6 Tuso

11.3K 396 16
                                    

Neri POV

Hindi ko sigurado.

Hindi ko alam kung magiging epektibo ang naisip kong pamamaraan pero hindi ako tutunganga na lang at maghihintay na magahasa. Ito na lang ang tangi kong magagawang paraan para makatakas at sana magtagumpay ako sa plano kong ito. Kailangan kong galingan at higit sa lahat para maging matagumpay ang plano ko ay...

Kailangan ko si Seth.

Ang nasisiguro ko ay hindi talaga ako tutulungan ni Seth kahit anong pagmamakaawa ko kaya kailangan ko siyang gipitin. Alam kong sa huli ay gagawin niya ang tama. Ramdam ko iyon.

Masakit ang gagawin ko pero kailangan kong tiisin ang sakit kung gusto kong maging kapanipaniwala. Kung hindi ko pa ito gagawin ay alam kong mas malala ang kahihinatnan ko mamaya.

Huminga muna ako ng malalim bago madiing ipinikit ang aking mata. Bumwelo ng kaunti pagkatapos ay malakas na inuntog ko ang noo ko sa balustre ng kama. Sa lakas ng impact ay napaurong ako at umikot ang aking paningin sa pagkahilo. Napaupo ako sa sahig at pilit pinilig ang ulo ko para mawala ang pag-ikot ng aking paningin.

Ah! Ang sakit pala!

Napapapikit ako sa sakit at sigurado akong malaking bukol ang magiging resulta ng ginawa ko sa aking noo. Ng makabawi ako sa pagkahilo ay pumunta ako sa salamin sa banyo at tama nga ako dahil nagsisimula ng bumukol ang noo kong namumula. Kinuha ko ang salamin at pagkatapos ay binasag iyon sa pamamagitan ng pagbitaw. Nagkapira-piraso iyon sa sahig. Pumili ako ng matalim na bahagi. Ginamit ko iyon para sugatan ng bahagya ang labi ko. Napangiwi ako sa hapdi pero tiniis ko iyon. Tamang tama ang hiwang nagawa ko sa aking ibabang labi. Ngsimula na iyong mamaga at maglabas ng dugo. Ikinalat ko iyon sa aking baba at paligid ng bibig.

Pagkatapos ay dumeretso na ako sa kama. Naupo ako sa bandang gitna at pagkatapos ay nililis ko ang puting t-shirt ko. Mula sa hita ko ay gumawa ako ng maliliit na hiwa, tig-kabila ng hita ko. Napangiwi ako sa sakit pero nagtagumpay akong paduguin iyon. Dumaloy ang dugo sa kama na hinayaan ko lang, piniga ko pa iyon para mas dumami ang paglabas ng dugo. Pagkatapos ay ginulo ko ang buhok ko hanggang sa magkabuhol buhol iyon.

Ng makita kong sapat na ang dugo sa kama ay tumayo ako kahit makirot ay hinayaan kong dumaloy ang dugo sa aking hita. Sa unang tingin talaga ay mapagkakamalan talagang inabuso ako. Tagumpay ako sa itsura kong ginahasa at pinagsamantalahan.

Nakatayo ako sa tabi ng kama at hinintay na pumasok ang binatang alam kong ganitong oras pumupunta para dalhin ang aking hapunan.

Hinanda ko ang sarili ko ng umikot na ang saradula ng pinto. Eksaktong eksakto sa tyempo ko na alam kong dadating siya.

Pumasok doon ang binata at ng mapadako ang tingin niya sa akin napatigil siya sa paghakbang at natulala siya sa akin.

"Anong.... anong nangyari sa'yo Neri?!" Halata ang gulat niya sa naging itsura ko. Napangiti ako pero nauwi iyon sa pagngiwi dahil sa sakit sa hiwang ginawa ko sa aking labi.

"Tangna! Sinong tarantadong nakapasok dito?!" Galit niyang turing. Binitawan niya ang tray sanhi para magkabasag basag ang plato na laman noon sa sahig pero animoy hindi na iyon importante ng mabilis na humugot ang binata ng baril niya sa likod niya. Nanlaki ang mata ko ng ikasa niya iyon. Lalapit na sana siya pero tumigil siya sa kalagitnaan. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Nauwi iyon sa pagtitig sa akin at madilim ang kanyang awra.

"Sino Neri?!" Galit na galit niyang tanong ng nalingunan niya ang gitna ng kama na may mansta ng dugo ko. Alam kong handa na siyang pumatay sa talim ng tingin na ipinupukol niya doon at nakakatakot ang itsura niya na sandaling nagpaumid ng dila ko. Walang lumabas na salita kahit gusto kong magsalita.

