23 First

12.1K 417 25
                                    

Neri POV

"Kamusta?! Anong trabaho ang pinasok mo?" Bungad ko pagkatapos kong mabilis na buksan ang pinto sa nagulat na si Seth.

"Bakit ba nanggugulat ka?! Ano bang ginagawa mo dyan sa may pinto?!" Ani ng binata habang hapong hapo siyang pumasok ng bahay.

"I waited for you." Sagot ko kanya sabay sunod sa binata habang naupo ito sa kahoy na sofa at itinaas ang paa sa lamesita. Sumandal ito sa dingding at halata ang pagod niya sa mukha at pawisang katawan.

"Saan ka ba nagpunta?" Aniko habang tumatabi sa binata.

"Sa palengke. Nagbuhat ako doon para may pambili tayo ng ulam." Ani Seth sabay turo sa supot na nilapag niya sa lamesita. Mabilis na binuklat ko iyon at nakitang may manok doon at mga gulay.

"Marunong ka bang magluto?" Aniya na ikinangiti ko sa binata.

"Medyo. Nagluto na ako dati noong nagfeeding program kami sa mga bata. Try ko iluto itong dala mo. Ano bang gusto mong luto?" Aniko sa kanya.

"Kaya mo bang ichopseuy 'yan? Paborito ko iyon eh." Ani Seth na mabilis kong ikinatango.

"Para sa'yo, susubukan ko." Buong kompyansa kong sagot sabay tayo at kuha ng plastic ng manok at gulay. Napatawa ng mahina si Seth kaya tinapunan ko din siya ng magiliw na ngiti.

Paano nga ba ang pagluluto non?!

Basta ko na lang hinihiwa ang gulay ng may sumulpot na kamay sa magkabilang tagiliran ko. Si Seth iyon na sa sobrang konsentrasyon ko sa paghihiwa ay hindi ko namalayang nakalapit na pala.

"Ayusin mo ang hiwa. Dapat pantay pantay para walang hilaw kapag naluto. Ganito." Ani ng binata sa likod ko at ang pagkakalapat ng likod ko sa dibdib nya at ang paghawak niya sa kamay ko na may hawak ng kutsilyo ay halos magpalambot na ng tuhod ko. Hindi ko na nga napagtuunan ang gulay na sabay naming hinihiwa at tanging ang nasa isip ko ay kung bakit ang bango pa din ng binata at bakit ansarap na pumaloob sa bisig niya. Para na rin kasi niya akong niyayakap sa ginagawa nito.

"Seth..." napaungol na tawag ko na ikinatigil ni Seth sa paghiwa ng gulay. Hindi ko alam kung ako ang mas dumikit o siya, basta namalayan ko na lang na halos wala ng pagitan sa amin at nakikiliti ako sa pagbuga ng hininga ni Seth sa bandang tenga ko.

Pero bago pa ako tuluyang sumandal ay mabilis na lumayo ang binata na animoy napaso sa bilis ng inilalayo niya.

"Bilisan mo dyan. Gutom na ako." Pasupladong anito at halata ang pagkapaos ng boses niya ng sabihin niya iyon. Napakagat labi ako, alam kong apektado din ang binata kahit pa anong pagpipigil niya. Ramdam niya lahat ng nararamdaman ko at hindi ako nag-iisa na nakakaramdam ng init. Nangingiting itinuloy ko na lang ang paghiwa ng gulay.

Pagkatapos namin kumain ay tumabi ako sa binata habang naninigarilyo siya sa labas. Naupo ako sa tabi ng binata na nakaupo sa kawayan na upuan sa ilalim ng puno ng mangga.

"Aalis ka ba ulit bukas?" Tanong ko sa binata na nakatanaw lang sa kagubatang nababalot ng kadiliman.

"Oo. Kailangan ko kumayod para magkapera." Direktang sagot niya na hindi man lang ako nilingon. Bumuga siya ng usok at ewan ko pero napasunod ang mata ko sa labi niyang mapupula kahit na bumubuga siya ng usok doon.

"Para saan?" Tanong kong muli.

"May ginagastusan ako." Walang emosyong sagot niya.

"Ano?" Anikong muli na ikinabuntong hininga na ng binata at nilingon niya ako.

