45 Give in

12.3K 403 21
                                    

Seth POV

Gusto kong bumagal ang oras habang nakatitig sa diwatang nasa aking bisig. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang nandito siya. Parang panaginip lang, pero kada ramdam ko ng malambot niyang balat habang hinahaplos ko siya sa kanyang braso ay nagpapatunay na nasa tabi ko talaga siya. Na hindi panaginip ang mainit na tagpo namin kanina. Gumalaw si Neri at nagmulat ng napaganda niyang mata. Mga mata niyang nalulula ako kapag natitigan ko. Na tuwing nakatingin na siya sa akin ay parang nagrarambulan ang mga laman loob ko.

"Hi! Sorry. Nakatulog pala ako. Matagal ba?" Aniya na ikinangiti ko. Napakaganda talaga ng boses ni Neri kahit kakagising.

"Ten minutes lang. Gutom ka na ba?" Malambing kong ani kay Neri. Gabi na kasi sa labas at alam kong hindi pa naghahapunan ang dalaga. Nahihiyang tumango tango ang dalaga.

"Ipagluluto kita." Aniko sabay tayo at suot ng boxer shorts ko.

Naupo na din si Neri habang hatak hatak ang kumot ko. Kinuha ko ang t-shirt ko na hinubad at iyon ang isinuot ko kay Neri. Nagkangitian kami bago sabay kaming bumangon sa kama. Agad na kumapit si Neri sa braso ko at pakiramdam ko ako na talaga ang pinakaswerteng tao sa mundo. Inakbayan ko siya at sabay kaming lumabas ng kwarto.

Pero pareho kaming napalundag ni Neri ng makita ang hindi inaasahang tagpo sa maliit kong sala. Nakaupo doon na parang reyna ang bise presidente ng Pilipinas, nakacross legs ito at nakasandal habang humihigop sa hawak niyang kape mula sa isang kilalang coffee shop. Meron ding tatlong malalaking paperbag na nakalapag sa lamesa sa harapan nito.

"Finish already?" Anas nito habang nakataas ang kilay sa amin. Agad akong napatakip sa gitnang bahagi ng katawan ko at alam kong naninigas pa iyon mula  sa arousal kay Neri. Si Neri naman ay agad na nagtago sa aking likod.

"Lola! Ano bang ginagawa niyo rito? Paano kayo nakapasok?!" Tarantang aniko habang hindi ko malaman kung paano ko ikukubli ang pagkalalaki ko.

"Young man, you dont get to slam the door in my face and gets away with it." Anito kaya napatingin ako sa pinto ko at nalaglag ang panga ko ng makitang sira sira na iyon at wala na sa pagkakakabit.

"Anong ginawa niyo sa pinto ko?!" Para kasing pinira piraso na iyon base sa itsura nito. Mas nagtataka akong nasira niya iyon na hindi namin man lang naririnig.

"I brought food. I suggest you two get decent before we eat and talk." Anito na sadyang binalewala ang nagtatakang tanong ko.

Napapalatak na lang ako at agad na binitbit ang napatili pang si Neri. Tumakbo akong papasok ng kwarto ko habang nakayakap sa akin ang malambot na katawan ng babae.

"Pasensya ka na sa lola ko ha Neri." Aniko habang kanya kanya kaming nagbibihis ng damit ni Neri.

"Okay lang Seth. I find your lola cute. Alam mo, sa palagay ko gusto niyang maging malapit sa'yo!" Ani Neri na ikinatigil ko mula sa pagsusuot ng pantalon. Napatingin ako kay Neri.

"Hindi ganon ang lola ko. Kaya siya narito ay para masigurado na susunod tayo sa gusto niya." Matigas na sagot ko at pinagpatuloy ang pagsusuot ng damit.

"I dont think so. Iba kasi ang nakikita ko sa mga mata niya Seth." Sagot ni Neri na sarkastiko kong tinawanan.

