it be the second leader of our country.

"Madam Vice President, are you threatening me po? At kung sinasabi niyong marumi ang politika, dyan po ako mag-a-agree dahil itong ginagawa ninyo ang nagiging example ng sinasabi ninyo." Aniko na nagpatawa ng malakas sa bise presidente. It was a genuine laugh and she looks like she is enjoying our talk, so opposite of what I am feeling right now.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now