16 Yuko

10.8K 441 24
                                    

Seth POV

Malayo na ang nalakad ko pero hindi ko maintindihan ang sarili ko ng hinahatak ako ng paa ko na bumalik. Ang sabi ko sa sarili ko sisilipin ko lang kung nasundo na siya ng ama niya. Na gagawin ko ito para lang alam ko na talagang ligtas na ang babae.

Marahil para matahimik na din ang konsensya  ko o ano pa mang dahilan, ayokong pakaisipin. Madami na kasi akong isipin at ayokong dagdagan pa iyon.

Sa huli ay napagdesisyunan kong bumalik na din at maghintay. Umakyat ako sa pinakamataas na puno na naroon para kung sakaling lumabas sila ay matatanaw ko na lang si Neri.

Pero halos mahulog ako sa kinauupuan kong puno ng makita kong hindi ang daddy ni Neri ang sumundo sa kanya kundi si Horio at ang iba pang halang na kaluluwang tauhan ni Rodrigo.

Nanganganib nanaman si Neri.

Teka nga! Ano bang pakielam ko sa babaeng iyon?! Tama ng sinubukan ko siyang iligtas noong una! Iniligtas ko din siya sa gubat! Labas na ako dyan! Quits na kami! Hindi pwedeng sagipin ko siyang muli at buhay ko ang itaya ko para sa kanya! 'Di ko naman siya kaano-ano! Malas lang talaga ang babaeng iyon dahil malapit siya sa kapahamakan at hindi siya tinitigilan ni Rodrigo! Hindi dapat ako lumalapit sa babaeng iyon! Masyado siyang malas! Pati ako nadamay na at nawalan ng malaking pera! At isa pa, marami akong kailangang gawin na mas importante pa sa babaeng iyon!

Tama! Hindi dapat ako makielam!

Pero ng makita kong hawakan siya ni Eton sa braso at nakita kong nasaktan si Neri ay parang nagdilim ang paningin ko. Mabilis akong napakasa ng baril ko at bumaba sa kalahati ng mataas na puno.

Napamura ako ng makita kong hahalikan ni Eton si Neri. Hindi na ako nakapag-isip pa ng mabilis na sinipat at pinutok ko ang baril ko at bumulagta si Eton sa lupa.

Tangnang Etong to! Dyan ka nababagay humalik sa lupa!

Lalo akong nanggigil ng hatakin ni Horio si Neri para gawing pananggalang.

Gagong Horio ito! Nagtago pa sa babae! Ititira kitang hayop ka!

Kalkulado lahat ng galaw ko ng pasabugin ko sunod sunod ang mga bungo ng kasamahan ni Horio. Pinaulanan din nila ako ng bala na mabilis ko namang ikinatago sa likod ng puno na inakyatan ko. Sinagot ko ang paputok nila at pinatumba ang tatlo pa sa kanila. Hindi ako pwedeng magmintis dahil sakto lang ang bilang ng bala ko sa bilang nila. Anim ang laman ng isang baril ko sa kanan at kaliwa ay may dalawang bala.

Narinig ko ng hingin ni Horio ang susi sa driver nilang si Ipo kaya pinatumba ko na din si Ipo.

Gagong ito! Tatakas ka pa ha!Itutumba ko kayong lahat at wala akong ititirang buhay!

Pero ng itutok ni Horio ang baril kay Neri ay sandaling nawala ang pokus ko. Hindi ko maintindihan bakit hindi ko maasinta si Horio. Masyadong siyang malapit kay Neri at nanginig ang kamay ko bago ko pa iyon makalabit. Napabuga ako ng hangin sa bibig ng magbanta si Horio na babarilin si Neri.

Lumabas na lang ako sa kinatataguan ko at hinarap ang hayop na si Horio. Ngumising parang aso sa akin si Horio habang seryoso naman ang ibinabalik kong tingin sa kanya. Seryoso akong patumbahin  siya.

"Sabi ko na eh.... ikaw yan Seth! Ano bang pinaglalaban mo Seth?! Bakit mo ba kinakalaban si boss?!" Aniya na ikinaigting ng panga ko.

"Pakawalan mo ang babae, Horio." Kalmado at malamig na aniko habang sinisipat sa baril ko ang noo ni Horio.

"'Eto!" Ani Horio sabay diin ng baril sa sentido ni Neri. Napalunok ako sa ginawang iyon ni Horio habang madiin na napapikit naman si Neri kasabay ng pagbagsak ng luha niya.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now