31 the kidnapper

10.7K 405 41
                                    

Neri POV

Tahimik na sakay kami ng kotse at hindi ko alam anong lugar ang binabaybay namin ni Seth.

Hindi ba dapat naroon lang kami sa ospital?! Hindi ba dapat hinihintay namin matapos ang operasyon ng anak niya?!

Nababagabag man ng mga tanong ang isipan ko pero pinili kong manahimik. Itinigil ni Seth ang kotse sa isang bangin na tanaw ang isang mahabang kahoy na tulay na kung saan pinaguugnay lang ng mga kable at may malalim na ilog sa ilalim. Hindi man ako pamilyar kung nasaan kami ay hindi pa rin ako umimik. Lumabas si Seth at naupo sa may hood ng kotse. Napasunod na lang din ako at naupo sa tabi niya. Tahimik na nakatitig lang si Seth sa kabilang bahagi ng tulay animoy may inaabangan doon. Hindi ko na natiis at hinarap ko si Seth.

"Seth, anong ginagawa natin dito?! Diba dapat nasa ospital tayo?" Aniko sa binata pero animoy preoccupied ang utak nyiya habang nakatingin sa malayo. Napakunot ang noo ko sa pagtataka ng bigla na lang magkwento si Seth.

"Sabi ng namayapa kong ama, babae raw ang malas sa buhay ng mga barakong Villacorte. Sabi rin ng mga kapitbahay ko na saksi sa istorya ng buhay namin, maigi raw na layuan ko ang mga kababaihan para hindi ako magaya sa tatay ko, sa lolo ko at sa ninuno ko, dahil ang mga babae raw ang nagdadala ng kamalasan sa amin." Napataas sa isang sulok ang labi ni Seth habang naiiling siya sa sinabi niya.

"Parang tama naman sila... ang lolo ko, tatay ng tatay ko, ay nabaliw dahil sa sobrang pagmamahal sa lola ko na iniwan lang siya. Mahal ang mga gamot niya sa mental hospital kaya nahirapan si tatay na itawid kami sa gutom. Lumapit kami sa isa ko pang lola para humingi ng tulong, siya ang nanay ng mama ko, pero pinagtabuyan niya kami dahil ayaw niya kay tatay para sa mama ko. Mahirap lang kasi si Tatay at matapobre ang lola ko. Si mama naman dahil anak mayaman siya, hindi siya sanay sa buhay na mahirap kaya noong hindi na niya makayanan ay iniwan niya din kami ni Tatay at bumalik siya kay lola. Tinalikuran niya ang asawa at anak niya ng ganon ganon na lang dahil sa pera hanggang sa nalaman ko na lang na patay na pala siya." Kita ko ang sarkastikong pagtaas muli ng sulok ng labi ni Seth habang sinasabi niya iyon. Bakas ang hinanakit niya sa mama niya.

"Halos mabaliw baliw din si Tatay sa pagmamahal kay mama. Sumunod din agad si Tatay kay Mama na para bang ikinamatay niya ng malaman niyang patay na ang asawa niya!" May nababakas akong inis sa tono niya pero hinayaan ko lang iyon at nagpatuloy si Seth sa pagkukwento.

"Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magiging katulad ni lolo at ni tatay. Ayokong maging babae ang dahilan ng pagbagsak ko. Utak ang gagamitin ko at hindi puso." Aniya sabay lingon sa akin. Alam kong pinatatamaan niya ako at para na rin niyang akong isinantabi sa sinabi niyang iyon. I felt that I didnt matter to him and everything that happened to us a few days ago didnt mean anything at all.

"Binuhay ko ang sarili ko Katorse anyos lang ako pero pinilit kong buhayin ang kapatid ko na pitong taon. Si Miranda, sakit din siya sa ulo ko. Hindi ko alam saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa kanya. Tama sila na babae ang nagdudulot ng kamalasan sa mga barakong Villacorte. Pahirap sa akin si Miranda...Barkada dito, barkada doon, inom dito, inom doon, gulo dito, gulo doon, piyansa dito, piyansa doon, ganyan umikot ang buhay ni Miranda na ikinasakit ng ulo ko, hanggang sa nalulong sa bawal na gamot si Miranda. Lahat ng kapitbahay ko nahingan ko na yata ng tulong paghahanap sa kapatid kong iyon hanggang sa nabuntis siya na hindi niya alam sino ang nakabuntis sa kanya. Si Mira iyon. Ang milagro kong si Miracle." Doon na bahagyang ngumiti si Seth pagkukwento iya patungkol kay Mira.

"Ako ang nagpangalan sa kanya dahil isang milagro na nabuhay pa siya kahit puro lason ng droga ang nasa dugo niya. Namatay si Miranda sa panganganak kay Mira. At ako ang umako ng lahat. Ako ang tumayong magulang niya at pinipilit kong maging maayos siya, lumaking mabait at malusog. Gusto kong maging tama ang pagpapalaki ko sa kanya, parang pangalawang pagkakataon ko ito eh. Hindi ko man naiayos ang buhay ni Miranda, gusto kong gawin ang lahat para kay Miracle... Pero bakit ang hirap?" patuloy ni Seth na halata ang determinasyon sa boses at ang frustration sa mga nangyayari. Mababakas din ang galit niya at kawalan ng pag-asa sa mga pagsubok ng buhay niya. Alam ko pakiramdam niya ay wala siyang nagagawang tama. Matagal ko ng gustong malaman ang istorya ng buhay ni Seth pero hindi ko akalain na ganito pala ang maririnig ko. Pinipiga ang puso ko para sa binata.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now