17 Totoo?

11.5K 386 16
                                    

Neri POV

Mabilis ang mga naging kilos ni Seth ng maramdaman niyang kaya ko ng magpatuloy. Kinuha niya ang susi at binuksan ang backseat ng kotse. Binato niya doon ang ilang baril na nagkalat sa paligid, kinuha din niya ang cellphone ni Horio at binato sa backseat pagkatapos ay kinuha niya ang baril ni Horio at isinuksok sa bewang niya.

"Tara na Neri! Sakay na!" Ani Seth sabay sakay niya ng driver's seat ng kotse.

"Tangna! Ano pa bang hinihintay mo?! Gusto mo bitbitin pa kita?!" Sarkastikong aniya sakin na nagpagising sa akin mula sa pagkatulala ko sa takot. Sa nangangatog na tuhod ay pinilit kong sumakay sa passenger seat. Mabilis na pinaharurot ni Seth ang kotse hanggang sa hindi ko na matanaw sa side mirror ang mga bangkay na iniwan namin sa daan.

"Neri, bakit naman sila Horio ang sumundo sa'yo?!" Pagalit na ani Seth.

"Hindi ko din alam Seth! Si daddy ang tinawagan ko! Si daddy ang nakausap ko! Hindi ko alam bakit sila ang nagpunta!" Maiyak iyak na sagot ko kay Seth na ikinamura nito.

"Isa lang ang ibig sabihin nyan! Tinatraydor ang tatay mo ng mga tauhan niya at wala siyang kaalam alam! Hindi ko akalaing ganito na kalawig ang kapangyarihan ni Rodrigo na pati pulisya ay hawak na niya! Putangina! Sinubo mo ako sa gulo, Neri! Wala akong panahon para sa ganito!" Aniya habang gigil na gigil sa manibelang hawak niya.

"Hindi ko sinabing balikan mo ako!" Pagalit ding sagot ko na ikanaumid ni Seth sa pagsasalita. Marahil naisip din niyang siya din mismo ang nagpasok sa sarili niya sa gulo. Pagkukusa niya na iligtas ako.

Pareho kaming natahimik at alam kong pareho din kaming nag-iisip sa sasusunod naming pwedeng gawin.

"Masakit ba ang leeg mo?" Mahinahon ng ani ni Seth na ikinahawak ko sa leeg ko at doon ko lang naramdaman na may pagkalabog at masakit ang parteng iyon ng ulo ko, napatingin ako sa rear view mirror ng kotse. Mapulang mapula pala ang leeg at baba ko na sinakal kanina ni Eton.

"Ayos lang. Hindi naman ganoon kasakit." Sagot ko na iknatango ni Seth.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin Seth. I cant thank you enough and..." aniko pero pumalatak agad ang binata na ikinatigil ko sa sasabihin ko pa. Halatang ayaw niya sa mga sinasabi kong pasasalamat.

"Tigilan mo na nga iyang kaka-thank you mo sa akin! Hindi ko nga alam bakit niligtas pa kita dapat umalis na lang ako!" Pabalyang anito.

Napatitig ako kay Seth. Hindi ko talaga mabasa ang iniisip ng lalaki. Napakagulo niya. Sa isang banda...nag-aalala siya sa kalagayan ko at lagi niya akong sinasagip pero sa isang banda ay kaya niya akong isakripisyo at ibalewala. Kanina lang ay sinabi niya kay Horio na wala siyang pakielam kung mabaril man ako ng lalaki. Hindi ko tuloy maintindihan kung pwede kong pagkatiwalaan ang binata o hindi. Pero sa sitwasyon ko naman ngayon ay no choice din ako. Si Seth kaya? Alam ko no choice din siya kaya niya ako tinulungan makatakas noon pero bakit pa niya ako binalikan kanina? Bakit pa niya ako sinagip? Kung tutuusin ay wala na siyang pananagutan sa akin. Makakapagtago na siya, makalalayo.

O baka naman may balak talaga ang binata na ibalik ako sa boss niya?! Tototohanin ba niya ang sinabi niya kaya niya ako binalikan?! Sa mga oras na ito... saan ba kami papunta?! Ano ba si Seth?! Isang kaaway o kakampi?!

Kinabahan ako sa tinatakbo ng isip ko kaya napatitig ako sa lalaki. Gusto kong malaman kung anong klase ba ng tao ang isang Seth, pero kahit anong pagmamasid ko sa mukha niya ay hindi ko talaga makapa ang matakot sa kanya. Wari'y naramdaman naman niya ang pagtitig ko ng kumunot ang noo niya kahit deretso lang sa kalsada ang tingin niya. Base sa mga kilos nito ay talagang napakaalerto ng reflexes ng binata.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now