14 Paghihiwalay

11.1K 401 14
                                    

Neri POV

Nakakita din kaagad kami ni Seth ng tindahan pero dahil lowbat ang cellphone ni Seth ay nakicharge muna kami sa tindahan, nagpaunlak naman ang matandang lalaking may-ari ng tindahan. Pero marahil ay nagtataka siya kung bakit wala akong shorts at si Seth naman ay nakamedyas lang na putikan. Pinasadahan kasi muna niya kami ng tingin bago siya pumasok ng bahay niya para icharge ang cellphone ni Seth.

Ang weird siguro naming tignan!

Kinagat ko ang labi ko para hindi bumunghalit ng tawa sa kakaibang itsura namin ni Seth.

"Anong nakakatawa?!" Ani Seth pero nakatingin siya sa loob ng tindahan ng tignan ko siya. Mahina akong napatawa muli.

"Ang wirdo siguro nating tignan Seth! Nakita mo ba iyong tingin sa atin nung may-ari ng tindahan?! Ako walang shorts, ang dumi na ng damit ko at suot ko ang malaking sapatos mo tapos ikaw sira sira ang damit mo at nakamedyas ka lang!" Aniko sabay malakas na akong natawa. Nakita ko ang ngiting sumilay din sa labi ni Seth.

"Ang wirdo nga natin tignan!" Pagsang-ayon niya na ikinalakas ng tawa ko hanggang sa malakas na ding nagtatawa si Seth. His laughter sounded so good in my ears that I felt like something warm touches my heart. I realized I like seeing him laugh, his eyes doesnt look intimidating when he laughs like this, his feautres soften even more and he looks like a boy next door kind of guy. Ang gwapo niya lalo kapag tumatawa siya.

Tumigil lang sa pagtawa si Seth ng dumating na 'yung matandang lalaki na may-ari ng tindahan.

"Hijo, medyo matagal pa yata ang pagcharge ng cellphone mo. Pasira-sira kasi ang charger ni Misis." Ani ng may-ari ng tindahan na bahagyang ikinangiti ni Seth.

"Ayos lang po Manong, laking tulong na nga po na makapagcharge po kami ng cellphone." Magiliw na sagot ni Seth. Halata sa binata ang likas nitong pagkamagalang. Ano kaya ang nangyari sa binata para lumihis ng landas at napunta sa kasamaan?

"Hindi naman sa nakikielam ako ha, napaano ba kayo?" Ani ng may-ari ng tindahan na animoy hindi na nakatiis, narinig ko ang hindi mapigil na muling tawa ni Seth. Nakagat kong muli ang labi ko sa pagpipigil namang tumawa muli.

"Namundok po kasi kami Manong, kaso naligaw ho kami. Nawala din po ang ilang gamit namin." Imbento ni Seth at gusto kong palakpakan siya sa galing niyang umimbento ng kwento.

"Ganoon ba hijo?! Abay kalunos lunos naman pala ang dinanas ninyo. Teka, may gamit dito ang asawa ko na hindi naman niya kailangan, ipasuot mo muna sa kasintahan mo." Ani ng matanda na sanhi para magkatinginan kami ni Seth. Pinamulahan si Seth pero mabilis din syang nagbawi ng tingin sa akin.

"Maraming salamat po kung ganon Manong, kailangan po talaga ng girlfriend ko ng shorts." Sagot ni Seth sa matanda. Napasinghap ako sa naging sagot niya at pakiramdam ko sinipa niya ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kinakabog ng puso ko.

Shìt! Ang galing niya talagang umimbento ha?! Girlfriend?! Really?!

Pero ayos na din kung magkakaroon naman ako ng shorts, kaya nanahimik na lang ako. Pinapasok kami ni Manong sa maliit na bahay nila. Kahit ang asawa nito ay mabait na binati kami. Bingyan niya ako ng shorts na sigurado kong kasya naman sa akin, inabutan din niya ako ng bagong t-shirt na sakto ang sukat sa akin at pati tsinelas pinahiram ng matandang babae sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila at madiing inakap ang mabait na mag-asawa.

Lumabas si Seth suot ang isang puting t-shirt na maliit yata sa kanya ng isang size dahil nmumutok ang mga muscles niya sa braso at hapit sa six pack abs niya ang suot niya. Ayos na din iyon kesa sa sira sira niyang damit kanina na pasilip silip naman ang abs niya.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now