Ng wala siyang makuhang sagot sa akin ay mabilis siyang tumalikod para lumabas kaya natauhang tinawag ko siya para tumigil.

"Seth! Ako! Ako ang may gawa nito!" Aniko sa kanya na ikinatigil niya sa paglabas ng pinto. Mabilis niya akong hinarap.

"Ano?!" Naguguluhang aniya.

"Ang sabi ko, ako ang may gawa nito Seth!" Sagot kong muli sa kanya. Nangunot ang noo niya sa akin. Halatang naguluhan siya sa naging sagot ko.

"Kailangan mo akong tulungan Seth! Kailangan mo akong tulungang makatakas dahil ikaw ang ididiin ko! Sasabihin kong ginahasa mo ako." Aniko sa lalaki. Dumilim ang itsura ng mukha niya ng mapagtanto niya na pine-frame up ko siya.

"Alam kong ang pagkabirhen ko ang gusto ng herodes na nag-utos sa inyo na kidnapin ako! Ano sa tingin mo ang gagawin niya kung sinabi kong inunahan mo siya? Hayan... ang ebidensya ko sa kama!" Aniko sabay lahad sa kama. Alam kong epektibo iyon dahil kahit si Seth ay nalinlang ko pagkapasok niya.

"Save yourself too Seth! Kung gusto mo pang mabuhay ay kailangan mo na akong tulungan bago pa siya dumating! Kailangan na nating bilisan!" Muling aniko sa binata.

"Tsk... Hindi ko inakalang tuso ka din pala!" Aniya habang my naglalarong ngisi sa labi niya. Ngayon ko lang nakita ang reaksyon niyang ito at pakiramdam ko mas lalo akong kinabahan sa naging itsura niya. Isa lang salita ang isinisigaw ng utak ko ng paulit ulit sa itsura ng binatang iyon.

Danger.
Danger.
Danger.

"A-ano?! T-tutulungan mo ba ako o hindi?!" Nagtatapang tapangan kong tanong kahit na tumindi ang kaba ko sa madilim na itsura ng binata.

"Hindi." Matigas niyang sagot na nagpasinghap sa akin. Laglag ang panga ko sa sagot niya habang may ngisi naman ang binata sa labi niya.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. Nagtatapang tapangan ako kahit nangangatog na ang binti ko sa takot. Ipagpapatuloy ko ito kahit na anong mangyari.

"Sige! Hintayin natin ang mangyayari m-mamaya.... Bukod sa sikat akong singer, nag umpisa din ako bilang aktres Seth. I can act and I will give my biggest performance later! Tignan naten kung sino ang paniniwalaan ng boss mo mamaya! Ako na mukhang ginamitan ng dahas at ginahasa ang itsura.... o ikaw!" Aniko sa lalaki. Napailing iling siya at may mahinang tawa akong narinig mula sa lalaki. Tawa na may hatid na kilabot sa akin. Para bang sinasampal ako ng tawa na iyon na nagkamali ako ng lalaking pinagbabantaan.

"Halika na sa banyo, linisin na natin iyang sugat mo bago pa siya dumating." Anito habang ipinapasok muli ang baril niya sa pagkakasukbit sa bewang niya. Lumapit siya sa akin at ng halos isang dipa na lang ang layo niya ay ginawa ko na ang plan B ko.

Alam kong mahirap mapapayag ang binata kaya meron pa akong isa pang naisip para mapapayag na ito. Sapilitan pero ito ang tanging paraan ko para makaligtas. Sana lang hindi pa ito ang katapusan ko.

Bumwelo akong muli at malakas na tumili. Tili na makabasag eardrums sa lakas. Tili na kayang kaya kong gawin dahil mataas ang tono ng boses ko.

"Neri! Ano bang..." nalilitong anito sa akin pero muli akong sumigaw at ngayon ay may kasamang pagdadrama.

Damn! Pwede kong ikapanalo sa Famas ang galing ng ginagawa kong pag-arte!

"Tulong! Tulungan niyo ako! Huwag Seth! Itigil mo ito Seth! Tulong! Nire-rape ako ni Seth!" Malakas na sigaw ko sabay muling tili na halos ikapaos ko sa lakas.

Nakarining ako ng mga yabag ng mga nagtatakbuhang lalaki. Habang si Seth naman ay muling hinugot ang baril niyang isinukbit niya kanina sa bewang niya. Naging alerto ang kilos niya ng harapin namin ang pinto.

"Putangina! Napakatuso mo Neri!" Aniya habang inihahanda niya ang sarili niyang sumabak sa gyera.

Oo para sa kalayaan ko, gagawin ko ang lahat! At ang i-frame up siya ay ang tanging paraang naisip ko para makalaya.

Sinner Seth (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt