8 Yapos pa more

12.2K 396 21
                                    

Neri POV

Pilit kong hinahabol ang paghinga ko pero halos mapatid na talaga iyon sa bilis ng itinatakbo ng binata na hindi ko masabayan sa maliliit kong hakbang at halos kinakaladkad na lang niya ako para makasabay.

"Te-ka! Hin-di -ko - na ka-ya!" Paputol putol kong awat sa binata. Huminto naman ito at hinayaang habulin ko ang hininga ko. Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko sa pagkahapo samantalang wala man lang paghingal ang lalaking nasa tabi ko. Malalim lang ang paghinga niya pero hindi iyon hingal.

"Kailangan nating magmadali Neri." Iritang sagot ng binata habang tinatanaw ang kagubatang sinuotan namin. Maliwanag ang buwan pero hindi ko alam kung anong daan ang tinutumbok namin. Ang alam ko lang ay mas lalo kaming pumapasok sa masukal na kagubatan.

Tumingin sa akin ang lalaki at bumaba ang tingin niya sa patuloy pa ring pagdaloy ng dugo sa magkabila kong hita. Mabilis na inangat niya ang laylayan ng damit ko at nakita niya ang malalaking hiwang ginawa ko sa magkabila kong hita. Pinamulahan ako ng mukha ng mapagtanto kong kita din niya ang suot kong itim na panty. Mabilis na hinablot ko ang laylayan ng damit ko sa kamay niya at binaba iyon.

Natauhan naman si Seth sa nagawa niya at halata ko ang pamumula din ng pisngi niya sa pagkapahiya sa kinilos niya.

"K-Kailangang patigilin natin iyan sa pagdurugo kung hindi ay manghihina ka lalo." Nahihiyang ani ni Seth na ikinatango ko sa kanya. Halata namang di nya sinasadya ang naging kilos nya kanina. Alam kong sugat ko ang tintignan niya at hindi ang itim kong panty.

"U-umupo ka doon." Ani Seth habang itinuturo ang natumbang puno sa likod ko. Sinunod ko ang gusto niya at naupo. Kailangan ko din namang magpahinga dahil halos nanginginig na ang buong katawan ko sa pagkahapo at kailangan ko talagang umupo. Nanghihina na ako at anumang oras ay bibigay na ang katawan ko pero pinipilit kong huwag mawalan ng malay. Pati ang kamay ko ay nanlalamig at hindi ko mapatigil ang panginginig non.

Nanlaki ang mata ko ng biglang naghubad ng damit niya si Seth. As I expected, his body is ripped with muscles after muscles. Wide torso, lean waist, eight-pack abs, and his arms are so firm and powerful. He is so damn hot! At para akong muling dinaluyan ng dugo sa pisngi ng mapagtanto ang paninitig ko sa kanya habang wala siyang kamalay malay.

Nagulat ako ng sirain niya ang dulo ng damit niya para magmukhang benda. Gumawa siya ng dalawang tali mula roon at pagkatapos ay muli nitong isinuot ang ngayo'y sira sira at maikli na niyang t-shirt.

Lumapit siya sa akin at muli siyang pinamulahan. Pakiramdam ko ay hindi siya sanay na may babaeng kinakausap ng ganito.

"I-itaas m-mo ng kaunti ang damit mo, bebendahan ko para tumigil sa pagdurugo ang hita mo." Anito kaya sa nanginginig na kamay ay itinaas ko ang laylayan ng malaking t-shirt na suot ko para lumabas ang sinugatan kong hita malapit sa aking pagkababae. Lumuhod ang binata sa harapan ko at nagsimulang ipaikot ang ginawa niyang tela sa hita ko.

Napasinghap ako ng daanan ng daliri niya ang pagkababae ko sa pagmamadali niya sa pagbebenda sa akin. Ramdam ko ang pagtataasan ng balahibo ko sa katawan at ang kilabot na nagpanginig pa lalo sa akin. Kilabot na alam kong hindi dahil sa takot. Napatigil din ang kamay ng binata na halatang hindi niya sinasadya ang pagsayad ng daliri niya at aksidente lang iyon.

"H-hindi ko s-sinasadya." Rinig kong mahinang bulong niya habang nakayuko. Putok na ang pula sa leeg at mukha ni Seth ng silipin ko siya at kahit na may pagka-tan ang balat niya ay halatang halata iyon. He is so shy but it just makes him more adorable.

Naging maingat at mabagal ang sumunod na pagbebenda niya sa hita ko at ramdam kong iniiwas niya ang kamay niya sa pribadong parte ko pero hindi niya maiiwas ang di sinasadyang pagdampi ng mga daliri niya sa balat ko at hindi ko maintindihan ang lalong panginginig ng kalamnan ko. Ganun din ang ginawa ni Seth sa kabilang hita ko at pakiramdam ko ay mas lalo akong hinihingal sa ginagawa ng binata kesa sa pagtakbo namin kanina. It was too intimate but it felt so good. His hands are callous against my soft skin but it brings pleasure with it's every unintentional touch.

Mabilis ding napalayo ang binata ng maitali niyang mabuti ang ginawa niyang benda sa hita ko na para bang may nakakahawa akong sakit sa layo ng iniatras niya.
Matagal siyang nakatalikod sa akin at sakto din iyon para maiayos ko ang paghinga ko. Bumuga ng hangin sa bibig ang binata pagkatapos ay lumapit siyang muli at nagsquat siya patalikod sa akin.

"Sumakay ka sa likod ko. Bibitbitin na lang kita kesa maabutan tayo sa kabagalan mo." Halata ko ang pagbabalik ng pagkairita sa tono niya pagkasabi niya nuon na ikinasimangot ko. Balik nanaman siya sa pagiging masungit niya. Pero napaisip ako, sasakay ba ako sa kanya.

Lalapat ang katawan ko sa binata. Kaya ko ba?!

"Ano?! Sasakay ka ba sa akin o iiwan kita dito?! Madali akong kausap!" Ani ng binata habang nililingon ako. Halata na ang pagkaubos ng pasensya niya sa akin. Mabilis na napatayo ako at sinakyan ang binata. Sinapo naman ako ng binata at tumayo siya. Ramdam ko ang init ng kamay niya habang nakahawak siya sa alak-alakan ko. At may panibagong hatid na naman iyong kilabot sa akin. Iniayos pa niya ako ng tayo sanhi para kumiskis ang mayaman kong dibdib sa likod ng binata. Napalunok ako ng magsimulang maging sensitibo ang nìpples ko at manigas iyon sa paraan ng pagkakalapat ng dibdib ko sa malapad na likod ng binata.

Rinig ko ang pagtikhim ni Seth pagkatapos ay inayos niyang muli ang pagkakasampa ko sa likod niya bago humakbang siya palakad. 'Di ko maintindihan ang reaksyon ng katawan ko sa binata, buti na lamang at hindi ko siya kaharap kundi ay makikita nito ang mala-kamatis kong mukha sa pagkapahiya. My body is reacting to his and I cant help it. I dont even know why my body is feeling heated at all.

Shìt! Takot ka lang Neri! Tama! Takot lang ito!

Ani ng isip ko habang binibigyang kadahilanan ang reaksyon ng katawan ko sa lalaki. I maybe a virgin but I'm not unworldly. With the lifestyle I live in, I am not innocent with the ways of the world. Pero ewan ko lang ha, kung bakit ang sarap sa pakiramdam ng posisyon kong ito na nakapalupot ako sa katawan ng binatang ito.

Hay! bakit ang sarap niyang yapusin!?

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now