35 Choices

10.6K 396 36
                                    

Neri POV

Bumukas ang pinto na ikinaalerto ko. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa sahig at hinanda ko ang sarili kong manlaban. Gaya ng dati ay handa akong lumaban hanggang sa ikamatay ko iyon.

Halos mangilabot ang buong katawan ko habang nakatingin sa malademonyong anyo ni Grego. Walang bakas ng pagkukubli ngayon ang mga mata nitong makikitaan ng kasamaan na dati ay madali nitong naitatago dahil sa gwapo niyang mukha at pagbabalatkayo.

"Pakawalan mo na ako Grego! Kahit anong gawin mo, hindi mo mapapabagsak ang ama ko! Kakampi niya ang batas at ikaw... mapaparusahan ka din, hindi man ngayon pero nasisigurado kong darating din iyon." Nagtatapang tapangan kong linya na mapang-insulto lang na tinawanan ni Grego. Isiniksik ko ang sarili ko sa pinaka-corner ng dingding ng mag-umpisa ng lumapit si Grego sa direksyon ko.

"Masyado kang matapang Neri, baka nakakalimutan mong nasa kamay ko ang buhay mo! Madali lang mapabagsak ang isang Juancho Erideo Cervantes. Isang daliri mo lang ang ipadala ko sa kanya, paniguradong maglulumuhod iyon sa akin para huwag ka lang patayin! Masisiyahan akong panuorin siyang magmakaawa para sa buhay mo! At patatagalin ko ang paghihirap niya dahil gusto ko siyang paglaruan hanggang sa bumigay siya at mabaliw!" Ani Grego na nagpanginig ng buong katawan ko sa takot. Ang mga mata nito ay nagsasabing kaya nitong gawin ang sinabi nito at mas lalo akong nangatog sa takot sa mga madilim na titig ng binata pero pilit kong hindi ipinapakita iyon sa kaharap.

"Juancho Cervantes is Juancho Cervantes, isa siyang kilalang mabuting tao at may silbi na mamamayan ng bansang ito, isang matapat na nagpapatupad ng batas at marami ang nakakakilala sa kanya na natulungan niya... at ikaw? Sino ka ba?! Isa ka lang walang pusong kriminal!" Sagot ko na lalong nagpagalit sa lalaki. Nanlisik ang mga mata niya. Mabilis siyang lumapit at malakas na hinablot ang batok ko para ilapit sa mukha niya. Nangilid ang luha ko sa sakit ng pagsabunot niya sa buhok ko at sa diin ng kamay niya sa batok ko na parang pinipigi niya iyon sa sobrang sakit.

"Makikilala ako dahil ako ang papatay sa inyong mag-ama! Pero sayang naman kung papatayin ko kayo agad, paglalaruan ko muna kayo bago ang lahat! And I'll start my fun with you!" Malademonyong anito habang mabilis siyang naglakad habang hablot niya ako. Napasunod na lang ako ng lakad sa binata. Malakas na initsa niya ako sa kama at halos mapugto ang hangin sa baga ko sa pagbagsak ko.

"Titikman ko muna ang isang Neri Cervantes. Tignan ko kung kasing sarap ka ng inaakala ko. Alam mong matagal na akong nanggigigil sa'yo unang kita ko pa lang sa'yo." Nagtatawang anito at napapilig ako ng ulo ng magsimulang magtanggal ng belt ang binata. Akmang aalis ako sa kama at magtatakbo ng biglang makaramdam ng hagupit ng belt sa aking likod.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Halos hindi ko na mabilang sa dami ng sunod sunod na paghataw niya sa likod ko. Na sa sobrang lakas ay napunit na ang damit ko at pakiramdam ko ay sinusunog ang pakiramdan ng buong likod ko sa sobrang hapdi ng latay ng belt na iyon. Ubod ng kirot na hindi ako nakakilos man lang.

Halos mamanhid at panawan na ako ng ulirat ng tumigil siya sa paghataw. Malademonyo siyang tumawa habang pinipilit kong huwag sumigaw sa sakit sa pamamagitan ng pagkagat ng mariin sa labi ko. Alam kong lalo siyang masisiyahan kapag sumigaw ako.

"Ano Neri?! Magmakaawa ka! Gusto kong marinig ang pag-iyak mo at pagmamakaawa!" Aniya at muling hinatawan ang likod ko. Impit akong napaigik sa sakit pero muli ay hindi ako sumigaw. Pilit kong nilulunok ang sakit ng ginagawa ng lalaki sa akin. Mukha namang alam niya na hindi ako basta basta susuko at susunod sa gusto niya ng ibato na niya ang belt niya.

"Subukan mo akong takbuhan at 'di lang iyan ang aabutin mo." Anito habang pinagpatuloy niya ang paghuhubad ng pantalon niya.

"Ngayon, tignan natin ang tapang mo pagkatapos kong gawing parausan ang maganda mong katawan. Humanda ka Neri dahil ipapatikim ko sa'yo ang impyerno and I wouldn't even blink an eye to watch you suffer." Malademonyong ani Grego at mabilis niya akong kinubabawan.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now