44 Act of Love

12K 392 22
                                    

Neri POV

Nagulat ako ng hatakin ako ni Seth papasok ng apartment niya at malakas na binalibag niya pasara ang pinto. Nakanganga ako sa saradong pinto ng apartment niya at di makapaniwalang pinagbaksakan niya ng pinto ang Vice President ng Pilipinas.

"Oh my! Seth! Bakit mo naman sinaraduhan ng pinto ang lola mo!" Nahihintakutang sigaw ko kay Seth habang mabilis na inaabot ang door knob ng pinto. Piniglan niya ang kamay ko at sandali kaming nagkatitigan. Imbis na sagutin niya ang tanong sa mata ko ay hinatak pa niya ako papasok sa isa pang pinto at muli ay binagsak iyon pasara. Nasa kwarto na kami ni Seth at pakiramdam ko namula ang pisngi ko ng mahagingan ng tingin ang kama niya.

Paroon at parito namang naglalakad si Seth habang sapo sapo niya ang kanyang noo. Naroon bubuka ang bibig niya pero muli ay sasara iyon at hihilamusan niya ang mukha niya. He look so frustrated.

"Alam kong alam mo na ang gustong mangyari ng lola mo." Aniko sa kanya dahil mukhang kung siya ang hihintayin kong magsasalita ay aabutin kami ng pagdilim. Namula ang mga pisngi ni Seth at nag-iwas siya ng tingin.

"Pasensya na Neri. Hindi ko gustong guluhin ka pa. Pinipilit kong umisip ng paraan para lubayan na kayo ng lola ko." Naging tugon niya at mas lalo akong nalito sa sagot niya. At ayoko ng ganoong sagot. I wanted to clear everything out.

Humakbang ako palapit na ikinaatras ng binata. Gusto kong masaktan sa pag-iwas niya pero pinagpatuloy ko ang pag-abante hanggang sa ma-corner ko na siya sa dingding ng kwarto niya. He looked like a trapped mouse ready to flee any minute.

"Tapatin mo nga ako Seth. Ayaw mo ba akong pakasalan?!" Taas noong tanong ko.

"A-ano?! Oo! ah... hindi! ah.. Gusto! Pero hindi pwede! a-ang ibig kong sabihin... tangina!" natatrantang aniya hanggang sa nauwi iyon sa pagmumura niya sa sobrang inis niya sa pagkalito sa sasabihin. Napapikit si Seth at marahas na nagbuga ng hangin sa bibig. Damn! And I'm too close I can smell his manly scent and minty breath. God! I miss his smell so much! All I wanted was to hug him so tight and smell him to my heart's content. Then I remembered the girl who is also this close to him.

"Dahil ba may bago ka na kaya ayaw mo na sa akin?! Dahil ba sa blondina mo na kung makakapit akala mo tuko?!" Muling tanong ko sa lalaki.

"Blondina?!" Kunot noong aniya

"Oo! Sa party ng lola mo! Iyong kung makakapit sa'yo akala mo walang sariling buto!" Nanggigigil kong tanong. Mukhang naliwanagan naman si Seth kung sino ang tinutukoy ko.

"Si Rada?! Hindi ah! Isa siyang reporter na pinapakiusapan kong huwag ng ilabas ang article tungkol sa akin. Teka, nagselos ka ba sa kanya?! Wala iyon Neri. Hindi ko kayang tumingin pa sa iba dahil patay na patay ako sa'yo! Sa'yo ako hanggang kamatayan." Anito at pagkatapos ay namula lalo ang mukha niya pati leeg sa pag-amin niya. Pilit ko namang itinatago ang kilig ko sa mga naging pahayag niya. I feel so lightheaded with everything that he said.

"Pero hindi pwede Neri. Hindi tayo pwede!" Sabay kabig nito na pakiramdam ko itinaas niya ako sa langit sabay bitaw.. bumulusok ako at plakda sa lupa!

Letse! Anong kalokohan ito?! Ako hanggang kamatayan tapos sasabihing hindi kami pwede?!

"At bakit hindi?!" Gigil na aniko. Pakiramdam ko gusto kong magpapadyak sa gigil sa mga sinasabi ng lalaki. Ayun na eh tapos kumakabig pa!

"Neri, minamanipula tayo ng lola ko! Gusto niya tayong makasal para sa koneksyon! Ang sabi nga ni Rada, iyong reporter, na wala man lang ako kahit birth record o baka daw naka-confidential pa pati iyon! Basta na lang daw akong misteryosong apo na biglang sumulpot! Ganyan kapulido si lola para pagtakpan ang nakakahiyang parte ng buhay niya at kami 'yon! Ang mahalaga sa kanya ay bumango ang pangalan niya para sa susunod na eleksyon, kaya din niya idinidikit ang pangalan niya sa magandang reputasyon ng ama mo! Ginagamit niya lang tayo at hindi ako makakapayag na maiugnay niya ang maruming mundo niya sa inyo ng daddy mo. Marami na akong kasalanan sa'yo at gusto kong malaman mong pinoprotektahan lang kita." Mahabang pahayag niya pero sarado ang isip ko sa mga sinasabi niya. Ang gusto ko lang ay siya. Selfish na kung selfish! Ang gusto ko lang ay makapiling ko si Seth. To hell with the consequences!

Sinner Seth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon