36 Meeting Mira

11.4K 391 21
                                    

Neri POV

Isinakay ako ni Seth sa kotse niya na nakaparke sa madilim na bahagi ng daan at hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa sobrang pagod at sa natamo kong latay sa aking likod.

Pakagising ko ay nasa isang puting kwarto na ako. Niligid ko ang paningin pero walang ibang tao, nag-iisa lang ako sa puting puti na kwarto. Pinilit kong umupo pero napangiwi ako sa sakit ng kumirot ang likod ko sa kaonting kilos na iyon. Napakapa ako at naramdaman ang mga bendang nakapalibot sa akin likod paikot sa aking bewang at balikat.

Bumukas ang pinto para lamang pumasok ang isang babae na pagkakita na gising ako ay sinimangutan ako kaagad. Kilala ko siya. Gaya ng dati ay hindi nabago ang pakitungo niya sa akin. Napangiti ako 'di dahil sa babae pero dahil pamilyar ang babae at alam kong nagtagumpay si Seth na iligtas ako.

"Inumin mo ito para hindi mo maramdaman ang hapdi." Mataray na anito sabay abot sa akin ng gamot at tubig. Inalalayan niya akong makaupo at makainom ng gamot na pasalamat ko naman ay may pag-iingat sa kilos niya sa pag-alalay sa akin.

"Nasaan si Seth?" Tanong ko sa dalaga na ikinaikot ng itim ng mata niya sa akin. Sasagot na sana siya ng muling bumukas ang pinto at sumilip doon ang isang pares ng mata na kagaya na kagaya kay Seth. Itim na itim na malamlam na mata na kung tumitig ay animo'y nakakahipnotismo.

"Gising na siya ate Lisa?!" Anito habang nakasilip. Lumaki ang mata nito ng makita akong nakaupo at gising na. Mabilis na pumasok siya ng pinto at may umikit na matamis na ngiti sa labi niya.

"Gising na siya!" Masiglang ani Mira pagkatapos ay mas ngumiti siya ng ubod tamis sa akin.

"Mira, diba sabi ko sa'yo humiga ka lang at magpahinga! Sabi ko huwag kang kilos ng kilos, hindi pa ganoon kagaling ang opera mo!" Pagalit na ani Lisa sa bata na ikinanguso lang nito pero nilagpsan niya si Lisa at umupo siya sa tabi ko.

"Hello po ate Neri! Ako po si Mira." Aniya sabay usog niya patabi sa akin at ngiti na kagayang kagaya ng ngiti ni Seth.

Gosh! This kid is just so cute!

"Hi Mira! Nice to meet you." Nakangiting aniko sa bata. She gave me the lopsided grin that looks exactly like Seth's. Tumikhim si Lisa na nagpalingon sa amin ni Mira.

"Kukuha lang ako ng bagong benda para sa sugat mo. Mira! Tara na, kailangan mo ng humiga." Mataray na ani Lisa, napanguso si Mira pagkatapos ay nahiga sya sa tabi ko.

"Ate Lisa, dito na lang po muna ako hihiga sa tabi ni ate Neri. Ayos lang diba po, ate Neri?" Anito na ikinatango ko.

"Oo naman. Kasya naman tayo sa kama." Nakangiting sagot ko. Napasimangot muli si Lisa at tumalikod na para lumabas.

"Kilala po kita. Napanood na kita dati sa tv." Pabulong na Aniya sa akin na ikinangiti kong muli ng malapad.

"Talaga? Movie o guesting?" Ganting bulong ko sa kanya.

"Ah, sa noontime po. Kumanta ka doon at ang ganda ganda ng boses niyo!" Manghang ani pa din ni Mira na ikinangiti kong muli.

"Salamat Mira. Kamusta ka na? Masakit pa ba ang opera mo sa puso?" Aniko na ikinalaki ng mata ni Mira.

"Alam ninyo? Alam niyo na naoperahan ako? Siguro totoo nga! Totoo ang hula ko na girlfriend ka ni Papa! Hindi naman kasi iyon nag-uuwi ng babae dito sa apartment eh. Secret kasi daw itong lugar na ito at kung dinala ka niya dito siguro nga ay espesyal ka! Ikaw pa nga lang ang babae na sinama niya dahil kahit sila tita Blessa at Nana Luding ay ayaw niyang ipaalam itong lugar na ito kaya hindi nila ako madalaw tapos si Ate Lisa naman, siya ang nurse ko kaya hindi siya counted!" Ani Mira na ikinatawa ko ng mahina pero napatigil din ako ng sumirit ang sakit sa likod ko.

Sinner Seth (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin