39 Oks lang

11K 403 66
                                    

Neri POV

Masama ang binato kong tingin kay daddy habang may kausap ito sa cellphone niya. Napapadalas kasi ang pagtelebabad nito at kakaiba ang mga kilos niya kapag nagri-ring na ang cellphone niya. Excited ito tuwing magri-ring ang cellphone niya sa bulsa na animoy laging may magandang balita siyang hinihintay. Lumalayo siya sa akin bago niya iyon sagutin at umiiwas ang mata nito na animoy may lihim. Napanguso ako ng mabilis na sumulyap sa akin si daddy at pagkatapos ay tumawa ng malakas na animoy tuwang tuwa sa kausap niya.

Buti pa si daddy mukhang lumalablayp! Samantalang ako, nganga!

Pero siguro, it's about time that Dad can find someone to share the rest of his life with. Kung mayroon man ay matutuwa ako para sa kanya.

Dalawang taon. Dalawang taon na kasi ang mabagal na lumipas simula noong ibalik ako ni Seth dito sa mansyon. Hindi ko na siya nakita pang muli.

Aaminin ko, naghabol pa din ako. Ganoon siguro talaga kapag mahal mo, magpapakatanga ka. Hinanap ko siya sa Antipolo. I even went to the apartment he rented pero hindi na pala sila doon nakatira. Kung saan man lumipat si Seth ay wala na akong alam.

Bumalik pa ako sa Quezon kung saan kami nagtago dati ng binata pero wala din doon sila Seth. Doon na ako nag-give up at pinaubaya ang lahat sa panahon. Na hanggang ngayon ay pinapaasa pa din ako sa wala.

Muli ko nanaman siyang naiisip at tuwing ganito ay nangungulila ang puso ko. Miss na miss ko na si Seth at gustong gusto ko na siyang makita. Maraming katanungan ang bumabagabag sa akin. Kung bakit hindi niya man lang ako dinadalaw o kahit kamustahin man lang? Kung hindi na ba niya ako mahal kaya hindi na siya nagpaparamdam?! O bakit kayang kaya niya akong tiisin ng ganito samantalang ako ay punong puno ng pangungulila sa kanya?! Masakit isipin ang mga iyon kaya habang tumatakbo ang panahon ay binaon ko ang sarili ko sa trabaho. I am now an in demand singer with a chart-topper songs.

Bumalik na sa hapag kainan si daddy at naroon pa rin ang matamis nitong ngiti sa labi.

"Sino iyon dad?" Mapaghinalang tanong ko sa kanya.

"Wala iyon. Isang kaibigan." Anito na ikinaingos ko.

"Kaibig-an?! Dont tell me, may girlfriend na kayo?!" aniko sa kanya na ikinatawa nito ng malakas.

"Hindi. Matanda na ako para diyan. Magpapaka-ama na lang ako sa'yo Neri at ikaw na lang ang mamahalin ko habang nabubuhay pa ako." Ani Daddy na ikinangiti ko ng matamis. Maluha luhang inakap ko siya. Na-touch ako sa pagbabago ni dad. Mas vocal na siya ngayon at laging sinasabihan niya ako na mahal na mahal niya ako.

"Mahal na mahal din kita daddy. Pero sino ba talaga ang lagi mong kausap na iyan?! Bakit ayaw mo sabihin sa akin?!" Pangungulit ko habang mahigpit siyang yakap. Malutong na tawa lang ang binigay nito sa akin at alam kong may lihim ito sa mga ningning ng mata nito. Pero naging mapanuri din ito ng tumingin siya sa akin.

"Dapat ikaw ang tinatanong ko niyan. Ano itong napabalita na may ka-date ka daw kagabi? Itong Arjo Singsiongco? Balita ko playboy iyon?! Bakit nali-link ang pangalan mo sa binatang iyon?!" Sunod sunod na tanong ni daddy na ikinakibit balikat ko. Napakamalisyoso talaga ng showbiz, kaibigan ko si Arjo, nagkita lang naman kami sa restaurant at dahil wala akong kasama na kumain ay inaya na niya ako sa lamesa niya dahil mag-isa lang din siya. Tumaas ang isang kilay ko kay dad

"At kelan ka pa nanood o nagbasa ng showbiz gossip dad?!" Aniko sa kanya. Dad averted his eyes.

"I have my resources." Sagot niya lang na ikinaingos ko. Marahil nakuhanan kami ng litrato ni Arjo na magkasama na naging headlines ng showbiz tabloids. At alam kong sinasabi nila na boyfriend ko na daw si Arjo.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now