21 Cravings

11.9K 415 53
                                    

Neri POV

Pagkapasok ko ay dumeretso agad ako sa kwarto, binuksan ko ang cabinet at humatak ako ng isang malaking asul na t-shirt doon na malamang ay pagmamay-ari ni Seth, ayoko namang isuot ang pambabaeng damit na baka ang asawa ni Seth ang nagmamay-ari. Madumi pa kasi ang hinubad kong damit na bigay ni Manang Elsa at kalalaba naman ng damit ko na binili ni Seth.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa  may higaang papag na kinabitan ni Seth ng kulambo. Ilang minuto pa ay pumasok na din si Seth. Nakatapis ng tuwalya ang kalahati ng katawan niya. Mabilis siyang sumulyap sa akin at pagkatapos ay dumeretso sa cabinet niya. Napakamacho talaga ng katawan ni Seth kaya habang nakatalikod siya ay walang habas na tinitigan ko ang likod niya pati na din ang pang-upo niya na nakaumbok sa suot niyang towel. Sobrang tambok talaga ng pang-upo niya na parang ang sarap pisil pisilin at panggigilan.

Siya na ang may malaking pwet! Nakakaingget! Shet!

At ang mga muscles sa katawan niya ay parang naghihiyawan at nagpapaligsahan sa paglaki. Likod pa lang talaga ng lalaki ay ang sexy sexy na. Parang ang sarap pasadahan ng kalmot at kagat kagatin.

Ay! Ang halay ng isip ko! Istapit Neri!

Humatak ang binata ng boxers at pagkatapos ay mabilis niya iyong isinuot habang may tapis na towel ang bewang niya. Kumuha din ang binata ng kupas na itim na t-shirt at sinuot iyon. Pagkatapos ay kinuskos niya ang buhok niya ng tinanggal niyang towel.

Ang sarap niyang panoorin dahil lahat ng kilos niya ay swabe at lalaking lalaki. Nakakapanubig ng pagkababae.

Here I go again! Ang halay talaga!

Humarap siya at nagtagpo ang aming mga mata. Sana lang ay 'di niya nababasa ang mga panghahalay ko sa kanya sa isip ko.

"Neri, dito din ako matutulog, papagitnaan na lang muli natin ng unan. Nakita mo naman na maliit lang ang sofa ko. Hindi ako magkakasya doon at hindi palitado ang semento ko kaya magsusugat sugat ang likod ko kapag humiga ako sa sahig." Ani Seth.

"Ha?!" Nasagot ko dahil hindi pa din yata tumatakbo ng tama ang utak ko. Halatang nainis nanaman ang lalaki at muling inulit ang sinabi niya kaya mabilis akong napatango.

"Ah oo naman! Ayoko namang ipagkait sa'yo ang kama mo. Kung tutuusin ay ako dapat ang wala dito diba? Kaso napansin ko din na maraming lamok tsaka maliit lang ang sofa mo." Sagot ko sa kanya na ikinatango niya.

Pumasok siya sa kulambo at napausog ako kahit na malaki ang papag na iyon. Kasya sa tatlong katao. Malamang para sa maliit na pamilya ni Seth.

"Marami kasing kakahuyan kaya madami ding lamok." Anas bigla ni Seth na animoy naaasiwa sa muli naming pagtatabi. Sandali kaming natahimik habang nakikiramdam sa isat isa.

"Tulog na Neri." Ani Seth. Mabilis na ipinagitna ni Seth ang unan niya at humiga patalikod sa akin.

"Goodnight Seth." Sagot ko naman sa kanya at nahiga patihaya.

Kumakalabit na kamay ang nagpagising sa akin kinabukasan. Bangag na iminulat ko ang mata ko at nagulat sa naging posisyon namin ni Seth. Halos nakapatong na ako sa binata, nakayakap ang braso ko at pati na din hita. At ang masama ay nasa tapat na ng walang bra kong dibdib ang mukha ni Seth na nakapiling palayo sa akin. Mabilis na nagbawi ako ng kamay at hita.

"Sorry. Malikot talaga akong matulog." Nahihiyang aniko sa binata.

Pero hindi naman sumagot si Seth at animoy sinisilaban ang puwet na tumayo at mabilis na lumabas ng kwarto.

