33 Ambush

10.5K 371 36
                                    

Neri POV

"Neri, may bisita ka!" Bungad sa akin ni daddy pagkababa ko ng hagdan. Napakunot ang noo ko kay daddy. Wala kasi akong ine-expect na bisita. Ngumiti naman sa akin ng malapad si daddy. It's been four months since the ransom inccident at ngayon lang ako nagsisimulang muli. Ngayon lang ako bumabawi at lumalabas labas ng kwarto ko. Daddy tried everything to make me feel like my old self again but I know I will never be the same again. I felt something is missing in me but I choose to ignore it. Thrice a week din ang therapy ko but somehow it was just a waste of money dahil kahit na ano-ano pa ang ipagawa sa akin ng therapist ko ay si Seth pa din ang laman ng puso ko. I still love him but I also hate him. Pupwede pala ang ganon. But what time taught me is to go on with my life and be tough.

"Hi Neri! Natatandaan mo pa ba ako?" Ani ng boses na nagpalingon sa akin sa may sala. Nakita ko ang matangkad na binata na nakangiti sa akin. Siya iyong nakilala ko noon sa Cervantes foundation at siya iyong kasama ni daddy ng bawiin nila ako kay Seth.

"Oo naman. Grego right?" Aniko na mas ikinalapad ng ngiti ng binata. Nahawa tuloy ako at napangiti na din.

"Yeah, buti naaalala mo pa ako. Okay ka na ba? May maitutulong pa ba ako sa'yo?" Magiliw na anito na ikinangiti kong muli sa binata.

"Ayos lang ako." Aniko ng mapalingon ako kay daddy na may mas malapad na ngiti kesa sa amin. Kumindat siya sa akin sabay nguso kay Grego kaya nahihiyang pinanlakihan ko ng mata si daddy na obvious naman na tinutulak ako sa binata.

"You two must be hungry. Sandali at ipagpapagawa ko kayo kay Manang Brenda ng meryenda. Doon muna kayo sa veranda." Ani ni daddy at halata ang excitement sa boses niya na gusto kong ikutan ng eyeballs ko pero pinigil ko dahil nakatingin sa akin si Grego. Mabilis na naglakad si daddy patungo sa kusina kaya napalingon ako kay Grego na nakatingin lang din sa akin.

"Uh.... let's go?" Nag aalinlangan aya ko sa binata. Ngumiti siya bago tumango at sabay na kaming naglakad papunta sa veranda.

"Kamusta ka na?" Ani ni Grego ng makaupo na kami sa veranda.

"Okay naman. I'm surviving." Tipid ang ngiti na sagot ko sa kanya.

"Your dad said you didnt tell the police the kidnapper's name and the composite sketch is useless too, why?" Ani Grego, halata ang kuryosidad nito na nagpabuntong hininga sa akin.

"Niligtas ako ng lalaking iyon kahit na pina-ransom niya ako. Wala ako dito kung hindi dahil sa kanya. Naikwento ko na din kay daddy na siya ang sumagip sa akin sa Laguna kung saan dapat ay napahamak na ako. Pera lang ang habol niya at alam kong hindi niya gusto na mapahamak ako at isa pa, nakakulong na din naman si Rodrigo." Mahabang pahayag ko na sandaling ikinatitig ni Grego sa akin.

"Hindi ba sinabi ng daddy mo sa'yo? Patay na si Rodrigo. Nasaksak siya sa riot sa kulungan noong isang linggo." Balita ni Grego na ikinasinghap ko.

"Oh my! He's dead?!" Gulat na aniko na ikinatango ni Grego. Kahit na alam kong si Rodrigo ang may pakana ng lahat ng ito ay nagulat pa rin akong malamang patay na ang binata. I didnt wish for his death. Gusto ko lang makulong siya at pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin.

"Ang sabi ng daddy mo ay ang lalaking kumidnap sa'yo ang nagsabi ng detalye kung saan-saan kuta nagtatago si Rodrigo kaya siya nadakip. Ano pa ba ang sinabi ng lalaking iyon sa'yo Neri? Sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo." Ani Grego na ikinatitig ko sa kanya. Halata naman ang pagbawi nito ng tingin.

"Bakit mo naman gustong malaman?!" Nagtatakang aniko.

"Neri, kagaya ng daddy mo, gusto ko lang na siguraduhing ligtas ka." Ani ng binata sa akin at kahit papaano ay may haplos iyon sa puso ko. Ngumiti ako kay Grego.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now