28 Neri ko

13.5K 409 36
                                    

Neri POV

"Seth... labas naman tayo..." ungot ko sa binata isang umaga habang nagwawalis siya ng bahay. Kumapit ako sa leeg niya at naglambitin. Oo ako na ang clingy habang ang binata naman ay hindi malambing. Ako na lang ang naglalambing sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?" Balik tanong ng binata at pinagpatuloy ang pagwawalis niya habang nakalambitin ako sa leeg niya. Gustong gusto ko talaga ang amoy niya at pakiramdam ko hindi ako magsasawa sa pag-amoy sa binata.

"Kahit saan... mag-date tayo." Aniko pa na ikinatawa ng mahina ng binata.

"Date? Dito sa bundok?! Saan naman tayo magde-date dito?!" Nagtatawang anito na ikinaingos ng nguso ko.

"Ikaw ang taga-dito. Dapat alam mo kung saan pwedeng pumunta." Reklamo kong muli at nagtatampong inalis ko ang kamay ko sa leeg niys. Lalakad na sana ako ng biglang hapitin ni Seth ang bewang ko at isaldak sa katawan niya.

"Napakatampuhin naman ng Neri ko. Oo na, gagala na tayo. Kaya lang medyo mahaba-habang lakarin ang pagpunta doon." Ani Seth na ikinaliwanang ng mukha ko at mabilis akong napatango. Ngumiti siya sa naging reaksyon ko at mabilis na pinatakan niya ako ng halik sa labi.

"Bihis ka na." Ani Seth na ang tinutukoy ay ang t-shirt niyang suot ko. Iyon na kasi lagi ang isinusuot ko dito sa bahay at underwear. Pagkatapos kasi ng gabing nagpaangkin ako sa binata ay halos gabi gabi na naming ginagawa iyon at minsan pa nga ay humihirit ang binata kahit tanghaling tapat.

Mabilis na napatakbo ako ng kwarto at excited na nagbihis. Halos isang linggo na din kami dito ni Seth sa kubo at masasabi kong ito na yata ang pinakamasayang kaganapan ng buhay ko.

"I'm all set!" Masayang sigaw ko kay Seth na ngumiti lang sa akin. Nilahad niya ang kamay niya para kapitan ko. At holding hands na naglakad kami.

"Saan tayo pupunta?" Excited na tanong ko sa binata.

"Sa paborito kong tambayan nung bata pa ako." Sagot ni Seth

"Saan ka ba tumatambay nung bata ka pa?" Curious na aniko na iknatawa lang ni Seth ng mahina. Piningot niya ang ilong ko at pagkatapos ay hinalikan.

"Malalaman mo din." Sagot ni Seth na nagpasimangot sa akin.

Naglalakad na kami ng may madaanang malaking gate at mataas na pader na may mga nakapalibot na guards.

"Sinong nakatira doon?" Usyoso ko na ang tinutukoy ay ang malaking gate na nadaanan namin na may nakalagay na Villa Quertero.

"Si Sir Eros at ang asawa niyang si Ma'am Keshia. Sila ang nagmamay-ari ng halos lahat ng kinabubuhay ng mga mamamayan dito. Pabrika, Koprahan, Maisan, Palayan, livestocks, alak, lahat na yata meron sila. Mayaman 'yan kaya ganyan nila gwardiyan ang balwarte nila. Ekta-ektarya ang lupain nila." Sagot ni Seth na ikinatango ko.

Halos twenty minutes din kaming naglalakad. Nakakapagod pero ng makita ko na ang pinagdalhan sa akin ni Seth ay parang napawi ang pagod ko.

Ito na yata ang pinakamagandang talon na nakita ko. Malakas na bumabagsak na tubig na puting puti habang may malalim na pwedeng paglanguyan na asul na asul sa linaw na tubig. Napapaligiran iyon ng mga naglalakihang mga bato, puno at halamang puro bulaklak. Mala paraiso ang lugar at talagang napakaganda.

"Ang ganda dito Seth!" Namamanghang aniko na ikinangiti ni Seth.

"Mas maganda ka." Anito na ikinatawa ko sa kanya sabay palo sa braso niya. Alam kong binobola lang naman niya ako para makaiskor. Ganon kasi siya ng mga nakaraang araw. Pupurihin niya ako ng pupurihin at mayamaya lang ay nasa kama na kami.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now