Napasimangot na bumangon na din ako at inayos ang pinaghigaan namin.

Buong maghapon lang na nag-ayos si Seth ng bahay. Tinapalan niya ng mga dahon ang ibang nasirang sawali na bubong. Inayos din ni Seth ang masukal na daanan at tinanggal ang mga damo sa paligid habang nagwalis walis naman ako ng sahig bilang pagtulong. Bandang tanghali ay doon lang kami kumain ng niluto niyang kanin at ginisang sardinas.

Bandang hapon na ng matapos si Seth sa paglilinis ng buong paligid ng bahay. Sandali itong naupo sa kahoy na sofa at isinandal ang hapong katawan.

Mabilis na ipinatong ko sa lamesita ang kape na itinimpla ko para sa binata.

"Magkape ka muna Seth." Aniko sa binata. Nagmulat siya ng mata at napatingin sa inilapag kong kape.

"Salamat." Maikling anito sabay abot at higop doon.

Naupo ako sa tabi ng binata at pinagmasdan siya habang iniinom ang tinimpla kong kape. Marahil naramdaman niya ang paninitig ko ng biglang namula ang pisngi niya.

"Anong kailangan mo?" Madiing ani ng binata na bahagya kong ikinangiti.

"Magpapabili sana ako sa'yo ng chocolates. I miss eating it na kasi. Any brand will do as long as it's chocolate." Aniko sa binata na ikinahigit nito ng hininga.

"Bakit? May patago kang pera?!" Halata ko ang iritasyon sa tono ng pananalita niya pero muli akong nangulit.

"Sige na naman Seth... please? I want some chocolates please?" Aniko g muli na ikinakunot ng noo niya.

"Naglilihi ka ba? Oy! Hindi kita ginalaw ha!" Defensive na anito na ikinairap ko sa kanya.

"At sa palagay mo hindi ko alam 'yon?! I think my cycle is near and I have this habit of craving for food. This time I want chocolates. " I confessed.

"Please?" Ungot ko sabay pout ng lips ko. I found him looking down at my pouting lips. His eyes got stuck there and for a minute I felt my lips quiver at his intent stare.

Then he moved closer to me and I can feel his thigh pressed intimately to mine. Napalunok ako at napaawang ang bibig ko sa paglapit niya. Lumapit pa ang mukha ng binata na ikinahumerintado na ng malandi kong puso.

"Neri.." senswal na tawag ni Seth na sandaling nagpapikit sa akin. Sobrang sarap kasi sa tainga ng pagtawag niyang iyon. Nakakapanginig ng laman.

Wait! Parang nangyari na ito ah! Calm down Neri! 'Eto nanaman siya! Wake up girl! Wake up!

Mabilis na nagmulat ako ng mata at tumalim ang tingin ko sa binatang patuloy ang pagdukwang sa akin.

Teka, may suot ba akong pwedeng ibenta?!

Napakapa ang kamay ko sa leeg ko at naroon nga nakasabit ang gold necklace na regalo sa akin ni daddy nung last birthday ko.

Fvck! Kaya naman pala ganito nanaman siya! Ang letseng kwintas naman ang pakay niya! Oo na oo na! Huwag mo na akong pasakayin na hinayupak ka!

Kulang ang salitang disappointed sa nararamdaman ko ngayon. Mabilis kong hinubad ang kwintas at pagkatapos ay ako na mismo ang kumuha sa kamay ni Seth at inilapag iyon doon.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Seth habang nakatitig siya sa palad niyang nilagyan ko ng kwintas.

"Ano ito?!" Nalilitong aniya.

"Pambili ng chocolates. Diba iyan naman ang gusto mo kaya ka lumapit?!" Mabilis na aniko habang nagtatakang nakatingin kay Seth. Mabilis ang pag-akyat ng pula sa leeg ni Seth hanggang sa mgkulay kamatis na ang buong mukha niya.Napakamot pa siya sa batok niya sabay distansya ng upo sa akin.

"Ah... eh.. o-oo. Oo tama ka! Ito n-nga! A-aalis na ako. Bibili lang ako ng chocolates mo." Anito at mabilis na tumayo at nagtatakbo palabas ng bahay. At habang sinusundan ko siya ng tingin ay may napagtanto ako.

Oh my God! Mali ba ako?!

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now