20 HB

11.2K 383 25
                                    

Neri POV

Pagkapasok ko ng kwarto ay nakita ko ang malaking papag doon na may manipis na kutson. Napatingin ako sa cabinet at na-curious na buksan iyon. Napasilip ako sa kurtina at mukhang umalis na nga ang binata kaya dahan dahan kong binuksan ang cabinet.

Walang masyadong gamit na magsasabing may ibang nakatira sa bahay. Pero natagpuan ko ang isang kupas at lumang teddy bear na naroon kasama ang ilang pambatang damit. Meron ding pambabae na damit na ikinataas ng kilay ko. Meron ding damit na palagay ko ay kay Seth.

Kung ganoon ay meron na nga talaga itong anak at asawa?! Nasan kaya ang asawa at anak nya?

Bukod doon ay wala ng gamit doon na magsasabing may iba pang nakatira sa kubo na ito. Sinara ko na lang din ang cabinet at nahiga sa kama.

Nagising ako mula sa yugyog muli sa aking balikat. Muli ay nagmulat ako ng mata at nasalubong ang maamong mukha ni Seth. Madilim na din ang paligid at tanging ang ilaw ay ang kandilang hawak hawak ng lalaki.

"Napakaantukin mo! Tulog ka na lang ng tulog! Kakain na." Anito kaya napangabangon na ako.

"Nakatulog pala ako." Aniko sabay tayo na. Nauna ng lumabas ang binata kaya sumunod na lang ako sa kanya. Nakita kong itinatayo ni Seth ang kandila sa gitna ng lamesa. Nakahain na din ang lamesa at may tigkabilang plato. Napako ang tingin ko sa ulam.

"Ano 'yan?!" Aniko habang nakatingin sa ulam na nakahain.

"Daing at ginisang kangkong." Sagot ng binata.

"What?! Iyan ang ulam?! Pero mahal 'yung hikaw ko! Makakabili ka doon ng mas masarap na ulam." Reklamo ko na ikinapalatak ng binata.

"Hoy babae! 'Yang hikaw mo kulang pa sa pinambayad ko sa motel at mga gamit at damit na binili ko para sa'yo! Bumili din ako ng gamit natin dito sa bahay! Kung ayaw mo kumain edi maige! Mas marami akong ulam!" Pagalit na anito sabay naupo at hindi na niya ako pinansin habang sumasandok siya ng kanin. Nagmamaktol namang napaupo ako sa tapat niya.

"I dont eat kangkong, much more I dont eat dried fish!" Aniko sa kanya. I saw him sighed in frustration.

"Mag-umpisa ka na." Sagot nito habang sumusubo ng nakakamay.

Inangat ko ang daing at pinaglambitin iyon sa ere.

"This smells so damn bad!" Reklamo kong muli. Napailing iling si Seth sa akin.

"Masarap 'yan kahit mabaho." Sagot niya habang puno ang bibig niya ng pagkain. Umiirap din ang binata sa akin na ewan ko ba bakit ang cute niya sa ginagawa niyang iyon.

Ginaya ko na lang ang ginagawa ng binata at pikitmatang isinubo ang piraso ng daing na isinama ko sa kanin. And surprisingly, masarap naman pala kahit na sobrang alat.

"Sarap diba?" Ani Seth ng makitang sumubo akong muli. Tumango tango na lang ako bilang sagot.

"Lagyan natin ng kape ang kanin mo, mas masarap kapag ganito." Ani Seth sabay sinabawan niya ng kape ang kanin ko. Hinayaan ko lang siya at muling sumubo. Napangiti ako sa tamis ng kanin gawa ng kape na contrast sa alat ng daing.

"Masarap nga." Sagot ko kay Seth. Seth gave me a lopsided grin which I returned with a full smile. Mabilis na napayuko si Seth at ewan ko pero pakiramdam ko ayaw niya kapag nginingitian ko siya.

"Sabi sa'yo eh. Ngayon kainin mo naman itong kangkong." Ani Seth at gamit ang kamay niya ay nilagyan niya ng kangkong ang plato ko. Kinuha ko na lang iyon at sinubo. Masarap ang pagkakagisa non at malasa kaya napangiti akong muli kay Seth.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now