27 Fool enough

13.9K 443 39
                                    

Neri POV

🎶The hardest thing I've ever done
Is keep believing
There's someone in this crazy world for me

The way that people come and go
Through temporary lives
My chance could come and I might never know

I used to say, no promises
Let's keep it simple
But freedom only helps you say goodbye

It took a while for me to learn
That nothin' comes for free
The price I've paid is high enough for me

I know I need to be in love
I know I've wasted too much time
I know I ask perfection of a quite imperfect world
And fool enough to think that's what I'll find...🎶

Malakas na kanta ko habang sinusuklay suklay ni Seth ang buhok ko gamit ang kamay niya at nakaunan ako sa dibdib niya. Nakasandal naman si Seth sa pader at nakayakap ang isang kamay niya sa akin.

"Ang ganda pala talaga ng boses mo." Ani Seth na ikinataas ng tingin ko sa mukha niya.

"Na-turn on ka sa boses ko 'no?!" Aniko na ikinatawa nito ng mahina.

"Kaya pala ang sarap din sa tenga ng mga sigaw at ungol mo kanina eh." Aniya na ikinalaki ng mata ko kaya malakas na natampal ko ang dibdib niya na ikinatawa lang nito muli. Gumanti ang binata ng himas sa dibdib ko na ikinasinghap ko. Malakas na pinalis ko ang kamay niya.

"Hoy lalaki! Tama ka na ha! Ang sakit na kaya!" Reklamo ko sa kanya. Humirit pa kasi ang lalaki ng isa pa kaya dalawang beses ng may nangyari sa amin. Hindi ko naman siya mahindian at nagpaakit din ako. Ngayon nga ay tanging kumot lang ang nagtatago sa aming hubad na katawan. At ang paghimas niya ay alam kong mauuwi muli sa mainit na tagpo kung hindi ko siya aagapan na pigilan.

"Oo na. Bukas na lang ulit." Sagot nito ng nakangiti. Malakas na tinampal ko ang braso niya pero mukhang hindi naman niya iyon ininda.

"Sobra ka ha! Hindi pwede kasi masakit pa!" Aniko muli sa binata.

"Ikaw eh... pinatikim mo ako...hahanap hanapin ko.." sagot niya habang mabilis na pinapatakan ako ng halik sa labi.

"Ah! Sarap talaga ng Neri ko." Aniya sa pagitan ng magagaang na halik na nagpangiti na sa akin.

Ansarap kasing pakinggan sa tenga ng sinabi ng binata na "Neri ko".

Ibig bang sabihin kanya na ako? At siya? Akin na siya?!

Sa sobrang tuwa ko ay dinag-anan ko siya at lumalim pa ang paghahalikan namin. Humihingal kaming naghiwalay.

"Neri... kung ayaw mong ratsadahin ulit kita, bumaba ka na diyan. Galit na galit na ang alaga ko." Paos na ani ni Seth na ikinahagikgik ko na lang at muling humiga sa gilid niya.

"Nagugutom ako Seth..." deklara ko sa binata na ikinakamot niya ng ulo.

"Akala ko ang mayayaman kaunti lang kumain?" Anito na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"Ano?! Nakabase ba sa estado sa buhay kung malakas ang panunaw ng bituka mo?" Asik ko sa kanya na ikinatawa nito ng malakas.

Nagulat ako ng sapuhin niya ang magkabilang dibdib ko.

"Dito siguro napupunta. Anlaki naman kasi nito eh." Ani Seth sabay himas doon na muling nagpatigas sa tungki. Napakagat ako ng labi para pigilan ang ungol na muntik ng kumawala sa labi ko. Nagkatinginan kami ni Seth at alam kong tinatablan din ang binata sa maiinit na tingin nito sa akin.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now