19 Maling akala

10.9K 425 78
                                    

Neri POV

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa binata. Pansin ko kasing halos nakaka-isa't kalahating oras na kami sa byahe pero mukhang walang balak pa din tumigil ang binata.

"Sa probinsya ko." Maikling anito.

"Saan ba ang probinsya mo?" Tanong kong muli.

"Quezon." Maikli pa ring sagot niya.

"Malayo pa?" Aniko habang tinatanaw ang mga dinadaan naming kakahuyan.

"Medyo." Anito na ikinailing ko. Napakasungit talaga ni Seth at sobrang ikli niyang sumagot na nakakainis na! Pakiramdam ko nga papanisan ako ng laway kung siya ang kasama ko tuwing magbabyahe ako.

"Ano nga pala ang sabi ni daddy? Kinamusta ba niya ako?" Usisa ko sa binata. Nangunot ang noo niya pero hindi siya lumilingon sa akin at sa kalye lang siya nakatingin.

"Natural." Pilosopong sagot niya. Hindi ko maintindihan kung bakit naging mas malamig pa kesa sa dati ang pakikitungo niya sa akin.

"Ugh! Nakakairita kang kausap!" Inis na bulalas ko ng hindi na ako makatagal. Humalukipkip ako at pumikit. Mabuti bang matulog kesa mabwisit lang sa binata sa buong byahe.

Nagising na lang ako sa mahinang yugyog sa balikat ko. Nagmulat ako at natagpuan ang maamong mukha ni Seth na nakadukwang sa akin. Hindi ko maintindihan bakit sumilay ang ngiti sa labi ko sa itsurang iyon ng binata, marahil dahil napakagwapo ng mukha nito at ansarap magising na mukha niya ang unang mumulatan ng mata ko. Kumunot ang makapal na kilay ng binata sa akin at lumayo.

"Bumaba ka na. Narito na tayo." Supladong anito na nagpabalik sa akin sa realidad. Umalis din agad si Seth at iniwan akong pupungas pungas na tumayo. Pumasok ang binata sa isang kubo sa harapan ng kotse. Napaligid ako sa paligid. Halos puro puno at kakahuyan ang natatanaw ko sa paligid at tanging ang kubo lamang ang nag-iisang bahay na natatapunan ng mata ko. Palagay ko ay layo layo ang mga kabahayan. Sumunod na lang ako kay Seth at pumasok din sa kubo.

Pagkapasok ko ay tulad din ng ine-expect ko ay maliit lang ang bahay.  Gawa sa semento ang dingding na hindi nakulayan at bubong na gawa sa tuyong dahon ng niyog. Para iyong bahay kubo sa sobrang liit lang. Gawa sa kahoy din ang lahat ng gamit mula sa maliit na kahoy na nagsisilbing sofa hanggang sa lamesa at upuan. May isang maliit na lababo sa dulo na nagsisilbing kusina at isang maliit na tabing na kurtina na malamang ay pinto ng kwarto. Nahawi ang kurtina at lumabas si Seth mula roon.

"Seth, saan ang banyo?" Aniko ng makitang wala ng ibang kakikitaan ng magsasabing may banyo ang kubo na ito.

"May poso sa likod na pwedeng liguan. May maliit din na kubeta sa likod." Sagot nito habang pinupunasan ng basahan ang maalikabok na lamesa niya.

"Tayo lang ba dito? Wala bang ibang nakatira dito?" Usisa ko. Huminto ang binata sa ginagawa niya at sumulyap sa akin.

"May nakikita ka bang ibang tao?!" Pilosopong aniya na ikinaismid ko sa kanya.

"May kuryente ba dito?" Aniko sa kanya. Napailing iling ang binata.

"May nakikita ka bang outlet o kawad ng kuryente?" Balik tanong niya na ikinairita ko na. Kanina pa siya ganito na hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para mas lalo siyang maging masungit.

"Bakit ba ang pilosopo mo?!" Nauubusan na ng pasensyang sita ko sa lalaki.

"Bakit ang tanga ng mga tanong mo?!" Irita ding sagot niya.

Sinner Seth (COMPLETED)Where stories live. Discover now