2 Mystery

15.2K 448 6
                                    

Neri POV

Napabalikwas ako ng magising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Nagtatakang inilibot ko ang paningin sa maliit na kwarto na marumi. Maraming nagkalat na agiw sa paligid. Kulay krema ang kisame at may ilang laglag na kahoy na parte ng kisame. Halos kulay abo na ang dingding ng kwarto na animoy pinamahayan na ng alikabok pati na rin ng insekto. Tanging ang kinauupuan kong puting kama at puting manipis na kumot ang pinakamalinis na naroon. Tanging nagbigay lang ng kulay sa kwarto ay ang itim na lamesa sa dulo na may itim ring bangko na may nakapatong na dilaw na florera at may pulang plastik na bulaklak.

Kinapa ko ang aking sarili at nakiramdam. Walang masakit. Pwera lang sa bahagyang kirot sa aking sentido na katiis tiis naman.

Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang waiter na kausap ko kagabi. Ang nakakahilong panyo nya at ang pagdukot nya sa akin.

Shìt! Kidnapper pala ang walanghiyang waiter na iyon?! And to think I helped him pa?!

Inis na napatayo ako at napatakbo sa pinto pero pagpihit ko ay nanlumo ako, naka-locked iyon. Mabilis na pumunta ako sa kurtina na marahil ay tinatakpan ang bintana pero paghawi ko ay bumungad sa akin ang makapal na flywood, sinarado na iyon at puno ng pako na minartilyo. Sinubukan kong sumilip pero hindi ko iyon maiangat.

Oh my God! I've been kidnapped and I dont even know if dad already knew! Oh my God! I have to get out of here!

Muli kong sinubukang hatakin ang makapal na flywood pero hindi ko talaga iyong maiangat ng biglang tumikhim sa akig likdo. Napaikot ako at lumapat ang likod ko sa flywood na kanina ay pilit kong tinatanggal. Kinabog ang dibdib ko ng makitang nakatayo doon ang isang malaking bulto. Hindi ko man lang siya narinig na nakapasok.

Sya iyon!

Nakatayo sa likod ng saradong pinto ang matangkad na binata na responsable sa pagdadala sa akin dito. Naka worn-out jeans ito at itim na kupas na t-shirt. Tulad dati ay magulo ang buhok nito na animoy wala syang pakialam sa buhok nya, pero hindi iyon nakabawas sa maangas na itsura ng binata. Pakiramdam ko lalong lumiit ang kwarto sa presensya ng lalaking kidnapper sa sobrang tangkad nya. Saglit nya akong pinasadahan ng malamig na tingin at pagkatapos ay dumeretso sya sa lamesa. Ni walang katunog tunog ang bawat yabag niya na animoy sanay siyang kumilos na parang hangin. Nilapag nya sa lamesa ang tray na hawak nya na may lamang pagkain.

"Sino ka?! Anong k-kailangan mo sa akin?! B-bakit? Bakit mo ako kinidnap? Is t-this kidnap for ransom?!" Ramdam ko ang takot na lumulukob sa pagkatao ko sa bawat pagtatanong kong iyon pero nanatili lang tahimik ang lalaki kasabay ng paglakad nya muli pabalik sa pintuan pinasukan nya kanina. Sumandal sya sa may pintuan at humalukipkip doon habang matiim na nakatingin sa akin. Mas lalong nakadagdag ng kaba ko ang mga tingin na ipinupukol ng binata kahit na ba wala akong makitang emosyon doon.

"Anong... anong kailangan mo sa akin?! Pakawalan mo na ako!" Muli kong subok sa lalaki pero nanatili lang itong malamig at walang reaksyon ang mukha. Ng hindi ko matagalan ang paninitig nya ay napayuko ako. Inakap ko ang sarili ko sa sobrang takot sa maaring mangyari sa akin.

"Kain." Maikling aniya sabay talikod at labas ng kwarto. Rinig ko pa ang pagtunog ng padlock-an ng binata ang pinto mula sa labas. Pakiramdam ko ay nanghina ako sa engkwentrong iyon kaya napaupo ako sa sahig. Naghalo halo na lahat ng emosyon sa akin pero mas lamang ang takot doon sa kinasasaldakan ko ngayon.

Bakit ba nya ako dinala dito?! Papatayin ba nya ako?! Pero kung papatayin nya ako, bakit hindi pa nya ginawa nung nasa parking lot kami?! Bakit dinala pa nya ako dito?! At bakit pinapakain pa nya ako?! I can sense this is more than just killing me. They wanted something from me, money? Or is this because my father is the chief justice? Oh my God! Is someone after dad?!

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now