"Wala ka na 'dun." Supladong sagot niya na ikinaingos ng nguso ko. Hanggang ngayon kasi ay napakamalihim pa din ng binata. Wala man lang akong malaman na kahit ano tungkol sa kanya at iyon ang ikinaiinis ko dahil gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman ang mga bagay na tungkol sa kanya pero wala. Wala akong makuha na kahit ano bukod sa baka may asawa't anak na siya at wala na siyang ibang nabubuhay na kamag-anak.

Binalot muli ng katahimikan ang paligid dahil hindi na ako muling umimik. Hinyaan ko lang na matapos ng binata ang hinihithit niyang sigarilyo. Naiinip na napaligid ako sa masukal na kagubatan. Napakatahimik at tanging kuliglig lang ang gumagawa ng ingay sa paligid.

Bigla akong humimig ng kanta na nasa isip ko. Pagkatapos ay hinayaang manulay ang liriko sa labi ko habang malambing at malamyos na kinakanta iyon.

🎵Marami na akong nahalikan
Marami pang labing matitikman
Kay rami nang napusuan
Di na mabilang kung ilan
Ngunit ganoon pa ma'y ikaw pa rin

Napatingin ako kay Seth na titig na titig sa akin  kaya kinanta ko iyon na nakatingin din sa binata. Bumaba ang tingin ng binata sa labi ko habang kinakanta ang bawat kataga ng kanta.

🎵Ikaw pa rin ang s'yang pangarap ko
Di ko man lang alam pangalan mo
Ako'y iyong nginitian at magmula noon
Ang laging nasa isip ko'y
Ikaw pa rin...

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin ng bigla akong lumapit sa binata at pinaikot ko ang kamay ko batok niya sabay hatak sa kanya palapit sa akin. Hindi naman ito nagprotesta ng magkadikit ang aming katawan, ito pa ang dumukwang para mas lumapit ang mukha niya sa akin na animoy naakit na ng tuluyan.

Pababa ng pababa ang mukha ng binata habang titig na titig siya sa labi kong naghihintay. Pero napakunot ang noo ko ng bigla nanaman itong lumayo na animo'y nagpipigil kahit alam kong gusto niya din. Ako na mismo ang humatak ng batok niya para maglapat ang aming mga labi. Napapikit ako ng mariin ng tuluyan ng mawala ang espasyo ng aming mga labi. At sa pagkakataong ito alam kong hindi na ako assumera at talagang halik na ito. Totoo na ito. I am kissing Seth and it's exhilirating.

Sabay pa kaming napaungol ng mahina ng maghinang ang aming mga labi. Nung una'y animoy padampi dampi lang ang halik ni Seth na kalaunan ay naging mas agresibo at puno ng pagkauhaw hanggang sa namalayan ko na lang na sinasagot ko din bawat galugad ng labi ng binata at nakipagsabayan.


And Goddammit! Napakasarap humalik ng binata na nagpapainit lalo sa katawan ko. At ng pakiramdam ko ay mapupugto na ang paghinga ko ay mabilis din humiwalay ang labi ng binata sa akin. Pareho kaming hinihingal at parehong may pagnanasang nakatingin sa isa't isa. Pero unang nagbawi si Seth ng tingin at napatayo.

"Putangina! Hindi dapat nangyari iyon!" Anito na animoy mas sinasabihan ang sarili kesa sa akin. Halata ang pagkataranta sa paghimalos ni Seth ng mukha niya.

"Seth..." tawag ko sa binata na animoy nagkokontrol ng sarili habang hinahagod niya ang buhok niya at naglalakad paroon at parito.

"Seth!" Mas malakas ng tawag ko sa kanya. Huminto ang binata sa paglalakad at tumingin ng deretso sa akin at halos manginig ang katawan ko sa talim ng ipinupukol niyang tingin. The spell is broken and he now back to his cold self.

"Layuan mo ako Neri! Hindi na dapat ito maulit!" Anito at walang paalam na iniwan niya ako doon at naglakad siya palayo. Kung saan man siya pupunta ay ng ganitong oras ay hindi ko na alam.

Hindi ko namalayang may luha na palang tumulo sa mata ko. Naramdaman ko lang na tumulo iyon sa pisngi ko kaya mabilis ko iyon pinunasan.

Ang sama niya talaga!

Bakit ko ba kasi ginawa iyon?!

Ang tanga mo Neri! Baka kasi pagmamay-ari na ng iba iyang inaakit mo!

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now