11 Iyakin

11.7K 385 11
                                    

Neri POV

Nagising ako na mag-isa, madilim pa din ang paligid ko at may munting sinag lang na pumapasok sa kweba na nagsasabing umaga na. Hinanap ko sa paligid si Seth pero wala siya sa kweba. Umusbong ang matinding kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong napatayo mula sa pagkakahiga.

Iniwan ba ako ni Seth?! Tinotoo ba niya ang bantang iiwan niya ako?!

Paano ako nito?! Ni hindi ko alam kung saang kagubatan ako naroon!

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit ang noo ko kung saan parte ko hinampas iyon kahapon, may maliit pa rin bukol akong nakapa pero humupa na ito ng bahagya. Mapaghanap ang mata ko sa senyales na baka naman hindi ako iniwan ng binata.

A few minutes of waiting but no Seth came back, I started panicking. Kung iniwan ako ni Seth at nasa gitna ako ng kagubatan ay hindi ko alam paano ako makakaalis dito. Wala akong kaalam alam sa direksyon at palagay ko ay lalo ko lang maililigaw ang sarili ko kung susubukin kong mag-isang tumbukin ang daan.

Nagsimula na akong manlumo. I hugged myself as a tear rolled down my cheeks and I cant help the rumble of sobs that followed.

Nagsama sama na ang emosyong nararamdaman ko mula sa takot, kawalan ng pag-asa, pg-iisa at galit. My body hurts like hell, my bare feet are sore and wounded. My inner thighs are aching so fvcking bad, my lips stings and my head is spinning, hard. And the worst part is I dont know what to do anymore.  The stress of being imprisoned for a week, being nearly raped by a bunch of unruly men and the thought of becoming a subject of a madman's sadistic fantasy is wearying me. I feel like losing my mind if I dont cry it all out!

Ang kaninang mahina kong hikbi ay nauwi sa malalakas kong pag-iyak. Wala akong pakielam kung mas lumakas ang iyak ko dahil sa pag echo ng kweba kungn saan ako naroon. Basta gusto ko lang iiyak lahat ng ito. Umaatungal ako ng ilan pang minuto ng may biglang pumalatak sa aking likod.

"Ano nanamang iniiyak iyak mo dyan?!" Rining kong ani ni Seth na nagpatigil sa akin sa pagiyak. Nanigas ang katawan ko at mabilis na napalingon ako kay Seth. Nanlaki ang mata ko pagkakita sa binata. At tulad ng dati ay para akong nabuhayan ng loob tuwing nakikita ko siya. Na para bang siya ang tagapagligtas ko at tuwing nagpapakita siya ay magiging maayos din ang lahat.

Hindi siya umalis! Hindi niya ako iniwan. Nandito si Seth!

"Seth!" Aniko sabay takbo sa lalaki. Itinapon ko ang katawan ko sa kanya na gulat naman niyang sinapo. Akala ko nuong una ay itutulak niya ako gaya ng lagi nyang ginagawa pero ngayon ay hinayaan niya lang akong nakakapit sa damit sa bandang dibdib niya. Hinayaan niyang mawala ang pagsigok ko sa pag-iyak habang ibinabaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Napakaiyakin mo talagang babae ka! Ang sakit mo sa tenga!" Ani Seth pero iba ang tono ng pagkakasabi niya nuon na kahit insulto ang sinabi niya ay wala akong makapang pagkabwisit sa sinabi niya. Malambing pa nga yata iyon sa pandinig ko.

"Bakit mo kasi ako iniwan?! Hindi mo ba alam na sobrang natakot ako?!" Aniko sa kanya na ikinabuntong hininga ng binata.

"Hindi naman talaga kita iiwan. Tahan na." Mahinang aniya. Animoy isang pangako iyon na nagpalakas ng tibok ng puso ko. Napakalambing ng tono niya at pakiramdam ko puno ng sinseridad ang pagkakasabi niya na unti unti ng nagpatigil ang pag-iyak ko.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap din niya sa akin. His hand is rubbing my back as if comforting me. Soothing me. Warming me. But then it was gone even before I can enjoy the warmth of it.

Mahinang tinulak niya ako kaya napaatras naman ako. Matiim ang titig na binigay niya sa akin habang humahakbang din siya paatras.

"Tama na 'yan! Wala na tayong panahon para sa kadramahan mo. Umupo ka at kumain, kailangan na nating lumakad." Naging malamig muli na ani Seth habang inilalapag ang hawak niya na isang piling ng saging.

Sinner Seth (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu