1: The Art

1.3K 20 0
                                    

One

"Archer!" Tawag ko sakanya. Grade 10 na kami at habulin pa rin siya ng mga babae. Syempre, anak ba naman ng napakagandang lahi? Hindi na rin ako magtataka ano! "Ang pangit ng hairstyle mo, bulok!"

Hindi kami bestfriends parang pag nagkikita kami sobrang close namin sa isa't isa. May iba kasi talaga siyang barkada, sila Astros at 'yung bestfriend niya na si Glaire. Ang ganda ng bestfriend niya infairness.

"Wow! Akala mo maganda tignan 'yang short hair mo? Mukha kang tiga-Palengke, Aviona!" Humalakhak naman siya. Magkaklase kami this school year sa wakas. Ako lang yata 'yung kaibigan niyang babae.

"Eh ganon talaga, road to pogi na 'ko! Ano, ayos ba?" Hindi naman sa nakikiuso ako pero nagkakaroon ako ng gender crisis nung summer. Ewan ko ba. Hindi ko alam anong tawag kapag naguguluhan ka sa gender mo.

"Seryoso, Aviona? Ang babaeng-babae ng pangalan mo tapos mab-bi sexual ka?" Ayan agad ang reaksyon ni Archer nung maikwento ko sakanya habang kaming dalawa lang ang nasa classroom.

"Bakit? Anong masama? Eh naguguluhan kasi talaga ako, 'tol!"

"Feel ko, tibo ka." Tumatawa naman niyang sambit. Tumunog naman ang kanyang telepono kaya natigil 'yung usapan namin, malamang iyong bestfriend na naman niyang si Glaire ang nag-text. Praning silang dalawa sa isa't isa eh, pansin ko naman kahit na minsan minsan lang kami magkasama. "Pasensya na, nagtext lang si Glaire."

"Ano daw sabi?"

"Ayun, basted na naman ako." Sabi niya na lang sakin at halatang nasaktan na naman. "Dapat kasi may usapan kami mamayang gabi, eh nagkita sila ni Astros kanina.. Inaaya daw siya na mag-arcade kasama 'yung classmates nila, syempre mahal niya talaga 'yon eh.. Mas mahal niya sa akin." Pain is evident in his eyes. Kung pwede lang yakapin 'to, ginawa ko na kaso baka magulat siya eh.

"Bakit mo pa kasi sinusuyo kung pwede naman ng sukuan?"

"Worth it naman siyang mahalin, eh." Worth it din 'to martilyuhin. Ang martyr naman neto. "Try mo rin kasi maghanap ng lalaking ay este babae o lalaking mamahalin mo, o kaya kahit magustuhan mo. Ikaw naman kasi! Ayusin mo muna sino ba talaga gusto mo, 'di 'yung dala-dalawa!" Sabi niya at tinawanan na naman ako.

Buwan ang lumipas, ganon pa rin. Abala pa rin siya kay Glaire. Tulad ngayong araw at malapit na ang prom.

"Aviona.." Sabi niya sakin at kinalabit pa ako. Natutulog kasi ako dahil wala akong magandang tulog kagabi kanonood ng netflix series. Ewan ko ba, mas trip ko yata magpuyat 'pag may pasok kinabukasan. "Aviona Clarisse! Hoy!" Medyo malakas na sabi niya.

Kinusot ko muna 'yung mata ko, "Istorbo mo naman, men! Ano ba 'yon?"

"May date ka na ba sa prom?" Kumalabog ng malakas 'yung puso ko non. Ewan ko ba, akala ko kasi non yayayain niya ako. Pero umasa lang pala ako.

Umiling ako. "Wala pa, tsaka okay nalang din para 'di nako aattend." Sabi ko

"Sakto.. May gagawin ka ba mamaya?" Akala ko ulit yayayain na naman ako. "Pwede bilhan mo 'ko ng flowers at chocolates? Para lang kay Glaire. Si Astros kasi yayayain din siya eh."

"Putcha, wala ka ng laban don, Archer! Tama na kasi." Sakin ka nalang kasi. Charot.

"Wow! Thank you! Nakatulong ka talaga sa confidence ko, noh? Kinakabahan na nga 'ko dadagdagan mo pa talaga?" Pilosopo naman niyang sagot sa akin.

"Totoo naman kasi, eh! Hindi ko alam ba't ang tanga mo din.." Sabi naman niya.

"It's still worth a try. She's worth a million cry." Ngumisi siya.

"Nabilang?"

"Ni-rhyme ko lang!" Sabi niya at pinilit akong bilhan si Glaire ng magandang flowers at chocolate. Eh wala nga akong alam sa mga ganyan ganyan paano ko mabibilhan? Hello, wala pa nga kong date eh! Haha!

"Oh, anong itsura 'yan?" Tanong ko. Dalawang araw matapos nung usapan namin na bibili ako ng flowers at chocolate para kay Glaire. Nakabusangot siya at hindi maipinta ang mukha. Walang tao ang gustong lumapit sakanya kundi ako lang dahil wala akong pake kung magalit siya.

"Hindi niya 'ko ni-reject." Sabi nito. "Para lang sabihin ko sa'yo, hindi niya sinabi sa akin na si Astros ang pinipili niya.."

"Pero? Si Astros pa rin ang pipiliin niya, 'di ba? Kaya?" Dugtong ko naman sa sinabi niya.

"Kaya, sabi ko nalang na ako nalang ang magiging prom date ni Eissen, 'yung kapatid ko. Para malaman niya na okay na ako basta masaya siya sa promdate niya." Pageexplain niya naman.

"Ang sweet naman na Kuya! Hihi!" Pagpapatawa ko kaya naman napangiti ko naman siya. "Alam mo, Archer. May mga laban kasi na hindi mo na kailangang sumabak para malaman mo kung talo ka ba o panalo. Minsan may himala, oo.. Pero mas maniwala tayo sa assurance. 'Yung alam natin kung ano ng kalalabasan kasi in reality siya eh. Ikaw, alam mo naman na hanggang bestfriend ka lang eh, so, hanggang dun ka nalang."

"Akala ko ba 'di ka pa naiinlove?" Hindi pa nga ba?

There's something in his eyes na gusto kong titigan palagi. Kahit anong ekspresyon, makikita mo na agad sa mga mata niya. His jawline fits with his body. Bagay na bagay 'yung medyo katamtaman niyang pangangtawan sa features ng mukha at sa height niya.

"Oo nga, hindi pa.."

"Eh kung makapagsalita ka akala mo iniwan ka na rin eh!" Sabi naman niya sa akin at ngumisi lamang ako. "Siya nga pala, hindi ko naman nagamit 'yyng flowers at chocolate kasi meron si Astros kaya tinapon ko nalang.. Babayaran ko nalang bukas."

"Huwag na, basta ipangako mo lang sa akin na it-try mong mas mahalin sarili mo."

"Hirap naman non, mas mahal pa dun sa pinabili ko."

"Pero lifetime naman ang guarantee kung magawa mo, 'di ba? Wala namang mawawala, Arch."

As usual, wasak na naman ang lolo mo Archer after ng promenade. Hindi na niya inalam kung anong nangyari kay Glaire. Basta nalang siyang nag-aya sa akin na uminom daw kami sa isang bar na nasa rooftop deck. We were just sitting there and talking about random things. That's when I knew.

I like him. Sabi ko sa sarili ko. His passion, love and life. He was like a painting to me. A very perfect yet still flawed painting. Scarred but shielded with happiness. He was a man who didn't saw his worth as much as I did.

That's when I knew I liked him and that's when I started loving art. I started drawing, painting and etc. From that night until God knows how long, I loved painting.

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now