12 init

12.1K 378 6
                                    

Neri POV

"Seth! Hoy Seth!" Tawag ko sa binata pero hindi pa din ito lumilingon.

"Seth! Hoy!" Ulit kong muli.

"Seth! Ano ba!" Nauubusan na ng pasensya na sigaw ko. Huminto ang lalaki sa paglakad na ikinahinga ko ng maluwang. Kanina pa kasi masakit ang paa ko at hindi biro na nagyayapak ako sa masukal na kagubatan. Kanina ko pa pinahihinto sa paglakad ang binata pero animoy bingi siya sa hinaing ko. Ayoko namang huminto dahil baka maiwan ako ng lalaki. Hindi naman kasi ito lumilingon man lang sa akin.

"Ano nanaman ba?! Nakaka isang oras pa lang tayo, magrereklamo ka nanaman?! Ambagal na nga natin!" Pasigaw na ding sagot ni Seth ng humarap siya sa akin.

Pero nawala ang kunot ng noo niya ng makita niya ang nangingilid kong luha sa mata at ang mukha kong hindi na maipinta sa sakit. Bumalatay ang pag-aalala sa mukha ni Seth at naglakad siya pabalik sa akin.

Napaupo ako sa malaking bato at pagkatapos ay minasahe ko ang puro paltos at sugat sugat kong paa. Animoy natauhan naman si Seth pagkakita niya sa paa ko.

Nagulat na lang ako ng mabilis niya akong pinangko. Napakapit tuloy ako sa matigas na balikat ng binata. Muli ay nanuot sa ilong ko ang pamilyar niyang amoy at ang init ng katawan ng binata sa pagkakalapit namin. His nearness is a total distraction from the pain I am feeling. Malalaki ang hakbang niya at naninigas ang panga niya ng silipin ko ang mukha niya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung saan ako dinadala ng binata. Sa isang batis iyon na may ubod linaw na tumatkbong tubig. Inupo ako ni Seth sa isa sa mga batuhan doon at pagkatapos ay giniya nya ang paa ko para ilublob sa batis. Napapikit ako sa sarap ng maginhawahan ang paa ko sa dumadaloy na tubig ng batis na iyon.

Pero napamulat din muli ang mata ko ng maramdaman ko ang marahang kamay ni Seth na humahaplos sa paa ko. His touch are so gentle and soothing and at the same time it send tingles that run up to my spine. It made me straightened up on my seat. His hand brush the inside of my calf and I almost moan aloud. Inaalis niya ang mga nakadikit na putik sa binti at paa ko at ang paghimas ni Seth ay may kakaibang hatid sa katawan ko na hindi naman dapat.

"A-ako na." Natatarantang ani ko. Iiiwas ko na sana ang paa ko para mawala ang kakaibang pakiramdam na dulot ng kamay niya ng matigas na hawakan ni Seth ang binti ko. His grip on my leg almost made me loose my breath.

"Teka lang, titignan ko lang kung may malubhang sugat." Ani ng binata na ikinakagat labi ko. Napakalambing kasi ng tono ng binata na hindi mo mapagkakamalan na siya din 'yung masungit na lalaki kanina.

I release a harsh breath when he started cleaning each toe, examining it and then pouring water into it, the act was just too intimate.

"Wala namang malalim na sugat sa'yo. Hindi ko napansin na wala ka palang sapin sa paa. Gusto mo bang magpahinga muna?" Ani Seth sa malambing niyang tinig na ikinabuka ng bibig ko pero wala akong naisagot. Masyado akong nadistract sa ginawa niya kanina na hindi na gumagana ang utak ko. At mas lalo akong napipihan sa kakaibang hatid na kiliti ang malambing niyang tono sa sistema ko at gusto kong itigil ang kilig na nararamdaman kanina pa. Nangunot ang noo ni Seth sa pananahimik ko.


"Nauuhaw ka ba? Pwede mong inumin ang tubig na 'yan, malinis naman 'yan kasi galing bundok 'yan. Pamatid uhaw lang." Ani ng binata then he smirk when he saw me unmoving. Hindi p rin kasi ako makagalaw sa lakas ng epekto ng ginawa ng binata sa binti at paa ko.

Shìt! Binti at paa lang ang hinawakan ng binata pero nag-iinit na ako!

"Di ka naniniwala? Sige, iinom din ako." Aniya sa pag-aakalang ang tubig ang dahilan ng pananahimik ko. Nakita ko siyang dumakot at uminom ng tubig gamit ang kamay niya. Pagkatapos ay sinabuyan niya ang mukha niya ng tubig. Kumuha pa siya ng tubig para ihagod sa buhok niya para umayos ang magulo niyang buhok. Napasinghap ako ng tumulo ang tubig sa damit niyang sira-sira hanggang sa tuluyan ng mabasa ang harapan ng damit niya at kumapit iyon sa matipuno niyang dibdib. Lalo akong nakaramdam ng pag-iinit ng bakat na bakat na pati ang six pack abs ng binata dahil sa pagkabasa ng damit niy. Pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko sa tanawing nakikita ko ngayon. Napahagod ako sa lalamunan ko.

Nakakauhaw nga! OMG!

Napataas ang mata ko mula sa dibdib niya pabalik sa mukha niya ng biglang lumapit sa akin si Seth at nakakunot ang noo niya sa akin.

"Neri! Ayos ka lang?! Kanina pa kita tinatanong!" Ani ng binata na ikinalunok kong muli.

Ano nga iyong tanong?!

"H-ha? A-ano ba i-iyon?" Paos na aniko sa lalaki. Napabuntong hininga si Seth sa akin.

"Gutom ka na siguro. Dapat kasi madami kang kinaing saging." Anito pagkatapos ay napaligid siya sa paligid.

"Dito ka lang. Ikukuha kita ng makakain." Ani ng binata na ikinatango ko na lang sa kanya. Hindi ko pa din kasi maituwid ang dila ko.

Gusto ko tuloy pukpukin ang sarili ko pagkalayo ng binata.

Neri! What is wrong with you?!

Iritang aniko sa sarili. Nilaro laro ko ng paa ko ang tubig sa batis, masarap sa pakiramdam ang tubig dahil malamig iyon kahit na tirik na tirik ang haring araw. Napangiti ako ng may ideyang pumasok sa isip ko. Tutal naman at init na init ang pakiramdam ko, mabuti pang maligo. Napatingin ako sa paligid, wala pa ring senyales na pabalik na si Seth.

Dalidali akong lumakad sa batis at bagayang humiga sa malalim na parte para mabasa ang buong katawan ko. Napangiti ako ng malapad sa sarap sa pakiramdam na pumailalim sa umaagos at malamig na tubig na iyon. Pagkatapos ay sinabuyan ko ang mukha ko at ninamnam ang lamig ng tubig. Ang ginahawa sa pakiramdam. Parang sa paglusong ko sa tubig ay nawala lahat ng sumasakit sa katawan ko pati na din ang kakaibang sakit sa katawan na dulot ng presensiya ng binata.

Ang tanging maririnig ay ang lagaslas ng tubig, mga huni ng mga ibon, ang pagaspas ng mga dahon na sumasayaw sa malakas na hangin at ang payapa at asul na asul na kalangitan. At sa batis na iyon nakaramdam ako ng kaunting kapayapaan ng diwa na halos isang linggo ring nawala sa akin. I felt at peace with my surrounding once again. Napangiti ako sa mapayapang itsura ng lugar. Alam ko hindi pa ako tuluyang ligtas pero atleast papunta na ako doon. Pasasaan ba at makakauwi din ako. At alam kong si Seth ang gagawa ng paraan para makauwi ako.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now