"Ganid ang nakikita mo Neri." Pagtatama ko pero mariin na umiling si Neri.

"I think it is longing. Longing to be with you." Seryosong ani Neri na ikinakunot ng noo ko.

"Halika na nga. Kung ano-ano ng nakikita mo. Gutom lang iyan." Aniko sabay akbay kay Neri, pinatakan ko muna siya ng halik sa labi bago giniya siya palabas.

Kumain muna kami ng sabay sabay sa maliit na hapag kainan ko habang nagsusulyapan. Nakakilang na makasabay ang aristokratang bise presidente pero dahil narito si Neri at panay ang ngiti sa akin at inaasikaso ang paglalagay ng pagkain sa plato ko ay tahimik na natapos ang hapunan namin.

Nagtimpla ng kape si Neri habang  tahimik kaming nagpapakiramdaman ng lola ko. Ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa at parang gusto kong bumaga ng pasasalamat ng dumating na din si Neri na dala ang kape. Naupo si Neri sa tabi ko kaya agad akong humawak sa kamay nya. Kamay niya na tuwing nahahawakan ko ay nakakaramdam ako ng kapayapaan.

"I think we have only a few things to straightened out. You two seems to get along just fine. So, when are you two planning to tie the knot?" Ani ng matanda na sanhi para magkatinginan kami ni Neri.

"Hindi pa namin napaguusapan ng mabuti 'yan." Sagot ko na ikinataas ng kilay ng matanda.

"You are already making babies and you havent talk about marriage?! Such irresponsible feat." Ani ng matanda na ikinaalma ng kalooban ko. Pabalang na sasagot na sana ako pero nakaramdam ako ng pagpisil ng madiin sa kamay ko. Napalingon ako kay Neri.

"Magpapakasal din po kami pero pag-iisipan pa po namin ang petsa." Mahinahong sagot ni Neri.

"I want it next month. Para saan pa ang paghihintay ng matagal kung sigurado na kayo sa isa't isa? The when is not important. What's important is it's done fast." Ani niya at ramdam ko na ang inis na bumabalot sa pagkatao ko.

"Bakit? Para magamit mo na ito sa kampanya mo?" Di ko napigilang pagsita. Pinisil muli ni Neri ang kamay ko.

"Seth, gusto ko na din naman na makasal tayo agad. Diba sabi mo ako na ang masusunod?" Malambing na ani ni Neri na agad nagpalusaw sa inis na nararamdaman ko lang kanina. Agad akong napangiti sa babae.

"Gusto ko din naman agad na mapakasalan ka Neri ko." Malambing na tugon ko na sanhi para magkatitigan kami ni Neri habang nakangiti sa isa't isa. Ramdam ko ang paglipad sa alapaap sa tuwing malagkit kaming nakatingin sa isa't isa. Lumapit ang ulo ko ay Neri at tanging ang matikam ang mapang-akit na labi niya ang tanging nagiging laman ng utak ko.

"God! Young love makes me feel sick!" Anas ng nasa harapan namin na agad na nagpatigas at ng kanya kanya naming likod. Napalayo kami sa isa't isa ni Neri na parang nakalimot na kami kung nasaan kami. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko sa pagkapahiya at ng lingunin ko si Neri ay namumula din ito. Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa matanda sa pagkapahiya.

"So all is agreed. Next month na gaganapin ang kasal niyo. Next week, I'll arrange your engagement party. I want to get out of here. You two lovebirds are making feel dizzy!" Maarteng ani ng matanda na agad ding tumayo at mabilis na naglakad palabas.

Nagkatingin kami ni Neri at malakas na nagkatawanan.

"Round three?" Bulong sa akin ni Neri habang mapang-akit na kagat kagat ang labi niyang gusto kong tikman kanina pa.

"Fight." Nagtatawang sagot ko sabay mabilis na ini-scoop si Neri sa upuan niya at nagtatakbo sa kwarto habang nagtatawa ng malakas si Neri.

Sinner Seth (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن