5 Laban

12K 377 11
                                    

Neri POV

Walang araw na nagdaan na hindi ko pinag isipan ang pwede kong gawin para makatakas. Marahil isang linggo na din ang lumipas at sa buong linggong iyon ay si Seth lang ang nakikita ko at naghahatid sa akin ng pagkain. Tumupad ito sa usapan namin na walang makakapasok sa silid ko kundi siya lamang. Hindi rin ito nagtatagal at hindi rin niya ako kinakausap, halatang iwas na iwas ang binata sa akin. Ilang araw ding iniignora niya ang mga pagmamakaawa ko sa kanya. 'Ni hindi nya ako tinitignan at basta na lang niya iniiwan ang tray ng pagkain sa lamesa.

Bumukas ang pinto gaya ng ineexpect ko isang umaga at niluwa noon si Seth na may dalang tray. Hinatak ko pababa ang puting hanes na t-shirt na suot suot ko. Ito lang kasi ang mga nasa cabinet at ang araw araw kong sinusuot. Wala rin akong pang ibaba. Wash and wear din ang underwear ko na tuwing gabi ay isinasabit ko sa banyo para matuyo at kinaumagahan ay isinusuot ko. May mga gamit naman sa banyo gaya ng sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush na ipinagpasalamat ko. At least nakakaligo ako araw araw.

Pinanood ko ang matangkad na binata ng ilapag niya ang tray ng pagkain sa lamesa. Pero hindi gaya ng dati na mabilis siyang lumalabas ng silid, ngayon ay nanatili ang binata at sumandal sa pinto malayo sa akin. Napataas ang kilay ko sa pananatili niya na dati rati naman ay mabilis siyang umaalis na animoy hindi niya mataglan ang makita at makasama ako.

"Neri..." tawag niya sa akin kahit na ba nagtititigan na kami. Lalong tumaas ang kilay ko sa pagtawag niya sa pangalan ko.  Iyon lang ang pagkakataon na tinawag niya ako at hindi ko maintindihan bakit pakiradam ko may hatid na kiliti iyon sa akin.

Halatang nagaalinlangan siya sa sasabihin niya sa paraan ng pagkiling ng ulo niya at sa hindi mapakaling pag-iiba iba niya ng tayo. Napatingala ito na animoy hinahanap sa utak niya paano niya sisimulan ang sasabihin.

Napagmasdan ko ang binata habang malalim itong nag iisip. Halos hanggang dibdib lang niya ako sa tangkad niya. Mala-modelo ang tikas ng katawan niya, well toned muscles sa braso at wide chest na bakat sa kupas na t-shirt na hapit na hapit sa kanya. Broad shoulder and lean waisted na sigurado akong may abs. Magulo ang buhok niya na animoy walang direksyon ang paghawi paitaas. Kayumangging balat na bumagay sa maamo niyang mukha pero contrast naman ang matalim niyang mata sa iba pang malamlam na feautures ng mukha niya.

Marahas na bumuntong hininga ang binata na nagpatigil sa pagoobserba ko sa kanya. Halatang nahihirapan siyang sabihin sa akin ang balita niya. Nag-umpisang kabugin ang dibdib ko sa nakikitang pagkukuli ng binata.

"Spill it out!" Aniko na nagpabalik ng tingin niya sa akin.  Humalukipkip ang binata at matiim akong tinitigan.

"Padating na mamayang gabi ang may pakana ng pagdukot sa'yo. Ihanda mo ang sarili mo." Anito na may pamimigat ang tinig niya. Halatang hindi niya gustong ibalita iyon sa akin. Pakiramdam ko ay may malaking bato na dumagan bigla sa dibdib ko. Napakabigat nuon na sanhi ng pagpapasikip at paghihirap kong huminga. Namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko.

"Tangina! Dapat hindi ko na lang sinabi." Ani Seth na animoy kausap ang sarili. Isinuklay niya ng kamay niya ang buhok niya at humigit siya ng malalim na hininga. Matagal siyang tumitig sa akin bago muling naglakad palapit sa akin pero huminto din siya at muling bumalik sa pwesto niya malapit sa pinto. Halatang ayaw niya akong lapitan at iwas na iwas siya na animoy nandidiri.

"Ang gusto ko lang sabihin Neri na... na maging masunurin ka sa kanya, huwag kang maghisterikal sa harapan niya para hindi ka niya saktan. Tandaan mong mas lalo siyang magiging agresibo kapag nakita ka niyang nasasaktan. Ang tipo ni boss ay ang ikatutuwa pa ang paghihirap ng iba." Malumanay na ani ni Seth pero mas lalong lumakas ang iyak ko sa mga sinabi niya.

Paano niya nasasabing maging masunurin ako sa lalaking nais akong saktan?! Na maging mahinahon ako habang minomolestiya ako ng lalaki?!

Halatang nataranta si Seth sa paglakas ng iyak ko. Sunod sunod itong napamura at inilang hakbang niya ang pagitan namin. Pero tumigil din sya bago pa niya ako maabot at muling umatras.

"Ano ka ba!? Walang magagawa ang pagngawa mo dyan!" Iritang aniya.

"Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo at kung gagawin mo ang sinabi ko baka palayain ka din niya kapag nagsawa siya sa'yo!" Walang emosyong ani ni Seth muli. Tumalim ang tingin ko sa huling tinuran niya.

"Hindi ako makakalabas ng buhay dito Seth! Huwag mo na akong lokohin! Pero tandaan mo ito, lalaban ako! Lalaban ako hanggang sa huling hininga ko!" Matalim ang pagbitiw ko sa bawat salita na sandaling ikinatulala sa akin ni Seth. Hanggang sa nakita ko sa mata niya ang dumaang paghanga pero nawala din iyon at naging blangko. Animoy namalikmata lang ako sa nakita ko.

Alam ko sa sarili ko na kapag dumating ang araw na ito ay lalaban ako, lalabanan ko ang demonyo hanggang sa mawalan na ako ng hininga. Lalaban ako hanggang sa ikamatay ko sa kamay ng demonyong iyon. Pero talagang nakakaiyak na malamang hanggang dito na lang ako. Hinayaan ko pansamantalang maging mahina ngayon dahil kailangan kong maging matapang namaya.

"Neri... magsasawa din iyon sa'yo kapag nakuha na niya ang gusto niya. Mas mahalagang mabuhay ka. Huwag kang magpakatanga." Aniya na ikinatalim ng mata ko kahit na sisinghot singhot ako mula sa pag-iyak.

"Bababuyin niya ako! Anong gusto mong gawin ko?! Humilata lang at tanggapin iyon?! I'd rather die Seth! I'd rather die!" Matalim na sagot ko sa lalaki.

"Kung ganyan lang ang halaga ng buhay mo. Isugal mo."Malalim ang hinugot na hininga ng binata bago ito tumalikod at nilisan niya ang silid ko.

Napadapa ako sa kama hanggang sa pingpatuloy ko ang aking pag iyak.

Isusugal ko talaga ang lahat! Lalaban ako! Hindi pwedeng ganito na lang ako! Hindi pwede!

Sinner Seth (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora