15 Save me

10.7K 394 15
                                    

Neri POV

Nahihiya man pero kinapalan ko na din ang mukha ko ng ayain ako ng mag-asawa na kumain. Pritong isda ang pinagsaluhan namin at dahil sa gutom ko ay marami akong nakain. Tinawanan lang ako ng mag-asawa at sinabing kung kulang pa raw ay magluluto pa sila. Pagdating ni daddy ay papakiusapan ko siyang abutan ang mabait na mag-asawa.

Kampanteng naghintay ako sa hardin nila Manang Elsa, marami ang mga bulaklak na alaga ang matandang mag-asawa na kinagiliwan kong masdan hanggang sa kumanta kanta ako para maaliw at magpalipas ng oras.

"Aba hija, ang ganda pala ng boses mo." Ani Manang Elsa na ikinalingon ko sa kanya at napangiti.

"Salamat po Manang." Magiliw na aniko.

"Oh heto ang maiinom, magkape muna tayo." Ani Manang habang inaabot sa akin ang isang tasa. Kinuha ko iyon at nagpasalamat.

"Saan nga pala nagpunta ang kasintahan mo? Hindi ko naitanong kanina kasi mukhang nagmamadali siya. Ang sabi niya lang ay may susundo daw sa'yo dito at kung maari ay alagaan ka namin." Kwento ni Manang Elsa.

"Uhm... May aasikasuhin lang po siya Manang. Hindi na po kasi niya ako maihahatid." Labas sa ilong kong sagot.

"Ah ganoon ba? Aba'y narito na yata ang sundo mo eh." Aniya na ikinatingin ko sa direksyon tinitignan ni Manang Elsa.

Panlalamig at unti unting binalot ng takot ang katawan ko ng makita ko ang mga taong palapit sa amin. Nabitawan ko ang hawak kong kape at nahulog ang tasa sa damuhan. Kung natalamsikan man ako ng mainit na kape ay hindi ko na iyon maramdaman dahil namanhid ang buo kong katawan. Unti unting napabuka ang bibig ko sa pagkagulat.

No! Bakit sila?! Bakit sila?!

"Oh! Anong nangyari sa'yo hija?" Ani Manang Elsa ng nahulog ko ang tasa pero hindi ko na siya pinansin. Napatayo ako at aktong tatakas ng magsalita ang lalaki.

"Neri... Neri... pinagod mo kami! Pero ganon pa man sa amin ka pa din babagsak!" Nakangising ani Horio na kasama ang pitong lalaki na kawangis niya ang itsura. May kasama din itong nakauniporme ng pulis at mukhang kasabwat nila. Lahat ay mga mukhang halang ang kaluluwa at lahat ay armado ng baril.

"Kayo ba ang susundo sa dalaga?" Nagtatakang ani ni Manong Vito ng bigla itong lumabas ng bahay. Marahil ay nakaramdam ng panganib.

"Kami nga, tanda! Ibigay niyo na sa akin ang babae para walang gulo." Muling sagot ni Horio. Napalapit sa amin si Manong Vito at inilagay niya kami sa kanyang likod.

"Palagay ko ay hindi kayo ang inatasang sumundo sa dalagang ito. Maaari lamang na umalis na kayo sa lupa ko." Matigas na sagot ni Manong Vito. Napangising aso si Horio habang nagtawanan naman ang mga kasamahan niya sa likod niya.

"Tanda, huwag ka ng pabida! Akin na ang babaeng 'yan! Ilang araw na 'yan hinahanap ni boss. Ikaw din... baka pag nainip ako, makalabit ko itong dala ko.." Mapagbanta na ani Horio habang hinihimas ang nakausling hawakan ng baril niya na nakasukbit sa kanyang pantalon.

"Ipinagbilin sa amin ang dalagang ito at palagay ko ay hindi sa inyo namin dapat siya ibigay." matigas na ani naman ni Manang Elsa. Nagsalubong ang makapal na kilay ni Horio at naging mapangnib ang tingin niya ng hugutin niya at itutok kay Manong Vito ang baril niya. Napasinghap si Manag Elsa kasabay na rin ng pagtakip ko ng kamay sa aking bibig.

"Ano Neri?! Sasama ka sa amin o pasasabugin ko ang ulo ng makulit na matandang ito?!" Ani Horio habang malademonyong nakatingin sa akin. Mabilis na napalakad ako palayo sa dalawang matanda, pinipigil pa ako ni Manong Vito pero tinanggal ko ang kamay niya at sa nanginginig na tuhod ay humakbang papunta kay Horio.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now